3: ONSE ELEMENTOS

1.4K 89 35
                                    

Alexyz' P.O.V

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo na ako at nagbihis. Hindi ko alam pero excited akong pumasok sa school. Siguro excited lang ako makita si Justin, ang babs ko. Ang landi HAHAHA!

6:00 AM

Ginising ko na si Belle para maghanda na siya. Samantalang ako, handang-handa na. Hindi pa ako bumababa baka kasi pagtawanan lang ako sa baba dahil sa aga ko.

"O, bakit ang aga mo Xyz?" Tanong ni Belle sabay hikab.

"Ang baho naman ng bibig mo? At wag ka nga maraming tanong, maligo kana at nagbihis ayokong malate. PERIOD" sabi ko.

"Grabe ka naman maka baho ng bibig" sabi niya sabay amoy.

"Bilisan mo na kasi diyan" sabi ko sabay kuha ng towel niya. "O, madam bilisan mo na."

"Thanks Xyz, tinatamad kasi ako ngayon," sa wakas ay tumayo na rin siya sa kama.

"Tamad ka naman palagi ehh, magugulat pa ba ako?" Pabiro kong tanong.

"Ayy grabe ka naman sa'kin," sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Bilisan mo na!" Pahabol ko pa.

"Oo na!" Sigaw ni Belle.

Pumasok na siya sa CR. Habang hindi pa siya natapos, nasagid na naman sa isipan ko ang narinig ko kagabi.

"Heto pala bahay nina Uno."

"Wag kang maingay baka marinig ka niya!"

"Parang hindi na niya tayo kilala."

"Paano na ang Ritwal? Paano na ang Onse Elementos?"

Wtf? Bakit parati nalang kayo sumasagip sa isip ko?

"Helu gudd mornengg!" Sigaw ni Belle.

"Ayyyy Uno!" Napasigaw ako dahil nagulat ako ni Belle.

"Ano ka ba Belle!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib.

Tinutukan ako ni Belle, hindi baril kundi matatalim na mata. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at kunwaring kumukuha ako ng suklay.

"Alexyz, sino si Uno?" Seryosong tanong ni Belle sa mga mata ko. "Wag kang magsinungaling... Si Uno ba yung napanaginipan mo?"

"A-ahh, Oo Belle... P-paulit-ulit nalang kasi siya sa panaginip ko. Hindi ko maiwasang hindi isipin," sincere na explain ko.

"Sure kang panaginip lang?"
Pang-usisa ni Belle.

Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi kaya may mga naririnig din siya? Pero bakit? Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok na siya sa walk-in closet niya.

"Explain Alexyz, nakikinig ako," seryosong saad ni Belle.

"Hindi ko alam Belle! Nung nag 17 ako, sunod-sunod na ang mga panaginip ko tungkol kay Uno. Hindi ko naman mawala sa isipan ko kasi curious din ako kay Uno," sabi ko. "Nadagdagan pa nung nasa Mall tayo, yung babaeng nabangga ko. She look so familiar." Dagdag ko.

Tumahimik na ang kwarto niya. Maya-maya ay lumabas na si Belle. Tapos na siyang mag bihis at seryoso pa rin ang mukha niya.

"Ako sayo Alexyz, wag mo na yang isipin. Nakakadagdag lang yan sa isipan mo. Second semester na, marami na tayong gagawin ngayon," sabi ni Belle. "Tsaka kung sino man ang babaeng 'yon, pabayaan mo na." Dagdag niya.

I can't:((

Madalang lang maging seryoso 'tong si Belle kaya alam kong concern siya sa'kin. Huminga ako ng malalim. Tumango ako sa sinabi niya. Nagpasya na kaming lumabas na para kumain. Matapos kumain ay nagpaalam muna kami nina Tita at Tito pagkatapos nun ay umalis na kami sa bahay.

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now