Kabanata 32

2.6K 43 1
                                    

Third Person's POV

"I'll only give you two more weeks to pack all your things. Can't you see? This is an unauthorized organization. Hindi niyo pag aari ang lupang to. Makakasuhan kayo kapag nagpumilit kayo na manirahan pa rito."

Alas onse na, dis oras ng gabi. Tulog na ang lahat ng bata, maliban sa tatlong madreng sina sister Mary, sister Mercy, at sister Soli, dahil sa muling pagpapakita ng lalaking ito na nais angkinin ang lupang kinatatayuan ng ampunang kanilang tirahan, tirahan ng mga Kaawa-awang bata.

Takot ang bumalot sa mga madre nang muli silang magharap ng taong ito. Hindi nila alam kung bakit ang ampunan pa na may mga batang walang kamuwang-muwang at nangangailangan ng pag-aaruga ang dapat na umalis.

Hindi ito makatarungan.

"May titulo naman ang lupang tinatayuan ng ampunang ito." sabi ni sister Mary.

"Give me that."

Hindi sumang ayon ang may hawak sa titulo na si sister Soli. Hindi niya hahayaang mawalan ng tirahan ang mga bata kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa pakikipag usap sa mga taong ito.

Ngunit hindi rin maiiwasan ang takot dahil de armas ang mga kasamahan ng lalaking ito na nagpupumilit na agawin ang kanilang karapatan sa lupa.

"You know," itinaas ng lalaki ang kamay niya at itinuro sa madre. Lumapit ang isang lalaking may armas at nang makalapit ay tinutukan niya ng baril si sister Soli. "If you don't want to give it to me, he'll burry you, with a bullet in your brain."

Naiiyak na tiningnan nina sister mary at sister Mercy ang Kaawa-awang sitwasyon ng kasamahang madre.

Wala na ngang nagawa pa ang madre kundi ang ibigay ang titulo ng lupa, kahit na labag ito sa kalooban niya.

Para sa mga bata.

Nang mapasakamay ng lalaki ang titulo, laking gulat ng mga madre ang ginawa nito. Sinunog lang niya ang titulo ng lupa. Sinunog lang.

"Nasunog ko na ang titulo. Wala na kayong ipanlalaban pa. And even if you call for help, you'll never receive one. I have connections that won't help you with this. Kaya, if I were you, leave this place. Or else... "

Tinutukan rin ng baril ng iba pang armadong lalaki ang dalawang madre. Ngunit ayaw nilang gumawa ng kahit na anong ingay dahil buhay ng mga batang natutulog ang nakasalalay rito.

"See this?" hawak niya ay isang granada. "Isang maling galaw at sasabog ang buong lugar na to. Now, if you want to tell this to others, remember this grenade. It will kill you all."

Tsaka tumayo ang lalaki at umalis. Sumunod naman ang mga armadong lalaki. At nang tuluyang mawala ang mga ito sa paningin nila ay doon lamang sila nakahinga ng maluwag.

"Isumbong na natin siya kay Ford! O kahit kina Dragon! Soli... Hindi na ligtas ang buhay ng mga bata rito." naiiyak na sinabi ni sister Mercy.

Hindi pa rin mapakali si sister Mary. Hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari kanina. "Kilala niya si Dragon! Pati sina Ford. Baka anong mangyari sa kanila pag ginawa natin yon."

"Pero buhay ng mga bata ang nakataya Mary. Hindi dapat na madamay ang mga bata." sabi ni sister Soli.

Paano na to?

One Night LoveWhere stories live. Discover now