Kabanata 11

4.4K 150 21
                                    

Kabanata 11

First Kiss

"Hindi mo sinabi sa amin na close pala kayo nitong bunsong anak nila Cris, Dwight?" Nakangiti ngunit seryosong tanong ng Mommy ni Dwight nang sa wakas ay naka-upo na rin kami.

Tumikhim si Dwight saka niya ako sinulyapan saglit.

"We're not really that close," He said matter of factly.

Sumimangot ako at napansin iyon ng Mommy ni Dwight kay mas lalo itong ngumisi pero makikitaan pa rin ng pagkaseryoso sa kanyang mukha.

"Hindi naman sa ayaw ka naming makasamang mag-dinner hija, pero paanong nandito siya ngayon kasama natin kung hindi pala kayo ganoon ka-close, Dwight?" Patuloy na pag-uusisa ng Mommy ni Dwight.

Natigilan si Dwight at ganoon rin ako. His Mom has a point. Sinong mag-aakalang isasama niya ako sa family dinner gayong sinabi niyang 'di pala kami close.

"We expected you'll bring Nette here," sabat naman ng Daddy niya.

Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa seryosong sinabi ng kanyang Daddy.

"She actually came to my work place just to say she can't join us. She has something to do," ani Dwight at muli akong sinulyapan saglit. "Nicosia was there already before you called, Dad. May plano sana kaming kumain sa labas but you insist that I need to come here so yeah we're here," ani Dwight sa kalmadong boses.

Muli akong napalunok. Anong sinasabi niyang may plano kaming kumain sa labas? May plano ba kami? Okay wait, is he talking about what I said earlier? Niyaya ko siya kaninang mag-date kami so it means papayag sana siya kung di lang tumawag ang Daddy niya?

"We've remind you earlier that we're gonna have a family dinner together with Nette," Seryosong aniya ng kanyang Mommy.

Umigting ang panga ni Dwight at seryosong nag-angat ng tingin sa Mommy niya.

"And I told you already that I can't come," seryoso niyang sabi dahilan para ngumisi ang Mommy niya.

Iyong tipo ng ngisi na natutuwa siya sa sinagot ng kanyang anak ngunit hindi siya natutuwa sa inasta nito. Ewan basta ganoon! Ganoon ang nakikita ko ngayon sa reaksyon ni Mrs. Acosta.

Halos mapatalon ako nang bumaling sa akin si Mrs. Acosta na malaki pa rin ang ngisi. Then I realized there's no humor on it.

"My son said that you two are not really that much close. But what a kid like you doing in our company at this kind of hours?" Mrs. Acosta asked with full of sarcasm.

A kid? Me? I'm seventeen already for pate sake! I'm not kid anymore!

"Uhm..."

"Honey, that's enough. You're scaring her," Ani Mr. Acosta at ngumiting sumulyap sa akin.

Mabilis na natigilan si Mrs. Acosta at pilit na ngumiti. "Did I scared you? I'm sorry, I just can't help myself from asking," nakangiti niyang sabi. This time, 'yong ngiting magaan na. Walang halong kahit anong ikakakaba ko.

"O-okay lang po..." sa wakas ay nagawa ko ring magsalita.

Natigil ang awkward na sitwasyon namin nang magsi-datingan na ang mga waiter at sabay-sabay nilang inilagay ang mga pagkain sa mesa.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Where stories live. Discover now