kabanata 22

2.8K 65 0
                                    

Lorice's POV

Nagising ako nang may pagtataka. Bakit nakahiga ako sa kama? Nasa... kwarto ako ni sir Ford. Why I am here? Teka nga... Ano bang nangyari sa akin?

Nadako ang mga mata ko sa polong nakatakip sa harap ko. Nang tanggalin ko ito ay nanlaki na lamang ang aking mga mata. Bakit... naging ganto ito?

Agad kong inayos ang damit ko. Napatingin ako sa orasan na nasa tabi ng lampshade at nakita kong alas dose na pala ng tanghali.

Ano?

Alas dose? Ng TANGHALI???!!!

Napakabilis kong bumangon at agad na lumabas ng kwarto. Nilibot ko ang buong unit pero hindi ko nakita si sir Ford. Napabuntong hininga na lang ako.

Baka umalis siya.

Natuon ang aking atensiyon sa cellphone na nasa sofa, tumunog iyon. Tumatawag si sir Ford. Agad ko namang sinagot iyon.

"Lorice, come to my office. Now. " sabi niya habang nasa kabilang linya. Nasa opisina pala siya.

"O-okay, sir." Agad na akong kumilos. Naligo, nagbihis, at naghanda na ako para sa pag alis ko. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at nagdala ako ng ilang inumin. Ewan. Hays, okay na rin yun, para iwas dehydration.

Matapos maghanda ay hinanap ko si Fudge pero wala siya. Nasaan kaya siya?

Nang kinuha ko ang phone ay may nakita akong mensahe, galing kay sir. Binasa ko naman ang sulat.

"Fudge is with Kiel. Don't worry on him."

Ganon ba. Naka hinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Na kay Sir Kiel pala si Fudge. Kaya matapos itong malaman ay umalis na ako ng unit.

And as usual, may lunch box na naman akong nakita rito. Kinuha ko na lang ito. Hays. "Antonio" na naman ang nakalagay. Ewan ko ba. Sino kaya itong taong to? Hays. Pero ayos na rin, kasi may baon na ako.

Naglakad na ako papaalis nang ma lock ang pinto ng unit. Nakahanap naman ako ng masasakyan kaya mabilis akong nakarating sa office. Nakabisado ko na ang lugar na yon matapos noong unang pagpunta ko roon. Lumalabas kasi minsan tong photographic memory ko. Charot lang.

Pero, naalala ko yung kanina. Bakit ako nakahiga sa kama ni sir? Bakit ganon yung damit ko pag gising ko? Bakit nakatakip yung polong suot niya kahapon sa hinaharap ko? Ano ba talagang nangyari sa akin kagabi? Ang huli ko lang naalala, kumakain ako ng hapunan at nabulunan ako. Yun lang.

Napa buntong hininga na lang ako.

Nang makarating sa opisina ay napansin kong medyo marami ang tao rito ngayon. Ano kaya ang meron?

"It's you again." napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. At nakita ang isang matangkad na lalaki. He has American physical features. May itsura rin naman, pero mas gwapo pa rin si sir Ford.

"Hmm?" nagtaka ako. Kilala ko ba to? It's you again? Nagkita na ba kami nito?

Hindi ko siya sinagot. Pero nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Then he smiled. Kinabahan tuloy ako.

"I'm Freed, beautiful lady." hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. "And you? What's your name again?"

Hindi ko talaga maalala ang lalaking to. Nawala na naman yung photographic memory ko. Hays. Sinagot ko na lang ang tanong niya.

"Ako si... Lorice."

"Nice to meet you, again." he keeps  on repeating that word 'again'.

"Umm,  sir Freed..." pareho kaming napatingin nang may lumapit na babae sa amin. "Magsisimula na po ang contract signing."

Tumango ang lalaki. Humarap siya sa akin at muling hinalikan ang kamay ko. "Until next time, beautiful lady." at tumalikod na siya. What. just. happened?

Natauhan lang ako ulit nang maalalang inutusan ako ni sir na pumunta sa office niya. Kaya naman, nagmamadali na akong tumakbo.

Nang makarating ako sa office ay wala si sir. I just sighed. Then I received a message. Galing sa kanya. Agad ko naman iyong binasa.

"I'm  in the first floor. Just ask if where's the conference room. Nandoon ako."

Conference room?

Bumalik ako ng first floor. Pupuntahan ko sana si manong guard para makapagtanong pero wag na lang. Mukhang busy siya sa responsibilidad niya as security guard. Kaya ang ginawa ko, inikot ko na lang ang floor na to.

Nakarating ako sa ladies comfort room, canteen ng gusaling to, at parking lot bago ko mahanap ang conference room. Napakadami kasi ng mga pasikot-sikot na daan ng building na to.

Hays.

Pumasok ako roon at nakita ko si sir Ford. Nandito nga siya. Hindi ko alam kung ano bang meron pero... nandito rin sina sir Kiel, sir Steve, at sir Dragon.

Marraming taga-media ang nandito. At osa isa nilang tinatanong sina sir Ford. Pinanood ko na lamang sila, ng makatayo. Wala na kasing maupuan rito.

Hihintayin ko na lang siya rito.







Ford's POV

I WAS LOOKING AROUND, and I saw her. Nakatayo lang siya. At ito na naman, bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Damn, ano na bang nangyayari sa akin?

Hindi ko na naman maalis ang mga mata ko kay Lorice. She's just... getting more beautiful, lalo na ngayon.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi.

"Question for Mr. Ford," nang narinig ko iyon ay doon lang ako nakabalik sa pagiging lutang ko.

"Is it true na magtatambal kayo ni Ms. Tracy for a new movie? And the rumor na... may relasyon kayong dalawa?"

Nang narinig ko iyon ay biglang nagbago ang mood ko. What the-- and how did this 'rumor' came out? Napailing na lang ako. Media, as always.

Tiningnan ko si Lorice. Nakayuko lang siya. Ako naman, sinagot ko ang tanong ng reporter na iyon.

"Yes, we're planning about that movie. But the rumor is not real. Because..." tiningnan ko si Lorice. "I have a girlfriend."

And with that, napangiti siya.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon