Kabanata 3

4.5K 145 7
                                    

Kabanata 3

Pink Roses

"Happy Birthday, Nicosia Reign!" Sigaw ng mga kaklase ko nang makapasok ako sa loob ng classroom namin.

I rolled my eyes. Argh! I really hate surprises!

"Oh come on," natatawa kong sabi at nilibot ng tingin ang buong classroom. Ang daming mga nakapalibot na pink balloons sa wall at sa sahig. May pa-red carpet pa talaga. "Who'd planned this?" I ask them.

Nilingon ko ang mga kaklase kong lalaki. They are all holding a pink roses. Para sa akin ba 'yun?

"Happy Birthday, Reina," Narinig ko ang malambing na boses ni Clover mula sa likuran ko. Pinigilan kong matawa dahil sa ayos niya. His usual messy hair everyday are now orderly fine. "For you..." He handed me a bouquet of pink roses. My favorite flower.

"Thank you, Clover," Sabi ko nang tanggapin ko ang bulaklak. "You planned all of these?" sabi ko saka pinagtuturo 'yung mga lobo at rosas na hawak ng mga kaklase kong lalaki.

"Na-sorpresa ka ba?" aniya at sinenyasan ang mga kaklase naming lalaki na ibigay na sa akin 'yung mga rosas. I smiled to them before saying Thank you.

"Hindi naman," sabi ko at nilingon ang mga lobo na nagkalat sa sahig. "Ginawa mo rin ang ganitong surprise noon diba? Kaso wala pang mga balllons noon." sabi ko sabay lingon sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya bago niya ako nginiwian.

"Oo. Last year 'yun," aniya at tinaasan ako ng isang kilay. "Kaso anong ginawa mo? Pinagsasapak mo ako 'nun. Imbes na magpasalamat ka, nanakit ka! Tsk!" aniya na halata ang hinanakit sa boses.

Natawa naman ako at inalala ang pangyayaring iyon. Grade 11 kami noon. Sabi ng isa kong kaklase na nasugatan daw sa may ulo si Clover at nanghihina na nang husto. Hinahanap daw ako. Ako naman, naniwala agad. Sobrang takot at kaba kaya ang naramdaman ko 'nung mga oras na iyon. Of course. He's my bestfriend for almost a decade. Sinong hindi mag-aalala roon? Nanghihina na raw eh. Tsk! So ayun na nga, pagka-pasok na pagka-pasok ko sa loob ng classroom, tumambad sa akin ang napakaraming mga petals ng pink roses na nagkalat sa sahig. Nalilito man ako sa mga nangyayari, nagawa ko pa ring masiyahan sa ganda ng paligid. Pink na pink.

"Wait," bigla ay muli akong natigilan. "Where's Clover?" Bumalik na naman ang kaba ko.

"I'm here," mabilis na sumulpot si Clover mula sa may pintuan.

Mabilis na gumala ang tingin ko sa ulo niya. Automatik na tumaas ang isa kong kilay nang makita kong ayos naman siya.

"Happy Birthday, Reina." Inilahad niya sa akin ang isang bouquet ng pink roses habang ngiting-ngiti.

Imbes na tanggapin ko 'yung bulaklak, mabilis kong hinigit ang kuwelyo ng uniform niya at saka siya pinagsasapak.

"Don't you dare do this to me again, Klaus Vergel Gaza!" Sigaw ko sa kanya bago ko pinakawalan ang kuwelyo niya.

Buong maghapon ko siya noon na hindi pinansin. Nang mag gabi na noon, sa party ko, doon ko na siya ulit pinansin.

****

MATAPOS ang ilang klase namin, dumiretso na kami agad ni Clover sa gym. Simula 'nung Lunes lagi na kaming exempted sa last subject namin. Nag-pra-practice kasi kami para sa Star Ball. Kasali kami ni Clover sa twenty students na mag-pi-perform para sa isang dance number. At s'yempre, kami ni Clover ang mag-partner. Last year ganoon din, siya rin partner ko.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon