kabanata 44

2.3K 41 1
                                    

Lorice's POV

Kanina ko pa hinahanap si Fudge. Kasi naman, sabi ni Ford na isama ko raw siya sa pagpunta kay papa. Pero, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan na kaya yun?

Umabot na ako sa sala, pati sa ikalawang palapag ng bahay pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Ford?" nasa kwarto pa si Ford at nagbibihis.

"What is it?"

"Nakita mo ba si Fudge? Kanina ko pa siya hinahapan pero hindi ko siya makita."

Napalingon ako nang may narinig akong naglalakad papunta sa akin. And then I saw Ford, he's walking while nagbobotones ng polong suot niya.

"Baka nasa garden siya." he said.

"Sige. Pupuntahan ko muna siya roon." he nod when I said it.

Nagmadali na ako, kasi naman ang tagal naming nag stay sa tub. Ngayon lang kami nakapagbihis.

Nang makalabas ako ng bahay at ilang lakad pa lang papuntang garden, hindi ko inaasahang ito ang sasalubong sa akin.

"Fudge! Fudge!" nakahiga lang siya. Kahit anong tawag ko, hindi siya tumatayo. Hindi man lang niya ako nipapitan. Kaya naman, kinabahan na ako.

Nilapitan ko siya. Pero, naluha na lang ako nang makita ko siyang walang malay.

"Ford! Tulong! Si Fudge! Ford!" paulit ulit kong tawag kay Ford. Hindi ko na alam ang nangyayari kay Fudge. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Nang makarating ay agad na lumapit si Ford at hinaplos si Fudge. "This cant be. Akala ko ba, magaling na siya?"

Magaling? Saan?

"Here." binigay niya sa akin ang cellphone niya. "Tawagan mo si Mr. Jung. Find his number there and call him."

Agad ko namang ginawa ang sinabi niya. Buti na lang at agad ring sumagot ang taong to.

Binuhat ni Ford si Fudge papunta sa sasakyan. Binuksan ko naman ang gate para makalabas ang sasakyan. Muli ko itong sinarado nang nailabas na niya ito. Tsaka na ako sumakay ng kotse.

Dali daling nagmaneho si Ford. Hindi ko alam kung saan kami papunta. At hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin.

Nang makarating kami ay agad namang inasikaso si Fudge. Pero hindi ko parin maipanatag ang kalooban ko.

Kahit na kailan naman, hindi ko siya pinabayaan. Pinapakain ko naman siya sa tamang oras. Pero bakit nangyayari to? Hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Ilang oras pa kaming naghintay. Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko. Kaya naman, napagdesisyunan ko na lumabas na muna.

"You sure hindi mo gustong magpasama?" tanong ni Ford sa akin. Umiling naman ako. "Okay, I understand. Pero, wag kang masyadong lalayo." I nod after he said that.

Naglakad ako papalabas. When I got outside, I saw a girl. And she's familiar.

Tumatawid siya. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang may rumaragasang truck. Papalapit ito sa kanya. Kaya naman, tumakbo ako at agad na itinulak ang babae. Pareho kaming napahiga sa gilid ng kalsada.

Agad naman akong nakabangon at nakatayo. I helped her to stand up.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya. She nod. May maliit na galos akong nakita sa magkabila niyang braso. Pero siguro naman, hindi iyon masyadong nakaapekto sa kanya.

Nagtaka lang ako nang itinuro niya ang braso ko. Nang hawakan ko ito ay nakaramdam ako ng sakit. At nakita ko ring may dugo sa kamay ko.

"Tulungan na kita." she assisted me. Papunta kami sa loob ng veterinary. Hindi ko alam kung bakit kami rito papunta pero habang tumatagal ay mas sumasakit ang sugat na natamo ko.

"Lorice!" nakita ko na lang na papunta si Ford sa akin.

"D-dindie?" Dindie?

Natatandaan ko na! Siya yung nasa building dati!

"Sir Ford."

"What happened?" napalingon kaming tatlo nang may narinig kaming nagsalita. And we saw him. Siya siguro yung veterinarian.

Lumapit siya sa akin at tiningnan agad ying sugat ko. "Medyo malalim yung sugat mo. But dont worry, I can do that. I'm a pet and human doctor. Here, follow me. Gagamutin natin ang sugat niya."

"HINDI NA NGA MASAKIT." tapos nang gamutin ni Mr. Hoseok Jung ang sugat ko. Pero hanggang ngayon ay lagi pa ring nagtatanong si Ford kung masakit ba yung sugat ko.

"Sorry talaga sir. Kasalanan ko naman kasi. Hindi ako nag ingat. Kaya pati siya, nadamay."

"Ayos lang ako. No need to say sorry."

"I will check your dogs' conditions, if you'll excuse me." we nod. Sumama na rin si Ford kay doc para malaman ang kalagayan ni Fudge.

"Ayos ka lang ba?" nagamot na rin ang mga galos niya. Pero, mahapdi yan. Kaya naman, tinatanong ko kung ayos lang ba siya. And she nodded.

"Dindie ang pangalan mo diba? Ikaw yung nasa building. Buti naman at nagkita tayo rito. Hindi pa kasi ako nakapagpapasalamat sayo. Thank you nga pala sa paghatid sa akin sa office ni Ford."

Nag iwas naman siya ng tingin sa akin. "Pasensya na po Miss. Nasungitan kita nung mga panahon na yon. Pero ngayong niligtas mo ang buhay ko, hayaan mo akong bumawi. Lahat ng gusto mo, gagawin ko."

"Hindi na kailangan. Pero kung gusto mo, sige. All I want is... maging friends tayo."

Nang sinabi ko iyon ay napangiti siya. And thats  what I wanna see, her smile. Now, we are friends. I have a new friend.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon