kabanata 4

4.1K 66 4
                                    

Ford's POV



I just sighed. Tama lang talaga na napaaga ako ng dating. Nang nakarating kasi ako ay naroon na rin ang aking ama, na may kasamang mga ka-sosyo niya. And Freed was there, my step brother who's older than me.

Panigurado akong negosyo na naman ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito.

Ipinakilala niya ako sa mga taong iyon. At matapos ang ilang sandali ay nagsi-alisan rin sila. Kaming tatlo ang natira sa restaurant.

"Let's go. We'll have dinner."

Walang imik akong sumunod sa kanyang paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa pina-reserve ng dad ko. Mula sa pag-upo hanggang sa mahain ang mga putaheng kakainin ay wapang nangyaring imikan sa pagitan naming tatlo.

1985 Henri Jayer Cros Parantoux. Ininom ko lang ito, milyun-milyong halaga na ng pera ang nagastos ng ama ko.

"Fordan," rinig kong sinabi ng dad ko habang umiinom ako. Napatingin lang ako sa kanya.

"I need you in my office tomorrow. Pag-uusapan natin ang tungkol sa susunod na magiging CEO ng kompanya."

Sabi ko na nga ba. Damn that company.

"Ikaw at si Freed ang pinagpipilian ko.  I want you to be with me tomorrow--"

"I am not interested in your company, dad. I have my own business. May trabaho ako."

"Papa, sabi ko sa inyo, hindi tanggapin ni Ford ang alok niyo sa kanya." rinig kong sabi ni Freed. I just looked at him with anger. Matagal na akong naiinis sa lalaking iyan, matagal na! 

"I guess, wala nang patutunguhan ang usapang ito." tsaka ako tumayo at tumalikod. "Kung gusto mo, pupuntahan kita bukas. Pero hindi mababago ang isip ko na palagi kang tanggihan, dad."

Hindi ko na sila hinarap. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Such a stubborn child." that's Freed's fucking voice. Kung wala si dad rito, kanina ko pa iyan nasuntok. Pasalamat siya at nariyan ang ama ko.

Tuluyan na akong lumabas. Hindi na ako nag expect na hahabulin niya ako. Sanay na akong hinahayaan, mula nang mawala si mama.

Pupuntahan ko pa pala si Drag. Isang malakas at malalim na hininga ang pinakawalan ko at tsaka nagtungo sa aking Norton. Nang makasakay ay pinaharurot ko naman ito para madaling makarating sa bagong branch ng club ni Dave.

"HEY!" and what the-- nandito sina Kiel at Steve! Nakauwi na sila galing Baguio? 

Kumakaway pa si Kiel papunta sa akin at nang makalapit ay agad akong inakbayan.

"Ang ganda talaga rito! Nagmana talaga kay Dave tung branch niya!" mapailing na lang ako habang sinasabi iyon ni Kiel. Naglakad kami papunta sa kinaroroonan nimna Drag.
Nang makarating ay agad kong nakita ang isang bote ng alak na hawak ni Steve.

"Nakauwi na kayo ni Steve?" agad siyang tumango. Hay, hindi talaga ako ini-inform ng dalawang mokon na ito.

"Uy, nandito ka na pala!" salubong ni Drag sa akin. I smiled. "Yan, yan yung sinasabi kong Aged 40 years Dalmore."

Woah. "Magkano naman to?"

"1800,000.00" sabi niya.

"WHAT THE HELL!" Sabay naming nasabi nina Steve at Kiel.

"Pero, mayaman naman yang si Dragon. Wag na kayong mag-alala dito sa mokong na to, bumabaha na ang pera sa mga credit cards niya." natatawang sinabi ni Dave.

"Masarap naman yan, e. Bawi naman sa lasa." rinig kong sabi ni Drag. "Tsaka, curious lang ako sa brand na ito."

"The Dalmore, founded in 1839, was established on the shores of the Cromarty Firth, in the Highlands of Scotland." napalingon ako nang marinig iyon mula kay Steve.

Nakangiti lang siyang nakaharap sa amin matapos niya iyong sabihin.

"Wala lang, natutunan ko lang iyon." sabi niya. "Nag-aaral na kaya ako."

Really? E ayaw mo ngang makakita ng notebook, mag aral pa kaya? Hay nako, Steve.

"Hayaan niyo na yan. Buti pa, inumin na lang natin to!" pagsingit naman ni Kiel. Sumang ayon kaming lahat.

Ilang oras pa akong nagtagal doon. I enjoyed the night with them. Buti na rin yon, para kahit sandali ay makalimutan ko ang mga nangyari kanina, kahit kaunti.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon