Kabanata 18

4.1K 65 9
                                    

I want to dedicate this chapter to kylmdoz4 . Thank you for always motivating me to have some update as fast as I can. Hahaha! Thank you for your efforts to pm me. And also thank you because you never get tired to comment everytime there's new chapter! Thank you so much! This one for you!

-

Kabanata 18

Isla Naputad

Nakangisi ako habang nililibot ko ng tingin ang buong kalsada na napapaligiran ng mga nagtatayugang coconut trees at sa kabilang parte naman nito ay ang taniman ng mga mais, sugarcane, at kung anu-ano pa.

Kahit maaraw ay hindi mo ito mararamdaman dahil natatakpan ng mga shadow ng mga naglalakihang niyog ang kalsada. Umihip ang sariwang hangin dahilan para mapasigaw ako sa sobrang kagalakan. Ilang taon na rin ang lumipas bago ako muling nakapunta rito.

"God, Reina! You didn't tell me you have this kind of province. Ang gaganda ng mga tanawin," mabilis kong nilingon ang aking kaibigan na busy'ng-busy sa kanyang DSLR camera.

Napailing na lang ako nang makita kong maski ang taniman ng mga palay ay kinuhanan niya ng litrato. Tss! Kung may taong taga bundok, malamang itong si Clover ay taong taga siyudad na minsan lang makakita ng ganitong lugar. Sa Maynila kasi, bukod sa traffic ay puro mga naglalakihang gusali ang nakikita. Samantang dito, mga nagtataasang puno ng niyog at walang katraffic-traffic.

"The first time I came here, I didn't appreciate how relaxing this place is...I was so preoccupied that time for living here for good." narinig ko ang mahina ngunit natatawang boses ni Zariah.

Kumunot ang noo ko saka ko siya nilingon. Naabutan ko siyang nakahilig sa pinto ng van habang nakahawak sa baywang niya si Lochlan na matindi ang pag-ngisi nang mapansin nito ang pagkunot ng aking noo. Tss! Yabang!

"If you didn't met me before, I'm sure you're still want to go back to Manila," Loch said with full of confident but for me he's just boasting.

Tumikhim ako at iniwan ang dalawang nag-aasaran na ngayon. Masiyado silang PDA. Pumunta ako sa may likod ng van at doon ko nakita ang kapatid ni Zariah na si Khalisee na titig na titig sa kaibigan kong si Clover habang abala naman ito sa pagkuha ng mga litrato.

Natigilan agad ako nang mapansin ko ang pagkunot ng noo ni Khalisee habang nakatuon pa rin ang atensiyon niya sa kaibigan ko. The way she stares at my bestfriend is something so familiar to me.

Marahan akong naglakad palapit kay Khalisee. Nang magtama ang mga mata namin, para siyang isang bata na may nagawang hindi tama. Itago man niya ang kanyang pagkataranta, pansin na pansin ko pa rin iyon.

I smiled to her to calm her but I think that was a wrong move. Mas lalo siyang nataranta.

"A-ate Nicosia...." nauutal niyang sabi at muling nilingon si Clover na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin.

"Have you taken some pictures here? The view is indeed amazing right?" I said with my casual tone.

Mabilis siyang tumango. "Oo nga po eh...." aniya halatang naiilang sa akin.

"Drop the po. Hindi naman nagkakalayo ang age natin. Nagmumukha tuloy akong matanda," biro ko sa kanya. Namula ang kanyang pisngi at tipid na ngumiti.

"Naubos na ata ang memory ng camera ko," Sabay kaming lumingon ni Khalisee kay Clover na hindi namin napansin na tuluyan na pa lang nakalapit sa amin.

Imbes na ituon ko kay Clover ang pansin, ipinirmi ko ang mga mata ko kay Khalisee. Oh no! I don't want to conclude anything but her actions is pushing me.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Where stories live. Discover now