12: ONSE ELEMENTOS

930 56 13
                                    

Alexyz' P.O.V

Ilang araw na ang nakalipas nang nakalabas na ako sa ospital at sa mga araw na lumipas ay naging masaya kami ni Justin. Napag-usapan na namin ang mga bagay lalo na ang mga bagay na may concern ako. Ilang araw na ngunit hanggang ngayon ay parang napapagod pa ang katawan ko na parang grabeng enerhiya ang nagamit ko.

Just take a deep breath!

Nalala ko na naman ang nangyari sa'kin, bago pa man ako makalapit sa lamesa na may pagkain ay nawala na ang ilaw sa gym. Hindi iyon brownout dahil may reflection pang light na nakita ko sa labas, sinadya iyon, malakas ang kutob ko kaya hindi ako kinabahan. May takot talaga ako sa dilim pero sa panahong 'yon ay hindi man lang ako kinabahan, may masamang nangyayari sa paligid pero hindi ko alam kung ano. Pagkatapos nun ay bigla akong umilaw ng hindi ko alam kung bakit. Pero habang umiilaw ako ay parang nailabas ko lahat ng aking enerhiya. Nawalan ako ng enerhiya kaya natumba ako at paggising ko ay nasa hospital na ako. Surprising ika nga.

Nawala ako sa pinag-iisip ko nang narinig ko na ang boses nila Belle at Kiara. May usapan kaming pupunta sa library para magbasa ng konti. Hinintay ko lang sila na makita sa mga mata ko tsaka ako tumayo. Ngumiti ako sa kanila bago nagsalita.

"Hi! Tara punta na tayo sa Library." Aya ko sa kanila.

"Sige kasi may sasabihin din ako sa inyo, ngayon ko lang naalala nang nagkita kami ulit." Sabi ni Belle.

"What!? May boyfriend kana?" Sigaw ni Kiara sa kanya.

"OA mo naman Ki!" Taas kilay na sabi ni Belle.

Nang nakarating na kami sa library ay pumunta na kami sa table, ang table na parati naming inuupuan pag nandito kami. Nang malapit na kami doon ay may nakaupo na at pinaka interesadong tao pa sakin ang nandon. I saw how Ammelia look at me, para bang may utang ako sa kanya. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanila at nagpasyang pumunta nalang sa ibang table.

Sana hindi niya nakita:(

May nginitian pa si Belle bago lumingon sa'kin, tinignan ko yun at nabigo akong hindi ko matukoy kung sino sa kanila. Nagpunta kami sa pinakadulong bahagi ng library at may tao din doon pero mag-isa lang siya. Kaya nagpasya kaming doon nalang.

"Hi, can we sit here?" Sabi ni Belle sabay ngiti.

"A-ahhh yes" sabi naman ng lalaki.

Nang laki ang mata ko sa nakita ko.
Umupo na lang kami dun at kumuha ng libro. Nagbasa muna kami bago pa nagsalita si Belle sa amin.

"May sasabihin ako," sabi niya at tinignan kami. Tumango naman kami ni Kiara. "May nakilala akong lalaki, his name is Lucas. I feel so comfortable with him." Medyo nahihiyang sabi ni Belle.

Lucas!!!

"You like him?" Diretsong tanong ko.

"M-maybe?" Sagot ni Belle na medyo naguguluhan sa sariling sagot.

Umalis ang lalaki na kasama namin sa table. Alam kong nakikinig siya sa usapan namin. I don't care naman, grade 11 din siya pero nasa HUMSS siya, nagpatuloy kami sa pinag-usapan namin. Hindi madaling magkagusto si Belle sa isang lalaki, madalang lang siyang ma-aattract. Kaya sa aming tatlo ay siya lang ang walang boyfriend.

Nang nagpatuloy na kami sa pagbabasa ay may mga yapak ng paa ang papunta sa aming lamesa. Tinignan ko ito dahil baka yung lalaki na kasama namin kanina. Nagulat ako nang ibang lalaki na ang papunta sa amin. Tumikhim ako at tumingin si Belle sa lalaki. Ngumiti siya nito at ngumiti naman ang lalaki. Maybe he is Lucas. He is! Umupo ang lalaki sa tabi ni Belle. Medyo nahiya si Belle nun.

"A-ahmm!" Pagkuha ni Belle sa atensyon namin.

"Hi I'm Lucas." Pagpapakilala ng lalaki sa amin.

"Lucas, these are my best friends Kiara at Alexyz." Sabi ni Belle.

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now