45: ONSE ELEMENTOS

Start from the beginning
                                    

"Bow and Arrow!" Nanghihina na sigaw ko.

Kahit pagod na pagod na ako ay nakukuha ko pa ring mapana ang Arimaonga. Pinapana ko ang mata niya para hindi siya makakita. Nang palapit ako sa kanya ay natangay niya ang isang paa ko dahilan para mabitiwan ko ang weapon ko. Nasa himpapawid na ako ngayon.

"Unoooo!" Sigaw ni Fourth. Tinignan ko ang kalaban nila at napatay na nila ito.

Kahit anong gawin ko ay hindi ako makagalaw dahil giniit ako ng Arimaonga. Nang nararamdaman kong lumuwag ito ay gumamit ako ng espada upang maputol ko ang paa niya. Nakawala din ako sa kanya at bumagsak naman ako sa lupa.

"Okay ka lang?!" Tanong ni Fourth sa akin.

Tumango ako. "Okay lang ako, salamat!" Sabi ko.

Nilapitan ako ni Cinco para pagalingin ang mga sugat ko, maya-maya ay nawala na ito at bumalik ako sa dati ang enerhiya ko.

"Hindi natin yan basta-bastang mapapatay!" Sabi ko.

"Anong gagawin natin!?" Tanong ni Onse.

"Werpadokos!" Nasabi ko bigla sa bibig ko.

Tama!

"Light Element Power Activate!"

"Darkness Element Power Activate!"

"Water Element Power Activate!"

"Fire Element Power Activate!"

"Air Element Power Activate!"

"Earth Element Power Activate!"

"Ice Element Power Activate!"

"Cosmic Element Power Activate!"

"Telekinesis Element Power Activate!"

"Time Element Power Activate!"

"Electricity Element Power Activate!"

Isa-isa namin itong sinigaw at pinalabas na ang iba't ibang kulay namin. Nakikita na namin ang Ritual Color at makukulay na bindu. Unti-unti itong lumaki, hanggang sing laki na ng Arimaonga ang bindu. Tumakbo pa siya palayo pero huli na dahil natamaan na siya ng bindu.

Konting katahimikan.

Nang tumingin ako sa paligid, wala na ang iba't ibang mythical creature. Nakahinga ako ng maluwag at nakahiga sa lupa bigla. Ngumiti ako ng patago. Maraming salamat Gani! Naibulong ko sa hangin. Maya-maya ay tumakbo si Siyam papuntang path way kaya sumunod kaming lahat. Malayo pa lang tanaw ko na ang nakahigang katawan ni Prof June. Napahinto ako at hindi makalapit, umiyak naman si Siyam. Hindi mapigilang tumulo ang luha ko.

"Galingan mo bukas, make me proud Ms. Perez!"

"Yahoooo panalo manok ko... Saan mo gustong kumain?!"

"Ang sabi ko slope ang hanapin, slope! Hindi ka naman nakikinig eh..."

'Nakikinig ako Prof!'

"Nasaan na yung Reviewer? Naku pag memory plus ka nga!"

"Kilala mo ba si Pooh?"

'Opo naman Prof!'

"Anong ang addition ni Pooh?"

'Ano?!'

"Edi SumPooh!"

'Nakapa corny ng joke mo prof.. Baka matalo pa ako niyan!'

"HAHAHAHA natutuwa akong magalit ka dahil umuusok ang ilong mo... Halika na mag review na tayo baka matalo pa tayo"

Bumalik lahat ng pinagsasabi ni Prof sa akin. Lahat ng masayang alaala, mga corny na jokes at mga paninimermon niya ay bumabalik. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng ginawa niya ay dito lang pala hahantong.

"Uno, tawag ka ni Prof." Sabi ni Fourth.

Lumapit ako sa kanya, sumikip agad ang puso ko nang nakita ko siya na nanghihina. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya umiyak na ako palapit pa lang sa kanya, nanginginig na ang katawan ko.

"P-prof!" Umiyak kong sabi.

"Wag kang umiyak Ms. Perez, pumapangit ka!" Nahihirapang sabi niya.

"Kahit nahihirapan ka na, nakuha mo pang magbiro." Sabi ko.

"Salamat sa iyo ha? Di dahil sayo hindi lumambot ang puso ko sa mga estudyante ko... Tinuruan mo akong maging masayahin dito, ang dating seryosong prof ngayon napangiti mo na. Proud na proud ako sa mga achievements mo, kahit sinasabi ng ibang teachers mo na failure ka, lagi mong tandaan na proud ako sayo at kaaya-aya kang ipagmamalaki. Napamahal na si Prof sayo, salamat sa lahat... At sana magawa niyo na ang ritual niyo." Sabi niya.

"No! Prof Please... Prof!" Iyak kong sabi at niyakap siya. "Cinco, tulungan mo si Prof," pagmamakaawa ko.

"Uno, hindi naman natin kalahi si Prof." Seryosong sabi nito.

"Walang mawawala kung susubukan mo," pagpilit ko.

Nilagay ni Cinco ang kamay niya sa katawan ni Prof at sinubukang gamutin ito, pero hindi umepekto. Lumapit din si Siyam para bigyan ng gamot na gawa niya mismo kaso hindi pa rin tumalab.

"P-papa!"

"Thank you for making me feel worthy, thank you kasi dahil sayo nailabas ko ang mga bagay na imposibleng magagawa ko. Wala akong achievements kung wala ka prof, thank you so much prof!" Ngumiti lang si Prof sa sinabi ko.

Unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya at mas lalo akong umiyak. Si Siyam naman ay hinihingal na dahil sa kakaiyak. Nang nakapikit na siya nang tuluyan ay hindi ko mapigilang yakapin si Prof June.

Paalam Prof! Salamat sa lahat.

Tahimik ang buong lugar. Napatingin lang ako sa nakapikit na si Prof.

"Hanggang sa muling pagkikita at pagtutuos Elementos."

May narinig kaming sigaw sa kung saan, boses iyon ni Fe.

Mapapatay ka rin namin Fe!

Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now