kabanata 12

3K 49 1
                                    

Lorice's PoV

Katatapos ko lang mabayaran yung pinamili kong mga canvas, at kung anu ano pa man. Basta, gamit para sa pag da-drawing.

Naipabalot ko na rin to.

"Thank you ate." tumango na lamang siya.

Binitbit ko na ang lahat ng pinamili ko. Ang dami naman nito. Pero hindi pa ito ang lahat ng pinabibili ni sir. Marami pa!

Dumiretso ako sa kung saan makakabili ng teddy bear. Different colors daw e. Kaya dalawampung piraso na ibat iba ang kulay ang binili ko. Pinabalot ko rin ito matapos bayaran. Buti na lang, nilagay ito ng babae sa bag at nagkasya naman ang mga teddy bears.

Eto na lang ang gagawin ko. Yung 'GET ORDERS FROM THESE RESTAURANTS AND IN GROCERY COUNTER.'


Dumiretso ako sa Jollibee at kinuha ang order niya, gamit ang pangalang TAN.

lumabas ako ng restaurant dala dala itong mga pinamili ko, dumagdag pa tong iorder ni sir.

Duda ko, napakarami ng nasa grocery store counter kaya inuna ko muna yung nasa penshoppe, boardwalk, toy kingdom, nike, groovy, at Dunkin Donuts.

Matapos kong kunin ang lahat ng iyon, para na akong kargador na napakaraming dala sa sobrang dami nitong mga inorder ni sir ford.

Papunta na ako sa counter 2. Buti na lang walang tao. At may sumalubong sa aking isang lalaki. Tinulungan niya ako sa mga dala ko kaya naman, laking pasalamat ko dahil doon.

"Paid na yan, miss. Tutulungan na rin kitang dalhin ang mga to sa sasakyan mo." sabi niya. "Teka, kanu ano mo ba yang Mr. Tan.? Papa?"

Napailing ako. Hindi ko pwedeng sabihin. Hindi na lang ako nagsalita.

Mula sa loob ng mall hanggang sa makarating sa tapat ng sasakyan ay tinulungan niya ako. Pero nang sabihin niyang tutulungan niya ako sa paglalagay ng mga pinamili dito sa sasakyan ay tumanggi na ako.

Pinilit niya ako pero humindi ako. Kaya bumalik na siya sa mall. Nakahinga ako ng maluwag. Nandito sa kasi si Ford at baka makita ito nung lalaki.

Maya maya pa ay nakita kong lumabas siya.

"Ang tagal mo."

Wow sir. Ang konti rin po ng pinabili niyo.

"

Ipasok mo na yan. And make it faster.   Para di tayo ma late sa pupuntahan natin." sabi niya at puumasok na siya sa kotse.

Waw naman ser!

Napailing na lang ako at kumilos na. Inilagay ko na ang lahat ng pinamili ko. Buti na lang at mabilis ko itong nagawa at nang matapos ay sumakay na rin ako sa kotse.

Teka nga, saan ba kami pupunta?

"Sir saan po ba tayo pupunta--"

"I said I don't like to hear questions." yun lang ang sinabi niya. Kaya tumahimik na lang ako.

Saan naman kaya kami pupunta ngayon?

Medyo napagod ako sa ginawa ko kanina. Pano naman kasi, pabalik balik ako sa bawat floor ng mall. Kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata.

nagising na lang ako nang maramdamang huminto ang sasakyan. Pareho kaming lumabas at nakita ko ang isang...

Orphanage.

"Kuya Ford!"

May mga batang tumatakbo at yumakap sa kanya.

"Nasaan sina Sister?" tanong niya.

"Nandoon po sa loob." tumango siya. Nilingon niya ako. "Bring my gifts inside."

Napa-oo na lang ako. Ang dami non! Pero okay lang, kung para rin pala sa orphanage.

Pumasok na sila sa loob. Ako naman, busy sa paglalabas ng mga binili...ko.

"Ate," napalingon ako. Nakita ko ang isang batang babae na nakangiti. Nahawa ako sa mga ngiti niya. "Tulungan ko na po kayo."

"Ay nako, wag na. Okay lang ako." sabay ngiti.

"Sige na po..." pagpupumilit niya.

"S-sige na nga."

Wala na akong nagawa. Nagpumilit siya kaya hinayaan ko na lang.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon