Kabanata 15

4.3K 90 11
                                    

Kabanata 15

Best gift

Nakasimangot akong nakatingin sa busy at seryoso kong kaibigan. Magda-dalawang oras na simula 'nung sumama ako sa kanya rito sa library para tulungan siya sa requirements niya pero sa huli, hindi niya ako hinayaang tumulong sa kanya.

"Clover let me help na nga kasi para matapos ka na," hindi ko na matandaan kung pang-ilang alok ko na ito sa kanya.

Saglit niya akong nilingon at muli siyang nag-focus sa kanyang ginagawa.

"Are you really that sure na natapos mo na talaga iyong sa 'yo?" aniya sa nagdududang boses.

Tumango ako. "Tinulungan ako ni Dwight," Nagyayabang kong sabi.

Nginiwian niya ako. "I can't imagine you and him doing some school stuffs,"

Tumawa ako ng mahina. "Ano ba kasing pinanggagawa mo lately at nakalimutan mo 'tong gawin nang mas maaga? Duh Clover? Sa Friday na ang graduation natin tas ngayon mo pa lang 'to ginagawa," nanenermon kong sabi.

"Wow! Kung makapagsalita naman 'to porket tinulungan ni Dwight," Sarkastiko niyang sabi dahilan para matawa na naman ako.

Maraming mga estudyante ang nandito ngayon sa library. Karamihan sa kanila ay katulad ni Clover, gumagawa rin ng requirements para sa finals. Wednesday na ngayon at sa Friday na ang graduation namin kaya 'di ko maiwasang hindi pagsabihan itong si Clover. Hindi na nga sana ako pupunta rito sa school ngayon total ay wala naman na akong gagawin dito at kahapon pa natapos ang practice namin para sa graduation march kaso 'di naman ako matatahimik na nandito si Clover busy sa requirements niya habang ako nagpapahinga lang sa bahay.

"Buti pala tinulungan ka niya? Close na close na talaga kayo 'no?" aniya habang ini-stretch niya ang kanyang braso.

Ngumiti naman ako at nagmamalaking ngumisi. That's true, super duper close na nga kami ni Dwight. 'Yung unang kain namin sa restaurant ay nasundan pa iyon ng maraming beses. Dalawang beses niya na rin akong hinatid-sundo mula sa bahay at sa school. Wala na nga ata akong maihihiling pa kundi ang magtuloy-tuloy lang ang magandang relasyon namin ni Dwight kahit na wala iyon label at kahit kaming dalawa lang ang nakakaalam sa kung ano mang namamagitan sa aming dalawa.

Sa huli, wala ring nagawa si Clover kundi ang magpatulong na lang sa 'kin. Mukhang napagod na rin ata siya kaya pinayagan niya na lang ako na tumulong sa kanya. At dahil nga hinayaan niya akong tumulong, mas napadali ang lahat ng gawain.

Pasado alas tres na ng hapon nang matapos namin ang lahat. Dumiretsyo agad kami sa cafeteria. Awtomatik akong napasimangot nang makita kong marami pa rin palang mga estudyante ang naririto ngayon. Ini-expect ko kasing kakaunti na lang total ay wala naman ng klase.

"Pupunta ba 'yung frustrated boyfriend mo sa graduation day natin?" pang-aasar ni Clover nang makapuwesto kami sa bakanteng mesa.

"Stop calling him like that, baka mamaya marinig ka pa niya," sita ko naman agad.

Humalakhak siya. "So anong gusto mo? Bumalik ako sa pagtawag sa kanya ng Kuya Dwight?" malakas siyang tumawa nang makita niyang umasim ang mukha ko sa huling sinabi niya. "Hayaan mo na kasi, wala naman siya rito kaya ayos lang na tawagin ko siyang frustrated boyfriend mo total iyon naman talaga ang totoo," bigla ay nagtunog seryoso naman siya.

Inirapan ko naman siya. "He's not my boyfriend at mas lalong hindi siya frustrated. Parang sira 'to,"

"Whatever. So ano nga? Pupunta ba siya?"

Umiling ako. "Nuh. Nasa Cebu siya sa araw na iyon. Pero sinabi naman niyang hahabol siya party,"

Well, it's not a big party. It's just a dinner party or after graduation party or a family party. That's it.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Where stories live. Discover now