kabanata 56

2K 33 1
                                    

Lorice's POV

Nang makatulog si Ford ay tinitigan ko lang siya. I carressed his face.

Hindi ko kayang makapaghiwalay sa taong mahal ko.

Dahan dahan akong bumangon. Kanina pa naninikip ang dibdib ko at hindi ako makatulog. Kaya naman, lumabas ako ng kwarto, lumabas ako ng bahay at dito muna ako sa hardin.

Hindi ko alam kung anong oras na. Bahala na. Gusto kong ilabas ngayon lahat ng hinanakit na nasa puso ko ngayon.

Now, I just found myself staring at the sky, full with stars. Maya maya pa ay naluha na lamg ako at unti unting nanlabo ang paningin. Inalala ko yung mga sinabi ni papa sa akin kanina. Is it really for real? Kailangan ba talagang hiwalayan ko si Ford?

Bigla ko na lang naalala ang lahat ng pinag usapan namin kanina. Dahil doon, hindi ko na mapigilan ang pagluha ko.

"Pa, kailangan ba talaga yon? H-hindi ko kayang iwan si Ford pa. Mahal ko siya at--"

"Wala akong choice, Lorice. Even me, I dont want you to do it! Dahil alam ko na mahal ka ni Ford , but..."

"Ano?"

"Buhay ni Gail ang nakataya rito. She'll kill herself if she doesnt get what she wants. I insisted na hindi pwede si Ford at ito ang nangyari. Paano pa kaya kung hindi ko maibigay ang gusto niya?"

Hindi ko na napigilan. Tulog naman si Ford saka hindi naman niya siguro ako maririnig kaya umiyak na talaga ako. Wala e, hindi na kaya ng puso ko.

"Bakit ko kailangang gawin to pa?" tanong ko sa kanya kanina.

Then he said these words.

Gail has severe trauma. Its from her past experiences. The doctor said na hindi dapat bigyan ng stress ang taong makakaranas nito, and if possible, I must let her have what she wants.

Ipinagamot ko na siya noon sa U.S. at gumaling naman siya. But, there's something na nakapag bigay ng trigger sa kanya dahilan para bumalik ang trauma na iyon. And what can I do with her condition Lorice? I dont even know what to do.

I know that you deserve all the happiness na natatanggap mo ngayon, Lorice. Pero, masakit dahil naghihirap ang isa ko pang anak. Kaya Lorice, may I ask you something? For Gail's sake...

Break up with Ford.

Yun... Yun na yon. Break up with Ford. Break up with Ford. Break up with Ford.

Ako? Ako na naman? Bakit ako? Bakit ako na naman ang magpaparaya?

Mula pagkabata, nagparaya na ako nang hindi ko nalalaman. Hindi ko nakasama ang ama ko ng matagal na panahon. Nagparaya ako. Ako ang naghanap ng paraan para makahanap ng ibabayad sa lahat ng utang namin. Pag aaral ko, itinaya ko para doon.

Naging P.A. ako, nawalan ng bahay, hindi ako tanggap ng mismong totoong pamilya ko, at ngayong magpapakasal na ako, magpaparaya na naman ako?

Si Ford naman ang itataya ko? Para sa kapakanan ng iba?

Lord, ano ba tong mga problemang to? Pwede wag na nila akong idamay? Hindi ba nila alam na dati pa akong nagdurusa tapos... tapos magdurusa pa rin ako hanggang ngayon?

Si Ford ang nagpapasaya sa akin, ang taong dahilan kung bakit naging kumpleto yung buhay ko na ni minsan ay hindi naranasan ang magkaroon ng magandang pamilya. Tapos ngayon, broke up with him?

Tiningnan ko ang singsing. Hindi ko kaya.

"Yun ang gusto niyo?" naalala kong tanong ko kay papa.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon