Chapter 31

5.7K 182 5
                                    

S C A R L E T

"She's the one.."

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinambit ni Mr. Cedrick. Paano niya ba nakilala sila Mom and Dad? Baka naman naging business partner siya ni Dad? Pero nakakapagtaka parin yung sinabi niyang "She's the one.." ano bang ibigsabihin niya?

"What do you mean po? Please enlighten me." magalang kong tugon sa kanya.

Tinignan ko si King, nakakunot rin ang kanyang noo. Pati na rin sina Kelly, Cindy at Dustin ay kunot rin ang mga noo dahil sa sinambit ni Mr. Cedrick.

"Oh, you don't know yet? Your parents didn't tell you?" kunot-noong tanong rin niya sakin na para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Ano ba yung hindi sinasabi sakin nila Mom and Dad? Yun ba yung may kaibigan silang bampira? Yung pakikipag-kaibigan nila kay Mr. Cedrick na isang bampira? Ano ba ang dapat kong malaman? Ano ba ang tinutukoy nito ni Mr. Cedrick? Tsaka paano ba niya nakilala ang mga magulang ko?

"I wouldn't bother myself to ask you about it if I already knew what you're talking about, sir." seryoso ngunit magalang kong tugon sa kanya.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkamangha dahil sa paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya.

"You really need to know that yo-"

"Oh my lovely Royalties are already here!" nakangiting biglaang pagsambit ng ginang sa aming harapan.

Hindi na naituloy ni Mr. Cedrick ang dapat niyang sasabihin dahil sa biglaang pagsulpot ng ginang na ito sa aming harapan. Nakasuot siya nang isang pulang long dress, classy and sophisticated ang kanyang itsura. Sobrang puti rin ng kanyang balat katulad nila King.

Nilapitan niya sina King, Dustin, Cindy at Kelly para makipag-beso sa kanilang lahat. Ngunit agad rin siyang napahinto nang ako na ang kanyang lalapitan. Nanlalaki ang kanyang mga mata na para bang gulat na gulat siyang makita ako.

"Oh my.. i-is she..?" nauutal niyang tanong kay Mr. Cedrick.

Tinanguan lamang siya nito at mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa tugon ng ginoo sa kanya. Tinitigan ako nang ginang na ito, para bang kinakabisado nito ang aking mukha.

"You really look like them.. perfect combination." namamanghang sambit niya habang tinititigan ako.

"What do you mean po? Sino po ang tinutukoy niyo?" kunot-noong tanong ko sa ginang.

Nginitian niya ako dahil sa aking pagtatanong.

"Your parents." nakangiti niya paring tugon.

Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa kanyang tugon.

Pati siya ay kilala sila Mom and Dad, paanong nangyari yun? How come na kilala nilang dalawa ni Mr. Cedrick ang mga magulang ko? Posible kayang naririnig rin nila ang pangalan ni Dad sa television kaya kilala siya nang dalawang 'to?

"Scarlet, her name is D-"

"My name is Dianna, Queen. You can call me, Ms. Dianna." pagpapakilala at pagpuputol ni Ms. Dianna sa pagsasalita ni Dustin.

Inilahad niya ang kanyang kamay, nag-aalinlangan ko naman itong tinanggap. Nag-shake hands kaming dalawa at nakangiti parin siya sakin.

Oh-kay.. nagiging creepy na ang patuloy niyang pagngiti sakin. Nakakatakot na siya.

"Dianna, you're scaring our new Queen. Please don't mind her, maybe she forgot to drink her medicine again. By the way, my name is Mr. Kurt, my Queen." biglang sambit ng isang ginoo na bigla nalang rin sumulpot sa harapan namin.

Owned by the Vampire KingOnde histórias criam vida. Descubra agora