kabanata 47

2.2K 38 1
                                    

Lorice's POV

I really had fun that night. Pero, medyo nalulungkot ako ngayon. Ang bilis naman kasi ng mga araw. Kasi naman, papuntang Japan na si Ford. Sasamahan ko sana siya sa airport kaso ayaw niya.

"Alam mo namang bawat segundo, nami-miss kita. Hays, isasama talaga kita do'n pag hinatid mo ako."  he said. Natatawa ako pag naaalala ko yon. Mokong talaga.

Pero, sandali lang naman siya roon.

"Hija, aalis na ako. I'll see you next week." hays. Aalis rin pala si papa ngayong araw. Biglaang business trip daw to kaya naman, heto.

"Violet, take care of my daughters. And Gail, please be nice on your sister." he said. But we heard no response from the two of them. Napa buntong hininga si papa.

"I gave you my number, right?" I nod. "Just text me if you need something, okay? Hindi sana ako aalis kasi ayaw kitang maiwan--"

"Pa, okay lang ako. Alam ko namang importante yan." he smiled.

"You're just like your mother." then he hugged me, saka siya lumabas at nagtungo sa kotse niyang nakaparada sa tapat ng bahay. Namg makasakay ay kumaway siya sa akin at ganon rin naman ang ginawa ko.

Nang makaalis si papa ay nagpunta ako ng sala at umupo sa sofa.

"Lorice?" napalingon ako nang marinig ko ito. At nakita ko si Aunt Violet. Nakangiti siya sa akin pero, ewan ko. Iba ang pakiramdam ko.

"May I have a word?" tanong niya nang makalapit siya sa akin. Napatango na lang ako.

Nakaupo lang ako sa sofa rito sa sala, at umupo rin siya. Ngayon, magkatapat kami. Hindi naman sa pagiging judgemental pero, nasusungitan ako sa kanya. Pero, binalewala ko na lang iyon. Sabi rin kasi sakin ni papa nung nagkwentuhan kami, medyo masungit siya. Hays.

"Siguro, hindi pa nasasabi ni kuya sayo ang ugali ko. Well, that's the reason why I'm here. To tell you prankly, I dont like you."

I dont like you. Kalmado niyang sabi pero parang kidlat nang tumama sa akin.

"Hindi ko naman kasi alam kung anak ka ba talaga ng kuya ko. Isa pa, I dont think this life suits you."

Parang pinipiga na ngayon ang puso ko. Gustong gusto ko nang umiyak pero hindi ko ginawa.

"If there's my brother's daughter, its only Gail. Siya lang, okay? Pero,"

"Pero? Ano po?" gustong gusto ko nang ilabas tong luha ko pero hindi ko pa rin ginawa.

"Wala naman akong magagawa kung sakaling anak ka nga ng kuya ko. And since hindi naman niya ito ginawa, ako na ang gagawa para sa kanya. Have a DNA test."

DNA test?

What I and papa feel were both mutual. Pero, lukso ng dugo lang ang piangbasehan namin,  ang pinagbasehan ko. Pero, malakas ang loob ko. Kasi, alam ko na totoong anak ako ni papa.

Ito ba ang gusto niya? Sige, ibibigay ko.

"Payag ako."

Tumayo siya at tumalikod. "Good. See you tomorrow night at the hospital." saka siya umalis.

Nagpasya akong bumalik sa kwarto. Pero, nang buksan ko ang pinto ay bigla na lang may parang gamit na binalibag. Buti na lang at nakaiwas ako.

"Ano ba--"

"Who told you to get in?" G-gail?

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Kaya naman, nagtaka na ako kung bakut ganito ang kilos niya.

"Hindi ka pwedeng pumasok rito."

"Sabi ni papa, kwarto ko na yan--"

"Walang sayo rito sa pamamahay na to. Wala. Dahil hindi ka isang Torres, anak ka sa labas."

Dahil sa sinabi niya ay uminit na ang ulo ko. Hindi na nga siguro ako makapagtitimpi. Nasampal ko siya. Tama, nasampal. Matapos kong gawin yon, napatingin na lang ako sa kamay ko.

Talagang nagawa ko yon?

Nabigla na lang ako nang makaramdam ako ng mga sampal sa magkabilang pisngi.
"You cant defeat me. Wala ngayon si papa. Kaya walang magtatanggol sayo, loser!"

At ito na nga, sinimulan na niya akong sabunutan.

Ito rin ba ang gusto niya? Edi ibibigay ko!

"Ano ba! Let go of me! Mommy Violet! Help!" paulit ulit niyang sigaw. Aba! Naghahanap ng resbak!

Agad ko naman siyang binitiwan pero sinampal ko ulit siya ng isa pang beses. Hindi ko na napigilan e!

"What's happening here?!" nang makarating ay agad na tinulungan ni Auntie Violet si Gail. "Ikaw! Ang lakas ng loob mo na saktan si Gail! Hindi pa nga nagagawa yung DNA test! You poor and.. and huthuterang anak sa labas!"

Hindi ako anak sa labas!

"I will tell this all to papa!"

Nagulat na lang ako nang biglang itapon ni Auntie Violet sa labas ng bahay. Mas nabigla ako dahil doon.

"Wala naman si Kuya rito. Kaya, wala ka ring lugar sa bahay nato."

"Sige, ito ba ang gusto niyo?! Fine! Aalis ako! Pero kapag nalaman na natin ang resulta ng DNA test na yan, pagsisisihan niyo to!"

Wala na, kahit hindi ako matapang, nagtapang tapangan ako. Wala akong kakampi ni isa e. Yung mga katulong na nakikita ko rito, umiiwas ng tingin sa akin kapag tinitingnan ko sila.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at kinuha ang gamit na hinagis ni Auntie Violet rito. Wala na akong iniwan pang salita at umalis na ako.

Habang naglalakad ako ay hindi ko na niligon ang bahay. Para saan pa! Hindi rin naman pala nila ako tanggap.

Mabuti na lang at kahit average lang ang utak ko, nakakabisado ko ang mga lugar na pinupuntahan ko.

Doon na muna ako sa bahay ni Ford. May duplicate naman akong susi non.

Nang makalayo at makarating sa may kalsada ay agad akong pumara ng taxi. Kabisado ko ang bahay mula sa building kaya doon muna ako magpapahatid.

"Ineng, saan ang punta mo?" tanong ng driver.

"Triple A Entertainment po." tumango naman ang driver.

Sandaling natahimik. Pero kaagad rin iyong binasag ni manong. "Anong nangyari sayo?"

"W-wala ho."

"Alam mo, naaalala ko yung anak ko sayo. Kasi, may babae na sumakay sa akin nung isang araw. Magulo rin ang buhok," napatingin ako sa screen ng cellphone. Magulo nga ang buhok ko.

"Akala ko kung sino. Anak ko na pala yun. Kaya naman, sobrang alala ko kung napano. Ineng, may problema ka ba?" tanong niya ulit.

"Kaunting away lang ho, manong." pilit akong ngumiti kahit masakit.

Kahit gusto ko nang umiyak ay hindi ko ginawa. Masakit na masyadong pigilan pero dapat kayanin ko!

Kalma lang muna Lorice, dun kana umiyak sa bahay ni Ford.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon