kabanata 48

2.1K 42 1
                                    

Lorice's POV

Pauwi na ako. I walk and walk, habang inaalala yunglahat ng nangyari kanina. Magkahalong kaba, pananabik at takot ang nararamdaman ko ngayon.

Wala na akong iba pang nagawa kundi ang bumuntong-hininga.

Papalabas na ako ng ospital nang may nakabangga akong isang lalaki.

Nahulog yungmga gamit niya kaya naman, tinulungan ko siya.

"Sorry... Di ko sinasadya." nang tumingin ako sa lalaki ay napansin kong kanina pa niya ako tinititigan. Hindi ko alam kung bakit.

"Ayang?"

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na naman alam kung bakit niya ako tinawag ng ganon. Ang naaalala ko kasi, ang mga pinsan ko lang ang tumatawag sa akin niyan noong mga bata pa kami.

Sina kuya Mikoy at Milan.

"Ayang, ikaw ba yan?" tanong niyang muli. Bakit alam niya yung palayaw na yon? Sina Mikoy lang kasi ang tumatawag sa akin nun.

"Bakit mo alam yung palayaw na yon?" Yun na e. Yun na yung naisip kong tanong. Akala ko hindi siya sasagot pero, ngumiti siya. At nagtaka na naman ako kung bakit niya ginawa yon.

Tinuro niya ang sarili. "Ako to, di mo ba ako naaalala?" tanong niya. Umiling ako.

Pinulot niya ang mga gamit niya at tinulungan akong tumayo. Habang ginagawa niya iyon ay nakangiti pa rin siya.

"Ako to." hindi ko talaga alam kung sino to. "Si kuya Mikoy!" sabay pogi points pose. Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa ginawa niya.

Hindi naman ako natatawa kung ibang tao ang gumagawa niyan, kahit pa nakakatawa na para sa iba. Pero, kapag si kuya Mikoy ang gumagawa, natatawa ako.

"Kuya... Ikaw nga!" halos maluha ako dahil sa sobrang saya na nadarama ko sa mga oras na ito. Grabe, sa dinami rami ng mga problema na nadaanan ko ngatong araw, parang nabawasan dahil nakita ko na si kuya Mikoy.

I hugged him. And he hugged me back. Grabe talaga! The way he hug me is still the same. Siya nga!

"Musta na man ka dai oy? Wala na lagi kay uli-uli sa atong probinsya." Kumusta ka na? Hindi ka na umuuwi sa probinsya a.

Hindi na ako masyadong marunong magbisaya pero, naiintindihan ko naman kung ano ang sinasabi niya.

"Okay lang naman. Kasi naman, napakarami ko na kasing inaasikaso kuya." napangiti siya. "Teka nga, anong meron at naparito ka--"

"Dr. Fajardo. Mabuti naman at narito na ho kayo-- ha? Diba, ikaw yung nagpa-DNA test kanina?" agad na tanong ng isang nurse.

"DNA? Nagpa-DNA test ka?" tanong niya.

Napatango na lamang ako. Nabuo ang pagtataka sa mukha niya. Hay, mamaya ko na ipapaliwanag kuya.

"Dr., naghihintay na po sina doktora sa inyo."

He nod. "Kim, paki hatid naman siya sa opisina ko. Ako na lang mag isa ang pupunta sa office ni doktora."

Tumamgo naman ang nurse.

"Tara na, miss." sumunod na lang ako sa kanya.

Nang makarating kami sa opisina ni Mikoy, this nurse offered a seat, at tinanggap ko naman ito.

"Magka-ano ano po ba kayo ni Dr. Fajardo?" tanong niya.

"Mag pinsan."

"Ganon?" tumango ako.

Bigla kong naalala yung mga gamit niya na nahulog kanina nung nagkabangga kami. May mga dokumento roon na parang requirements para sa pag a apply ng trabaho.
Ewan.

"Teka, pwedeng magtanong?"

"Ano naman yun?"

"Doktor ba si Mikoy-- Mikael dito?" tanong ko sa nurse. And she nod.

"Oo, doktor siya sa The Saint's hospital  branch na nasa sa province kung saan siya nakatira, doon siya na-assign. At siya ang isa sa mga pinakamagagaling na doktor. Nagpunta lang siya rito kasi gusto ng mga doktor na founder ng ospital na to na mag serve siya sa bansa nila."

Kaya pala.

Ilang minuto ko ring naka kwentuhan si nurse Kim. Hanggang sa dumating na si kuya Mikoy dito sa opisina niya.

"Maiwan ko na kayo. Nice meeting you, Lorice." she said and smiled, tsaka umalis. Naiwan kaming dalawa ni kuya rito.

Umupo si kuya sa tabi ko.

"Masaya ako dahil kahit wala na si tita Allicia, nakangiti ka pa rin."

Mapait akong ngumiti. And I know that he already know why. Masakit pa ring alalahanin ang mga nangyari lalo na nung namatay si mama.

"Teka nga, matagal ka na bang nag i-stay rito sa Maynila?" tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"Hindi pa naman din.." Matapos niyang sabihin iyon ay medyo naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko naman alam kung bakit pero parang sandaling tumahimik ang paligid. Pero, siya rin ang bumasag nito.

"Ayang, nang makarating ako rito ay isa kayo sa dahilan kung bakit napunta ako rito sa Maynila. May nakapag bigay sa akinng address ni tiya Merda pero sandali lang kaming nag usap. Nalaman ko mula sa kanya ang pagkamatay ng mama mo."

Tumango lang ako. Kay tita Merda pala niya nalaman.

Nagpunta siya kina tita Merda. Napatingin na lang ako sa kanya nang maalala kong kabet pala ni papa si tita. Alam na kaya niya?

"Nakita ko sila yang. Papa mo tsaka si tiya Merda. Iyang gigakos ganina imong papa." niyakap niya ang papa mo kanina.

And that made me silent, and super broken of course. Hindi dahil itinuring ko silang pamilya noon, kundi dahil sa pagtataksil nilang dalawa kay mama. They secretly hurt my mother. At hanggang ngayon ay manhid pa rin tong puso at isipko dahil sa ginawa nila, hindi pa kasama roon ang ibang naranasan ko mula sa kanila.

Kaya kahit na magparamdam si mama ngayon at sabihing patawarin ko na sila, hindi ko yata iyon magagawa.

"You okay?" napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang magtanong. At bilang sagot, tumango ako.

"Siya nga pala, tungkol doonsa DNA test. Para saan naman yon?" tanong niyang muli. 

"Nakita ko na kasi yung totoong ama ko. I believe him for saying na anak niya nga ako pero hindi naniniwala yung kapatid niya. Kaya naman, ginawa namin ang test na to."

"Tungkol sa bagay na yan. May gustong ibigay sayo si mamang. Sabi niya sa akin, galing raw iyan sa tunay na ama mo. Alam nila kung sino ang tunay mong ama, pero di nila sinabi sa akin ang pangalan." sabay bigay sa akin ang isang kwintas.

"Paternity test lang ba yung gusto nila?" tanong niya. Wala naman akong masyadong alam sa mga bagay na to.

"Ewan."

"Kasama mo ba yung papa mo nung isinagawa ang test na yon?" umiling ako. "Pero, nakunan na raw ng sample yung basong ginamit ni papa sabi niya."

Napatango siya. "Nagtataka pa rin ako. I still cant believe, hays." he sighed again. "Ano ngang bang pangalan ng papa mo?"

"Fidelmo Antonio Torres."

"Walang duda. Kahibaw na ko nganong gipa-DNA test ka, Ayang." Alam ko na kung bakit nagpa-DNA test ka, Ayang.

Alam niya?

"B-bakit kuya?"

"Si Mr. Torres, at ang pamilya nila--I mean ninyo, isa sa mga pinakamayaman sa Pilipinas. I knew it kasi, loyal client siya rito sa ospital. Na-feature na rin siya sa isang health magazine na nabasa ko. May mga articles rin akong nababasa tungkol sa kanya."

Ano namang koneksyon non sa DNA test?

Tinitigan ko lang siya. He sighed. "Lorice, his family dont like us commoners. Well, hindi ka naman na commoner kasi anak ka niya. Pero, pero si tita Allicia, and her life status. Get me?"

Napatango ako. Ayaw nila kay mama mula pa noon, hanggang sa akin ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa.



One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon