Kabanata 24

4.7K 68 22
                                    

Kabanata 24

Shocked

"Magiging busy ulit ako sa mga susunod na araw. I have a business trip to Malaysia and Thailand next week." bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Dwight.

Malalim ang naging buntong hininga ko. Masaya na sana ako ngayong araw na ito. Nakita ko ulit siya after 2 weeks. Nagkasama kami ng ilang oras sa opisina niya at naikuwento ko sa kanya ang mga nangyari noong mga araw na hindi kami nagkikita maliban lang ro'n sa mga pinagsasabi ni Liza no'ng isang araw. Wala akong balak sirain ang moment namin kaya hindi ko na binanggit kay Dwight ang tungkol roon,

I'm so happy today. Sabay kaming kumain ng dinner ngayon at ito siya ngayon hinahatid ako pauwi. Akala ko magtutuloy-tuloy ang kasiyahang nararamdaman ko hanggang sa makauwi ako sa mansyon namin. Pero dahil sa sinabi niya ngayon, napalitan iyon ng kalungkutan,

The thoughts of him far from me again is making me sad and broken. I don't want him to go. For sure I'll be miss him again. I don't want to feel that again.

Muli akong napabuntong-hininga, hindi malaman kung paano ko sasabihin sa kanya ang gusto kong mangyari.

Nilingon niya ako at nagtagal saglit ang kanyang tingin sa akin bago muling itinuon sa daan ang kanyang atensyon.

"I have a very hectic schedules for next week until next month..." mahihimigan ang paninimbang sa kanyang boses.

"So you don't have time for me?" Gusto kong magtunog nagbibiro pero sa huli, nabigo ako.

Napabuntong-hininga siya ng malalim at sinulyapan ako saglit. "I'll call you if I have time—" natigilan siya nang marahas akong suminghap. He smiled weakly, "No. I'll call you everyday for sure." He said, surely.

"Bakit ba kailangang kasama ka lagi sa mga business trip na 'yan?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. "You own the company, Dwight. You're the boss. Why are you the one who's always busy with the business trip? Your employees can do that without you for sure." nakangiwi kong sabi, hindi maintindihan kung bakit kailangan siya lagi itong nagpupunta sa iba't-ibang lugar para sa business nila. Marami akong nakikitang mga employee nila ba't 'di na lang iyon ang utusan niya mag business trip.

"Nicosia, ikaw na nga ang nagsabi, I'm the boss. It's my job to take the responsibility for the business trip. I just can't lend my responsibility to others. They have their own works, so I am too. As a boss, I need to make sure I'll close the deal. It's my job, Nicosia." aniya sa tono na pilit pinapaintindi sa akin kung anong trabahong mayroon siya.

Sumimangot ako. "How long that business trip? You're not going to stay there for too long right?" umaasa kong sabi.

Matagal siyang natahimik bago sinagot ang tanong ko.

"Just 1 month." He said casually like it's not a big deal.

"Just what? 1 month? Are you serious? 1 freaking month?" halos mag-hysterical na ako. "But, Dwight? That's too long! I can't...." halos maiyak na ako. Iniisip ko pa lang na 'di ko siya makikita sa loob ng isang buwan parang mababaliw na ako.

Matunog ang bawat buntong-hininga niya bago niya inihinto ang sasakyan at ganoon na lang katindi ang frustration na naramdaman ko nang matanto kong nasa tapat na kami ng gate ng mansion namin at isang busina niya lang, agad nang bumukas ang gate.

Marahas niyang tinanggal ang seatbelt niya at mabilis na humarap sa akin. Seryoso niyang kinuha ang isa kong kamay at mahigpit itong hinawakan.

"We'll do video calls everyday so we don't miss each other that much, okay?" aniya na tila iyon ang magiging sulusyon sa pinoproblema ko.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Where stories live. Discover now