kabanata 27

2.7K 53 1
                                    

Ford's PoV

"You were just shouting kanina!" paulit ulit na sinabi ni Ford. Hays. Kanina pa kami nagtatalo at nagtatawanan dito. Kakatapos lang namin sumakay sa roller coaster ride. Ganon pala ang feeling kung sasakay ka doon.

"San pa tayo pupunta?" tanong ko. Sasagot na sana siya sa tanong ko nang biglang nag ring ang phone niya. May tumawag siguro. Pero hindi niya ito sinagot. Ewan ko nga kung bakit.

Nagtaka ako. Baka naman kasi emergency yon. Tapps di niya sinagot.

"Oy, bakit di mo sinagot yung tawag?"

"Nah. It's my dad. I know he will talk about the party later." Party na naman?

Wala yata talagang kapaguran ang mga mayayaman dahil sa mga party party nila. Hays.

"Pupunta ka?" tanong ko sa kanya.

"Ewan." E, desisiyon niya pa rin naman yun kaya hinayaan ko na lang.

"Ice cream tayo!" sabay lapit doon sa nagtitinda ng ice cream.

"Anong flavor gusto mo?" tanong niya.

"Chocolate!"

"Two chocolates."

"WALA NANG MAS SASARAP PA SA TSOKOLATENG ICE CREAM NA GAYA NITO!"

"Coffee ice cream tastes good too." rinig kong sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Bahala ka dyan. Basta ako, chocolate ice cream ang gusto ko.

Napalingon lang ako nang tawagin niya ako. "Let's take pictures together."

"H-ha?"

"Let's take pictures."

"O-okay."

Lumapit siya sa akin. Then he set the front cam, with 3 second timer. Nang pinindot niya ito ay humarap ako sa camera at ngumiti.

"Lorice," napalingon ako nang marinig ko ang aking pangalan. Nagulat na lang ako nang humarap ako sa kanya ay bigla niya na lang akong hinalikan.

At nang dumampi sa labi ko ang mga labi niya, parang tumigil ang mundo ng ilang segundo. Then he kissed me on my forehead. Maya maya pa ay may ibinulong siya sa akin.

"May paparazzi. Mukhang kanina pa tayo sinusundan."

Paparazzi? Reporters? Kaya nung malaman ko iyon ay hindi ako nagpahalata. Kaya niya pala ako hinalikan.

"Buti sinabi mo. Kinakabahan ako sa kanila Ford." kinabahan ako ng sobra dahil doon.

"Don't worry, I'm here." sabay hawak sa kamay ko. "Let's go?"

Tumango lamang ako bilang tugon. Nang makalabas kami, pakiramdam ko may sumunod pa rin sa aming dalawa. Ramdam ko rin na mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Ford sa kamay ko.

"Teka nga lang Ford, pupunta ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya. Nagtanong na lang ako para hindi ako kabahan.

Tiningnan ko lang siya. "Maybe. Siguro. Kahit na hindi ako nag-eenjoy sa mga ganong parties. Ikaw, pag pumunta ba ako roon, sasama ka?" tanong niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. "Oo naman."

I saw him smiled. And he's so handsome. Mas bumilis lang ang tibok ng puso ko nang muli niya akong halikan sa labi at noo ko. Ewan ko ba, feeling ko, totoo tong relasyong to e. Feeling ko lang naman.

Hays. Wag ka na ngang umasa dyan! Mayaman siya, mahirap ka lang. Gwapo siya! Ikaw pangkaraniwang babae lang. Magkalayo kayo ng estado sa buhay!

Isa pa, trabaho lang to Lorice, trabaho.

"Ford..."

"Hmm?"

"Wala na ba yung reporter?"

Nilingon niya ang paligid. "I don't know."

"Bakit ng pala hindi ka nag mask?"

"May nagsabi kasi sa akin na... I must enjoy myself being just me, without any mask. Kaya ito, hinahayaan ko lang na pagtinginan tayo. I don't care if what they do. As long as I'm enjoying."

Napangiti ako dahil doon. Ako kasi ang nagsabi sa kanya non. Hay. Nasabi ko yon dahil deserve niya ang mga ganitong bagay. Napansin ko nga rin kanina na kapag dadaan kami ay may mga babae, bakla, o kahit mga lalaki ang kumukuha ng litrato niya gamit ang cellphone nila. Pero, hindi sila lumalapit kay Ford, dahil siguro sa akin.

Maya maya pa ay nag ring na naman ang phone niya. "Sagutin mo."

Ginawa niya naman kung ano ang sinabi ko.










Ford's POV

"HELLO... DAD." I just answered this call.

"Fordan! Who's that girl with you? I saw these pictures from someone and my name! Nadadamay na sa mga articles ang pangalan ko at ng kompanya!"

Mula noon hanggang ngayon. He only think about his name and his company. May heart is... jealous. Feels like anak niya ang kompanya niya. Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko.

Pumunta ka sa party mamaya. I don't want to lose my investors, lalo na ang papa ni Tracy!"

And that hurts me like hell! Hearing my father scolding me without knowing na nagiging masaya ako kapag kasama ko si Lorice.

Maya maya pa ay may nag text. Si mama.

"Ano tong balitang to? May girlfriend ka na?! Paano na lang ang deal namin ni Mr. Antonio! Gail also told me! Bring that girl to me tonight Fordan!"

Isa pa tong nanay ko.

"Okay ka lang--"

"May I request?"

"Ano yun?"

"Just one kiss, please... Just one." hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi pa ako nasaktan ng ganito kung tungkol sa buhay ko kasama ng mga magulang ko ang pag uusapan. Ngayon pa lang.

Instead of answering, she just closed her eyes. I closed my eyes as well matapos kong ilapat ang aking labi sa labi niya. I kissed her, as gentle as I could. And... it makes my heart ache gone.

Nang magkawalay ang aming mga labi, akala ko, magiging akward ang sitwasyon namin. Pero, nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

"Alam kong may problema ka. Kahit na i deny mo pa yan, hindi ako maniniwala sayo." I she... comforting me?

"Di kita iiwan." doon, parang biglang sumaya ang lahat ng malungkot na nakabalot sa pagkatao ko. Even Tracy didn't do this. Hindi ko siya narinig na sinabi to sa akin dati.

Now, I think choosing as my fake girlfriend is a right decision. At mas paninindigan ko ito. I will show to them na masaya ako, kasama ang babaeng to.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon