(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)

387 15 0
                                    

Special Chapter:
PAANO NALAMAN NI KIARA ANG KATOTOHANAN

Kiara's P.O.V

Nagising ako dahil sa ingay ng parents ko sa labas. Agad akong bumangon at inayos ang sarili ko at dali-daling lumabas ng kwarto ko dahil nag-aaway na naman sila. Mag-isang buwan na siguro silang nag-aaway, hindi ko naman alam kung ano ang pinag-aawayan nila. Nang bumaba ako ay nakita ko si Daddy na nanonood ng TV habang may hawak na kape, si Mommy naman nasa mesa at tahimik na tinitignan ang pagkain. Ano kaya ang pinag-aawayan nila? Kainis naman! Noon nagkukwento naman si Daddy about sa tampuhan nila ni Mommy, ngayon hindi na.

"Anak, kumusta ang new school mo?" Tanong ni Daddy nang nakita niya ako sa hagdanan.

Huminga ako ng malalim, "Not fine!" Sabi ko at pumunta na sa kanya.

After nung nangyari sa Ptolemy University, agad akong pinalipat ni Mommy sa ibang school. Nung una ay ayaw ko dahil hindi ko kayang umalis sa PU, pero pinaintindi ako ni mommy sa mga nangyayari kaya sumang-ayon nalang ako sa gusto niya.

I have no choice!

Walang nakakaalam na lumipat ako dahil pinutol ko ang koneksyon namin ng mga kaibigan ko sa PU, sinunod ko lang ang gusto ni mommy. Wala na rin akong balita sa mga bestfriend ko at kay Jameson, miss na miss ko na sila pero wala akong magawa. Kahit ayaw ni mommy na nangingialam ako sa nangyayari ngayon sa PU pero hindi ko magawa. Sino ba naman ang hindi nababahala sa mahigit isang dekada kong pinasukan na paaralan diba?

Dahil ayaw nga ni mommy, sekreto kong pinupuntahan ang PU kahit delikado. I want to know everything, kung ano ba ang nangyayari pero bigo ako dahil wala ako nakita.

"Bakit not fine? Anong nangyari?" Tanong ni Dad.

"I want to go back to PU Dad---

Hindi ko natapos ang sinabi ko dahil sumulpot na si mommy sa harap namin at nakapamewang pa.

"Hinding-hindi ka na babalik sa PU, that's final Kiara!" Padabog na sabi ni mommy.

"But mommy, I am not happy sa new school ko. Hindi ako makakapag-aral ng maayos dun!" Pangungumbinsi ko.

"Kiara nahihibang ka na ba? Wala kang future sa PU, nakita mo naman sa balita diba na cancelled lahat ng transaction ngayon sa PU. Akala ko ba okay na tayo?" Panininermon ni mommy sa akin.

"Yes mom but you promise me to tell the truth what is f*cking happening!" Medyo naiiyak kong sabi sa kanya.

"Yan ba ang natutunan mo sa PU?" -Mommy

"No, yan ang natutunan ko sa bagong school ko." Sagot ko.

"Anak!" Tinapik ni Dad ang balikat ko.

"You're unfair mom!" Sabi ko at padabog na umakyat sa taas.

Nasa kwarto na ako at nakatingin lang sa ceiling. Alam kong may kakaibang pangyayari at alam kong alam nila Dad and Mom pero hindi nila sinabi sa akin. Kumusta na kaya sina Alexyz at Belle? Matagal-tagal ko na silang hindi nakikita ah.

Nang bored na bored na ako sa kwarto ko ay hinanap ko ang Sim card ko para i-insert sa phone na binili ko kahapon. Keypad lang ang binili ko para hindi gaanong malaki at maitago ko lang agad pag biglaan ang pagpasok ni Mommy dito sa kwarto ko. Tinawagan ko agad si Jameson at agad niya naman itong sinagot.

"Hello Babe?" -Ako

"Babe, Kiara? Ikaw ba ito?" -Jameson

"Yes babe! Miss na miss na kita,"

"Anong nangyari? Ba't bigla kang nawala?"

"Babe! It's a long story. B-biglaan kasi akong pinalipat ni mommy at kinuha niya ang phone ko pero buti na lang nakuha  ko agad ang sim card. Babe, kumusta na sila ni Alexyz? Si Belle?"

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now