Kabanata 25

6.9K 113 91
                                    

Kabanata 25

Let him go

9:23 am. Bumuntong-hininga ako at muling sinubukang idial ang number ni Dwight. I've been trying to contact him since last night. Yes, nagtext naman siya kagabi na safe siyang nakauwi. Hindi ko agad siya nareplayan dahil nga sa nangyari kagabi.

"Damn it! Baka naman sira na 'tong phone ko? Or maybe 'yung sim?" kausap ko sa sarili ko nang muli kong idial ang number niya at ganoon pa rin, cannot be reach!

Last night, I tried to call him to tell him what happened. That my parents knows already about us. Pero nagriring lang at hindi niya rin sinasagot mga texts ko. Inisip ko na lang na baka natulog siya agad kasi pagod siya.

"What about our date today?" malumanay kong tanong sa repleksyon ko sa salamin.

I was going to dial his number again when I heard some knocks from the door.

"What?" inis kong bungad sa kapatid ko na natatandaan kong hindi man lang ako pinagtanggol kagabi.

"The breakfast is ready. Let's go downstairs together—"

"Bakit ba?" I interrupted him. "Hindi ka ba makakababa pag 'di mo 'ko kasabay?" sarkastiko kong sabi at inunahan na siya sa paglalakad.

"What's your problem?" He asked irritatedly.

Inirapan ko lang siya at diri-diretsyong bumaba. Sumunod rin naman agad siya hanggang sa sabay kaming nakarating sa dinning area.

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Mommy. She looked so cold like Kuya Ashton. While Dad, he looked angry pa rin.

My heart beats so fast when I tried to kiss Dad on his cheek. I thought he won't let me. I kissed Mom's cheek too before I finally sit down beside her.

"Siguro naman nakapag-isip-isip ka na. Bukas nang gabi ang alis niyo ng Kuya mo—"

"Wait, what?" I interrupted. Lumingon ako kay Kuya sunod kay Daddy at pabalik kay Mommy. "Mom, what are you talking about? You and Dad agreed last night that you'll give us chance. You'll talk to Dwight!" Halos maiyak na ako.

I have this feeling na nakapag-desisyon na sila. Na kahit kausapin pa nila ngayon si Dwight, hindi na magbabago ang desisyon nila na papuntahin akong Paris at doon mag-aral.

"Call him then." halos mangatog ang tuhod ko sa sinabing iyon ni Daddy. Bigla-bigla ang kakaibang kaba na nararamdaman ko habang nakikipagtitigan kay Daddy. He looks so serious and that made me more nervous.

"U-uhm..." I don't even know what to say. How can I tell them that I haven't heard anything from Dwight since last night until this morning? Damn it!

"What's wrong?" seryosong ani Daddy. "Call him right now. Ask him to come here right away." It's not a request. It's a command.

I nodded. "Excuse me—"

"Where are you going?"

"I'll call him, Dad."

"Call him. Right here." napalunok ako sa sobrang pagkaseryoso ng boses ni Daddy. Nakakapanibago iyon. Parang nagiging boy version na ni Tita Sarah si Daddy. I don't like it.

Napalunok ako at muling bumalik sa kinauupuan ko kanina at muling sinubukang tawagan ang numerong kagabi ko pa sinusubukang kontakin. Ngunit gaya ng mga nakalipas na oras, ganoon pa rin. Walang Dwight na sumagot.

Nanggilid ang luha ko sa ilang ulit ko pang subok na tawagan siya lalo na nang makita ko kung gaano kadismayado ang reaksyon ng mga magulang ko.

"He's not answering?" si Mommy.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Where stories live. Discover now