Kabanata 19

3.9K 83 22
                                    

Kabanata 19

Hugs

Alas siyete y media nang maalimpungatan ako. Gusto ko pa man sanang bumalik sa pagkakatulog ulit ngunit narinig ko na ang mahinang katok mula sa pinto.

Tumaas ang kilay ko at inalala kung nasaan ako. Oo nga pala! Nasa mansion ako nila Tita Venon ngayon, wala sa bahay.

Mabilis akong tumayo at dumiretsyo sa pinto sa pag-aakalang si Tita Sarah ang kumakatok. Agad akong nakahinga ng maluwag nang makita kong ang isa sa mga katulong pala nila ang nasa harap ko at hindi mismo si Tita Sarah.

"Good evening, Señorita Nicosia. Pinapasabi lang po ni Madame na maghanda na raw po kayo ng kaibigan n'yo para sa dinner."

Tumango ako. "Ah sige po. Pakisabi po kay Tita maliligo lang ako saglit."

"Sige po," aniya at mabilis akong tinalikuran.

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla namang dumating si Clover na nakataas ang kilay sa akin.

"Di ka pa naliligo?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiwi siya nang matantong 'oo' ang sagot sa tanong niya.

"You?"

Ngumisi siya, nagyayabang. "Kanina pa 'no. Ano? Hihintayin ba kita o mauuna na akong bumaba?"

Umiling ako. "Mauna ka na. I-entertain mo muna si Tita habang naliligo ako. Sige na..." sabi ko at mabilis na sinara ang pinto, hindi ko na hinintay pa ang kung ano mang sasabihin niya.

Mabilis akong kumuha ng roba at dumiretsyo na agad sa banyo. Mabilis ang bawat kilos ko dahil alam kong naghihintay sila Tita Sarah sa akin sa baba. Kaya naman nang matapos ako ay mabilis pa sa flash ang ginawa kong pagbibihis. Kahit hindi nakabukas ang aircon ay sobrang lamig pa rin dahil sa hangin na nagmumula sa labas. May sariling terrace ang aking kwarto rito sa mansion nila Tita Sarah at nakabukas iyon kaya naman pasok na pasok ang malamig na hangin.

Napili kong isuot ang ternong kulay abong pants at hoodie na nabili ko sa isang sikat na clothing brand.

Laking pasasalamat ko na naghahanda pa lang ng mga pagkain sa mesa ang mga katulong nang makababa ako. Ang akala ko pa naman ay nagsisimula na sila kahit wala pa ako.

Agad akong napalingon sa may pool area na nasa kaliwang likod nitong mansion nang makarinig ako nang mahinang hagikgikan. Tinahak ko ang hallway patungo roon. Naabutan kong nakikipagtawanan si Clover kay Tito Venon. Agad silang huminto sa kung ano mang nakakatawang pinag-uusapan nila nang mapansin nila ang paglapit ko.

"Cosia, hija, come here join us," Seryoso ngunit nakangiting ani Tito Venon.

Ngumiti ako at marahang lumapit kay Tito para bigyan siya ng halik sa pisngi.

"Good evening, Tito. I hope my friend is not annoying you," Biro ko na ikinatawa naman ni Tito Venon.

I must say that Tito Venon had a hard expression on his face always. Other people think he's really snob and arrogant. But deep in his heart, he's really kind and understanding man. Yes maybe he's strict Father to Lochlan and sometimes a strict Uncle to us too, but still he's approachable naman. Mas gugustuhin ko pa rin na siya ang kumakausap sa akin keysa kay Tita Sarah.

"No. In fact he entertained me with his funny stories," ani Tito.

Tumango ako at akmang uupo na sana sa tabi ni Clover nang bigla namang dumating ang isang katulong at sinabing handa na raw ang dinner.

Agad kaming nagtungo sa dinning table. Naroon na si Tita Sarah kaya natahimik kami agad ni Clover.

"Let's eat," anunsyo ni Tita Sarah nang maka-upo na kaming lahat.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara