Kabanata 13

4.5K 67 11
                                    

Kabanata 13

Walang maalala

Malakas at sunod-sunod na tawag mula sa aking cellphone ang siyang nagpagising sa akin. Nakapikit pa ang mga mata ko nang sagutin ko ang tawag ngunit sandali lang iyon dahil agad din akong napadilat at nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa screen ng cellphone ko nang marinig ko ang boses ng taong mahal ko.

What the fuck?

"You only have 15 minutes to prepare yourself and after 15 minutes, bumaba ka na."

Napalunok ako bago magsalita. "Dwight? Wait, I'm not dreaming right? It's really you,"

I heard him sighed. "Come on, Nicosia. Get up now and go to your bathroom and take a shower. You might be late at your class now, I'm waiting here at your living room—-"

"Wait, what? Are you here? In our house?"

"Yes—"

"Okay bye!"

Hindi ko na siya pinatapos pa at nagmadali na akong nagtungo sa banyo para maligo. Halos mahilo na nga ako sa pagmamadali ko at iyon na nga ata ang pinakamadaling pagligo ko. Aligaga akong nagbibihis habang nagtitext kay Clover na huwag na niya akong sunduin at abangan niya na lang ako sa harap ng gate ng school namin.

Sunod-sunod ang mura ko nang makita ko ang oras sa wristwatch ko, 20 minutes na lang bago mag-start ang first class namin.

Muli kong pinakatitigan ang sarili ko sa body mirror at nang makuntento na ako sa ayos ko, nagmdali na akong bumaba.

Naabutan kong naka-upo si Dwight sa sala namin at seryosong nakatitig sa cellphone niya habang naka-kunot ang kanyang noo. Mygosh! Buti na lang wala sila Mommy. Malamang magtatanong sila kung bakit nandito si Dwight sa ganitong oras.

"What are you doing here?" mabilis kong tanong nang makalapit na ako sa kanya.

Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin saka siya mabilis na tumayo. Napatitig ako sa maugat niyang kamay nang ipasok niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.

"I told you last night, I'll fetch you," His baritone made me gasp.

"T-talaga? Wala akong maalalang sinabi mo 'yun kagabi...."

Tumango siya. "I understand. You were really drunk last night so I expected that from you," Aniya at mariin akong tinitigan.

Napakamot naman ako sa noo ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil ang totoo, bukod sa pag-inom ko ng tequila ay wala na akong maalala.

"Is there something weird happened last night? Or should I say, did I do something weird last night?" nahihiya kong tanong.

Umiling siya. "Nothing, aside from attacking me with your wild kisses last night—"

My eyes widened. "What? Excuse me, as far as I remembered, you're the one who kissed me last night. And after you kissed me, you go back flirting with those girls," confident kong sabi.

"Nuh. That's not what I'm talking about, baby," aniya at halos manghina na ako sa sobrang lambing ng boses niya. "Let's talk about it later, you must eat your breakfast first before I drop you to your school," aniya at hihilain na sana ako papuntang dinning area pero pinigilan ko siya.

"Wait, I think we should go now," nakangiwi kong sabi sabay tingin sa wristwatch ko. "Ilang minuto na lang mag-start na ang first class ko, I don't have time to eat my breakfast now," sumimangot ako nang makita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

Mariin siyang napapikit bago tumango saka niya ako marahang hinila palabas ng bahay namin.

Malaki ang ngiti ko nang makapasok na ako sa loob ng kanyang sasakyan. Tumaas naman ang isang kilay niya nang makita niya ang reaksyon ko.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon