45: ONSE ELEMENTOS

768 33 2
                                    

Alexyz' P.O.V

Bago pa man sila nakalapit sa amin ay sumugod na ang malalaking halimaw. Dumudoble ang laki ng Dullahan, Sarimaw, Preta, Banshee, Minotaur, Cerberus, Redcap at higit sa lahat ang Arimaonga. Napanganga kami dahil sa laki nila. Dali-dali namin nilabas ang weapons at pumunta na sa quadrangle.

"Kayong apat, doon kayo sa maliliit na halimaw. Kami na ang bahala sa malalaki," utos ko at tumakbo na sa gitna.

Pumunta sina Leilani, Dark, Azura at Aiden malapit sa grade school building at naroon ang mga Kataw at Tambal. Sina Tita Mitch, Tito Bernard, Prof June at ibang mga estudyante ay nasa cemented pathway papuntang gym. At kaming Onse Elementos ay nasa quadrangle at sinosolo ang walong malalaking halimaw. Nakita ko si Onse at hindi ako makapaniwala na nakaalala na rin siya. Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap.

"Belle, I miss you!" Sabi ko sa kanya.

"Ako rin. Miss na miss na kita!" Sabi niya.

Nag-pwesto na kami, inikutan namin ang walong malalaking halimaw.

"Saan si Sir Laude?!" Tanong ni Dos.

"Nasa labas, kasama ang iba pang estudyante. Kinover nila ang mga pangyayari dito." Sagot ni Seven.

Ginamit na namin ang iba't ibang weapon para labanan ang mga halimaw. Naghiwa-hiwalay kami para mapadali ang pagpatay namin sa kanila.

Sina Onse at Diyes ang kalaban nila ay Dullahan; dahil ang weapon ni Onse ay Whip at kay Diyes ay Hammer, tamang-tama lang para sa Dullahan dahil may whip din ito.

Sina Siyam at Otso ang kalaban nila ay Banshee; dahil ang weapon ni Siyam ay Boomerang at kay Otso ay nunchucks, kailangan lang nilang puntaryahin ay puso nito.

Sina Seven at Sixth ang kalaban nila ay Cerberus; ang weapon ni Seven ay starknife kay Sixth naman ay Spiked chain, pwede nilang pagsama-samahin ang kanilang weapon para mapadali nilang mapatumba ang Cerberus.

Si Cinco ang kalaban niya ay Preta, pag na-pana ng ransuer niya ang preta ay mamamatay ito agad. Cinco specialized her weapon, she put some poison and it kills directly to the mythical creatures like Preta.

Si Fourth ang kalaban niya ay Sarimaw, nilalagyan niya ng apoy ang pana niya kaya mapadali itong matumba. Bilib din ako kay Fourth dahil mas lalo siyang gumaling ngayon kaysa noon. Nakakaproud.

Si Tres naman ang kalaban niya ay Redcap. Dehado siya sa weapon na gamit niya laban sa Redcap but Tres is very wise kumpara sa Redcap. Alam niya ang kahinaan at kalakasan nito.

Si Dos ay kalaban niya ay Minotaur. Malaki, Malakas, Mukhang tamaraw ang mukha nito pero kabayo ang mga leeg at may dalang malaking weapon pero alam kong kayang-kaya ni Dos iyon. Napakagaling niya sa pakikipaglaban at alam kong madali niya lang itong mapatay.

Kaharap ko ngayon ay Arimaonga. Pinaghalong Leon at buwaya ang mukha nito, may apat na malalaking paa at may nakakalasong laway. Hawak ko ang shield sa kanang kamay at spiked chain naman sa kaliwa. Ginamit ko bilang proteksyon ang panangga upang hindi ako matalsikan sa laway ng Arimaonga.

Napa atras, Napasigaw, at Lumilipad ako dahil sa lakas ng Arimaonga. Pabalik-balik ko siyang inaatake pero dahil sa lakas niya ay hindi ko siya nagalosan. Hindi ako makalapit sa kanya. Mas dumami pa ang pasa at sugat ko ngayon kumpara kanina. Naramdaman kong may sugat na ang mukha ko dahil masakit na ito.

"Ahhhh!" Napasigaw ako dahil diniinan ng Arimaonga ang mukha ko sa lupa.

Narinig kong sumigaw sina Fourth at Tres kaso hindi ko masyadong na klaro ang sinasabi nila. Sinipa ko ng malakas ang tiyan niya kaya nakuha ko iyong pagkakataon upang makatayo ako at nakuha ang weapon lock ko. Alam kong mahihirapan ako ngayon sapagkat hindi ako gaano nakapag-ensayo. Matagal na rin ang pagkawala ko sa kaharian.

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now