23: ONSE ELEMENTOS

764 45 10
                                    

Ace/Dos' P.O.V

Maaga akong gumising para maghanda. Naka plain white t-shirt lang ako at jeans tsaka white shoes. Bumaba ko sa underground ay nandoon na silang lahat, ang aga ata nila. Akala ko ako ang maaga ngayon. Kaya kumuha na din ako ng weapon ko at nilagay sa bag.

"Guys, hindi kaya overacting lang tayo?!" Tanong ni Tres. "What if mabubuti pala talaga sila? Baka nagkamali lang tayo." Naguguluhan na sabi ni Tres kaya nainis ako.

Nag-iisip sina Otso at Diyes, kunot noo namang nakatingin si Fourth kay Tres. Panigurado galit na naman si Fourth. Tahimik lang kaming nagpatuloy, hindi namin sinagot si Tres.

"Guys, are you listening? School Admin ang kakalabanin natin." Patuloy ni Tres.

Sinugod ni Fourth si Tres, hanggang napunta si Tres sa dingding at sinangga ito ni Fourth. "Gusto mo bang maihaganti ang mga magulang mo Tres?! Kasi ako, gusto kong ipaghiganti ang kapatid ko." Galit na sabi ni Fourth. Nahihirapan nang huminga si Tres kaya inawat sila ni Sixth.

"Sinabi ko lang ang nasa isipan ko Fourth!" -Tres

"Wag kang duwag Tres. Nakakairita!" Sabi ni Fourth at umalis na.

Sumunod sina Cinco, Sixth, Otso at Diyes. Kami na lang dito ang natira, kailangan ko lang siya kausapin para manumbalik lakas ng loob niya. Tahimik siyang nagimpake at hindi makatingin sa akin. Sinabihan ko siyang maging malakas ang loob niya, pilit niyang sinasabi na paano daw kung hindi kalaban ang school admin, makakasakit pa daw kami at ayaw niyang mangyari yun.

Gusto niyang maiganti mga magulang niya pero ayaw niyang makapanakit sa iba. Sinabihan kong tsaka lang kami lalaban pag nakumpirma naming kalaban talaga sila. Niyakap niya ako ng mahigpit bilang pasasalamat. May tiwala ako kay Tres na makakaya niya ito, wala siya sa pwesto niya kung hindi niya kaya. Pagdating namin sa skwelahan ay tahimik na, inikot ko ang paningin ko at may narinig akong nagsisigawan sa gym.

Diyes, asan kayo? Si Dos 'to.

Nasa gym kami Dos, mag aanunsyo daw ngayon para daw sa sports feast.

Dumiretso na kami sa gym at maraming tao doon. Kumaway si Iggy, katabi niya si Lucas. I think pinaupo kami by strand at tinuro niya si Lia kung saan katabi niya sina Belle at Luminous. Nakikinig silang tatlo. Everyone seems so excited, makikita sa mga mukha nila. But I think, hindi ito sports feast lang. Pumunta na kami sa kanila, tumabi si Oddyssa kay Belle at ako naman kay Lia, nasa gitna namin si Luminous. Ang ganda niya sa uniform na suot niya, fit ang blouse niya at ang pencil cut ay sakto lang ang haba. Maya-maya ay pumasok na si Teacher Shalle, Sister Fe at si Sir Laude. Sinundan ng tingin ni Lia si Sister Fe hanggang makaabot sa stage.

Nagsimula nang nag-anunsyo si Teacher Shalle, it's all about sports fest, nandun si Sir Laude dahil siya ang moderator sa sports. Marami daw ang mga sports, basketball, volleyball, softball, badminton, table tennis, soccer at ang pinakabagong sports ay ang Ultimate frisbee. Nilalaro namin ang frisbe sa Brahmanda, yan ang naging libangan namin pag wala kaming practice. Magaling si Oddyssa sa larong iyan kaya namumulaklak ang mga mata niyang nakikinig kay teacher Shalle. Nang matapos na ang anunsyo, ang lahat ay pina-register. Plano kong hindi sasali dahil gusto kong magmasid lang sa panahon ng Sports feast. Excited na nag palista si Oddyssa sa Frisbee, pipigilan ko sana siya kaso parang masayang-masaya siya. Hindi rin nag palista sina Lia, Luminous at Belle, naka-upo lang sila at masayang nagmamasid sa iba na busy sa pagpapa register.

"Bakit ang ibang estudyante ay hindi nagparegister? Wala ba kayong sports students?" Tanong ni teacher Shalle at tumingin-tingin sa amin. Nagtagpo ang paningin namin at nag-iwas siya agad.

Masayang nakabalik si Oddyssa at may dala nang card. Hindi parin pinapansin ni Lia si Oddyssa. Pinakita niya sakin ang card at tinignan ko naman. Nag-anunsyo agad si teacher Shalle na ang lahat ng frisbee player ay pupunta na sa quadrangle para magpakitang gilas. Nagpaalam sa akin si Oddyssa at umalis na. Kumaway din siya kina Luminous at Belle.

Oddyssa/Tres' P.O.V

Umalis na ako sa kanila at pumunta na sa quadrangle. I miss to play frisbee kaya hindi ako nag dalawang isip na mag register kahit na ang mga kasama ko ay hindi nag register. Pagdating ko dun ay marami-rami din kami, hindi ko nakikita sina Lucas at Iggy na naglalaro din ng frisbee. Bakit ako lang ang nagpa-register ng frisbee? Akala ko ba gusto nila 'tong laro na 'to?

Nilalaro namin 'tong frisbee sa kaharian namin, ito ang naging libangan namin kapag natapos na kami sa training at sa mga leisure time din namin naglalaro kami. Nang nagsimula na laking gulat ko na nanonood sina teacher Shalle at Sister Fe, siguro part sila sa larong ito kaya nandito sila. Ako na ang naglalaro at nagpakitang gilas na ako. Binigyan ko ng malakas na force ang pagtira ko ng disc kaya malayo ang naabot nito. Narinig kong may pumalakpak at nanggaling ito kina teacher Shalle at Sister Fe. Ngumiti ako. Maya-maya ay napansin kong lumapit sila sa akin, ngumiti parin sila.

"Ang galing mo naman iha!" Puri sakin ni Sister Fe.

Ngumiti ako. "Thank you Sister Fe!" At binalik ko ang paningin ko sa field.

"Matagal ka na bang naglalaro?" Tanong sa akin ni teacher Shalle.

"Ahh Oo, actually may team ako kaso hindi sila nagpa-register."

"Bakit naman?" Sabi ni Sister.

"Siguro po, p-pokus sila sa academic kaya yun ako lang mag-isa dito." Kinabahan na ako sa mga tanong nila. "Bakit ngayon lang po kayo nagbukas ng sports nato Sister?!"

"A-ahh kasi para sa akin... Mapanganib ang larong ito... Hindi naman pala" sabi niya at tinignan si teacher Shalle.

Nagpaalam na ako sa kanila at bumalik sa field. Hinati kami ng apat na grupo, 12 sa isang grupo at ang ratio ay 4 is to 3. Ibig sabihin apat na lalaki at tatlong babae ang maglalaro. Lima kaming babae sa grupo at pitong lalaki. Okay lang din naman. Nagplano pa kami sa gagawin bago nag lunch.

Hinanap ko ang mga kasama ko at nakita ko sila sa ilalim ng puno. Tahimik parin si Lia, galit parin siya sa'kin. Nasabi ko lang yun dahil hindi kami sigurado na kalaban talaga ang school admin. Masama ang magbintang lalo na karespe-respeto ang pinagbintangan namin. Ayokong makasakit ng damdamin. Gaya kanina, una nararamdaman ko na mabait sila teacher Shalle at Sister Fe, masaya ako at na-appreciate nila ang galing ko sa paglalaro. Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Cinco.

Nang papunta na ako sa kanila ay medyo nanghina ako. Dala na siguro 'to sa pagod kanina nang naglalaro ako. Hindi ko ininda ito at nagpatuloy na naglalakad papunta sa mga kasama ko.

"Guys! Ang bait-bait ni Sister Fe, pinuri niya ang galing ko sa paglalaro," sabi ko at parang hindi sila interesado.

Napahawak ako sa ulo dahil masakit ito pero nagsikap akong hindi ito pansinin. "Guys? Are you okay? Okay ba tayo?!" Tanong ko ulit sa kanila at tumingin sa akin si Lucas.

"Nice to hear that Oddyssa, sige na guys kumain na tayo." Sabi niya.

Kumain na sila at tumahimik nalang ako. Ayoko nang makipag-away ni Lia dahil nasasaktan ako. Napatingin ako kay Lia at kumain siya ng mapayapa. Kailan pa kaya ako papansinin ulit nito? Pag bukas ko ng bag ko para kunin ang baon ko ay may napansin ako. May nawala sa gamit ko at napahawak ako ng dibdib ng napansin na nawala ang weapon ko. Napatingin sa akin si Lucas.

"Napano ka?" Tanong niya sa akin.

"Nawala ang weapon ko." Sagot ko at napahawak sa ulo ko.

"Tres, mawawala ang kapangyarihan mo kung gayon!" Tumayo si Cinco sa harap ko.

Kaya pala unti-unti akong nanghihina kanina pa. Nawawala na pala ang weapon ko, dala-dala ko ang bag ko kanina. Maliban na lang nung nag-uusap kami kanina sa grupo. Tumayo ako at pinakita sa kanila na okay ako.

"Oddyssa, are okay?!" Tanong sa akin ni Dos pero blur na ang paningin ko pero tumango parin ako. Maya-maya ay bigla nalang akong napaupo.

"Tresssss!" Nakita kong sumigaw si Lia at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.


Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now