29: ONSE ELEMENTOS

718 40 1
                                    

Lucas/Sixth's P.O.V

Kasalukuyan kaming nakikipaglaban ngayon, ang mga estudyanteng masayang naglalaro kanina ay napalitan na ng takot, ang ibang nagkwentuhan kanina ay nag-aaway na, ang iba ay nadaganan na dahil hindi nila alam ang gagawin. And it is sad to know na hindi namin sila matutulungan lahat. Karamihan sa mga estudyante ay sumisigaw, nag-iiba ang mga boses at sa isang iglap ay naging halimaw. Maybe ito na yung sinabi ni Prof June na capsule, ito ang naging resulta sa pinainom nila. Hindi ko akalain na marami sa mga estudyante ay napainom na sa sinasabing capsule, siguro mga kalahati ng populasyon sa Ptolemy Academy. Ang dami nila!

Hindi namin nahabol si Prof June kanina, nakapasok na siya sa sisters building, hindi na namin siya nabalaan about sa mga haka-haka ni Dos. Hindi naman mapalagay si Dos kaya gumawa siya ng paraan para mabuksan lang ang pinto, pero nabigo siya. Hindi nagtagal may narinig na kaming sunod-sunod na pagsabog, nang tumingin ako sa grade school building ay wasak na wasak na ito. Maraming batang estudyante ang narinig kong umiiyak.

Nagsisimula na ba? Ito na ba yun? Akala ko ba bukas pa? Bukas pa daw sabi ni Prof kanina! Tama kayang pinagkakaisahan si Prof June nina Sister Fe at Teacher Shalle? Sana okay lang si Prof!

Nang narealize kong apat lang kaming nakikipaglaban sa mga estudyanteng halimaw na'to ay sumakit ang aking puso. Nakakawala ng pag-asang apat kami laban sa mahigit dalawang daan na halimaw. Hindi namin kaya 'to. Pero kahit man apat na lang kami, nagpatuloy lang kami sa pakikipaglaban.

Marami sa kanila ay Draugr, pinakamalakas sa mga mythical creature. Draugr is an undead with superhuman strength and stamina; immune to normal weapons. Parati nilang dala ang axe and shield nila, mahihirapan kami nito.

Maya-maya ay may dumating na mga estudyante, may dala silang crossbow and bolts, ang iba ay sunujin at ang iba naman ay sickle. Napangiti ako sa nakikita ko, ito na yata ang sinasabi ni Prof na sinasanay niya sa pakikipaglaban. Ang ibang estudyanteng dumating ay walang weapon na dala pero may dalang gamot para sa mga nasusugatan. Dalawa sa dumating na estudyante ay nakabalot ng damit at tanging mga mata lang ang nakikita ko.

Nagpatuloy kami sa pakikipag-away ay may mga sugat na rin ako sa katawan ko, napatingin ako kay Otso na walang natamong sugat kahit maliit lang na galos. It's one of his ability, he's incapable of being wounded and injured.

"Mag hiwa-hiwalay tayo Sixth para mapadali natin silang mapapatay!" Sigaw sa akin ni Dos at pumunta ako malapit sa mga chaos.

Magagaling ang mga estudyanteng nakikipaglaban lalo na ang isang nakabalot ng damit. Ano kaya ang rason niya bakit nakabalot siya? Sino kaya siya? Babae ba siya o lalaki? Napatanong ako dahil sa kuryusidad.

Tinuon ko nalang sa kalaban ko ang mga tanong ko, tatlong ghoul ang kaharap ko ngayon. Ghoul is a shaped-shirting demon that takes on the form of the corpse it has most recently eaten. Nakakadiri itong halimaw na'to, naglalaway at nakasipat ang mga mata nila sa akin. I used my superhuman speed ability, iniikot-ikotan ko sila para mahilo sila. Sumusunod ang mga mata nila sa akin kung kaya't madali silang nahilo. Mga gonggong!

Napatay ko ang dalawa sa kanila kaya isang ghoul nalang ang kalaban ko. Diretso niya akong napatumba , hindi ako nag expect na darating yun. Pinagsusuntok niya ang sikmura ko kaya napa-ungol ako sa sakit. Kahit hindi ako nawawalan ng enerhiya, hindi ako makagalaw dahil nakaupo siya sa tiyan ko. Maya-maya ay napahiga siya sa akin at lumapat ang laway niya sa mukha ko. Tinapon ko siya palayo sa akin, diring diri ako sa malapot niyang laway. Yuck! 

Hinanap ko agad kung saan galing ang weapon na yun, at laking gulat ko dahil isa sa mga estudyanteng naka-balot ang tumulong sa akin. Nilapitan niya ako at tinulungan akong makatayo. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya. Babae siya!

ONSE ELEMENTOSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu