Prologue: ONSE ELEMENTOS

4.3K 121 36
                                    


Someone's P.O.V

"Isang taon nalang Peter, The Onse Elementos are turning 18. Pero wala pa ang anak natin at ang iba pang Elementos. Paano mabubuo ang Ritwal?" pag-aalala sa inang Reyna ng Bramandah.

Mag sasampung taon na ang makalipas nang sugurin ang Kaharian ng Bramandah sa mga White and Black Witches at ibig sabihin mag-sasampung taon na rin na wala ang apat na Elementos sa Bramandah. Isa na doon ang anak ng Hari at Reyna sa Bramandah. Nasama ang anak nila sa mga witches na sumugod sa kaharian at hanggang ngayon wala pa silang balita kung saan ito.

"Ipapatawag ko ngayon ang mga Elementos, ito nalang ang huli at tanging paraan upang makita natin ang nawawalang Elementos." Seryosong sabi ng Amang hari.

Pinatawag ng hari ang pitong natitirang Elementos sa kaharian upang ipahayag ang huling plano niya para makita ang nawawalang kasama. Iniisa-isa niya itong binanggit ang mga pangalan.

"Dos, Tres, Fourth, Cinco, Sixth, Otso, at Diyes. Kayo ay aking pinatawag upang kayo na mismo ang maghahanap sa mga kasama niyo. Bibigyan ko kayo ng isang buwan upang hanapin sila sa mundo ng mga tao." Seryosong tinititigan ng Amang hari ang mga Elementos. Halo-halo ang naging ekspresyon nila dahil sa anunsyo ng hari.

"Amang hari, hindi po ba masama ang pumunta sa mundong iyon?" Tanong ni Dos.

"Naiintindihan kita Dos, pero dahil yan nalang ang nakikita kong paraan para mahanap ang anak ko at mabuo ang aking Onse Elementos. Sana wala kayong masaktan na mga tao sa paghahanap nila, wala kayong gagamiting kapangyarihan at armas sa mundo ng mga tao. Gagamitin niyo lang ang kapangyarihan niyo kapag kinakailangan. Makakaasa ba ako sa inyo?" Tugon ng Amang hari.

Tumango isa-isa ang mga Elementos dahilan upang maguhitan ng saya ang mukha ng hari sa Bramandah.

"Makakaasa kayo Amang hari." Sabi ni Dos sabay yuko, yumuko din ang iba.

"Salamat, nawa kayo ay patnubayan ni Gani." -Amang hari

Si Dos o si Ace ang inatasang maging lider sa kanilang misyon dahil siya ay lalaki at pangalawa sa pwesto ng Onse Elementos. Darkness ang elemento na pinanghahawakan ni Dos. May dugong lumalatay sa pagiging masama ngunit nakokontrol niya ito. He has night vision- he can see some monsters at night, he also have
Super strength, he can be invisible and teleport everywhere. Sword and Shield are the special weapon of Dos. He is the only remaining Darkness Element in the kingdom of Bramandah.

"Pack your things at mamayang hapon pupunta tayo sa bahay katanungan upang alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa mundo ng mga tao," sabi ni Dos at nagsimula nang nag impake sa mga gamit niya. "Wag na wag niyong kakalimutan ang mga weapons niyo." Dagdag niya pa.

"Pero ang sabi ni Amang hari ay bawal tayo gumamit nito maging kapangyarihan nga natin?" Tanong ni Fourth.

"Gaya rin ng sinabi niya, gagamitin lang natin ito pag kailangang-kailangan na talaga, Lia." Sagot ni Dos.

Tumango sila isa-isa at chineck ang mga special weapons nila. Handang-handa na sila at pumunta na sa bahay katanungan.

"Sana buhay pa si Luminous at Belle," matamlay na sabi ni Ammelia o si Fourth. "I miss them so much!" Dagdag niya pa.

Si Ammelia or mas kilala bilang si Fourth ay isa sa matalik na kaibigan ni Luminous at Belle. Isa siya sa miyembro ng Hot Chix sa Onse Elementos. Fourth has the fire element, she can control fire, she can detect a lie and she has the ability to create and discharge a collected concentration of destructive psychic energy across a wide range. Bow and Arrow are the special weapon of Fourth.

"Alam mo Fourth, tinanim ko sa puso't isipan ko na buhay ang apat na kasama natin. Positive lang tayo parati," ani ni Tres. "Mahahanap din natin sila!" Positibong dagdag niya.

Si Tres o Oddyssa ay isa din sa matalik na kaibigan ni Luminous at Belle. Isa rin siya sa miyembro ng Hot Chix sa Onse Elementos. Oddyssa has the opposite element of Fourth, Tres owned Water Element. She can control water, she can cover destroyed things and she can breath underwater. Axe is the special weapon of Tres.

"Tsaka may tiwala ako kay Luminous, Hindi basta basta sumusuko yun," -Tres.

"What if, buhay siya pero hindi na niya tayo kilala?" Alalang tanong ni Fourth. "Di ko ata kayang makita siyang may kasamang iba."

"Tayo ang magpa-paalala sa kanya." madiin na pag sabi ni Dos.

Handa na ang lahat kaya pumunta na sila sa bahay katanungan para mag tanong tungkol sa mundo ng mga tao. Sa bahay katanungan, doon malalaman lahat ng mga bagay, pwede rin malaman kung kailan at saan nanggaling ang mga bagay na umiiral dito sa mundo. Subalit hindi niya masagot pag tao na ang nawala, tanging mga bagay lang ang pwedeng itanong nito.

"Bakit kasi hindi gumagana ang bahay katanungan pag tao yung nawala?"

"Mag-ayos ka diyan Fourth."

"Nakakatamad kasi!"

"Diba gusto mong mahanap si Uno?"

Huminga ng malalim si Fourth tsaka nag-aral nang mabuti. Maya-maya ay may pumasok na maliit na babae, mga 4 ft. siya, tawag nila sa kaniya ay Inang babaylan.

"Mga mahal na prinsesa at prinsipe kayo ay ipinatawag na ng Reyna at Hari sa ating Kaharian."

"Sige po Inang babaylan, susunod kami sa iyo."

Umalis na sila sa bahay katanungan at pumunta sa harap ng palasyo. Naghihintay sa kanila ang Inang reyna, Amang hari at ibang magulang ng mga Elementos.

"Keep safe everyone, do your very best para makita ang mga kasama niyo at ang anak ko." bilin ng Inang reyna sa Onse Elementos.

"Makakaasa po kayo Inang reyna." Sabi ni Dos.

Nag paalam na sila sa lahat at nagsimula nang kumapit ang lahat kay Dos. Pumikit sila at nag pokus sa kanila nilang ginawa.

Para kay Ina at Ama ito!

Para sa kapatid ko ito!

This is for you, my princess!

"Gani, Ako ay iyong pagbigyan sa aking munting hiling sapagkat ako ay may hawak ng Cosmic element. Nawa kami ay makapunta sa mundo ng mga tao, upang hanapin ang aming kasama. Obedecer la petición del padre!" -Mace

Gani: Tawag sa makapangyarihan

Si Mace o mas kilala bilang si Otso. Nasa kanya ang Cosmic Element. Siya lang ang tanging makakahiling sa makapangyarihan. Invulnerability is his ability, Incapable of being wounded, injured, or harmed and he has superhuman agility. Nunchucks is the special weapon of Otso.

"Obedecer la petición del padre!" Sabay-sabay nila itong sinigaw at sila ay naglaho na sa Kaharian ng Bramandah.

"Nawa makabalik kayo dito ng ligtas at kumpleto," bulong ng Inang reyna sa hangin.





Author's Update:

So guys, nakilala at nalaman na natin ang abilities sa apat na miyembro ng Onse Elementos. Kung gusto niyo pang makilala ang iba..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Continue Reading:)

Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE FAN. Labyuuuu all <3

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon