Kabanata 23

671 11 0
                                    

"Don't tell me, ayaw mona sa kaniya?"



Iyon ang unang lumabas sa bibig ni fleya pagkatapos ng laro. Hindi ko aakalaing may mas mahirap pang tanong kesa "why do you conduct this research?" Hays.



Inayos ko ang mga kalat sa sahig dahil narin sa foams and cutted papers dito. Kahit naman siguro ano pang palusot ko sa babaeng ito, she still find a way to get an answer to it.



Kahit ako, ilang ulit ko ring binalik-balik sa isipan ko kung hanggang ngayon ay gusto ko parin ba si Aldren - o nanatiling isang paghanga nalang ba. I don't know. Basta ang alam ko, mas malalim ang atraksyon ko kay Lux kesa sa kaniya. In that way I can say that I don't really like Aldren. He's just maybe, sweetier now than before.



"Stop that Fleya. I respect Aldren, okay?" Pinasadahan ko sya ng tingin. Alam ko sa kanyang mga mata na iyon ay may halong kasiguruduhan. Well, good to know. Ayokong isipin niya na nagsisinungaling ako. I just really like Lux, Aldren was just a past.



"Respect or not, I know hindi na siya Stef. Kilala kita, for many months I'd with you, you are obvious for your feelings. At noon paman, alam kong malalim ang gusto mo kay Lux. Sabagay, he's hot like a hell Stef." Agad ko siyang tinapik dahil doon. Well, tama naman. Lux with his thick eyebrows, perfect curved lips, seductive features, pointed nose and an angel eyes, he's like an angel living in hell.





Pagkatapos nang laro, twenty-minutes had passed ay sa wakas nakabalik narin ako sa room. Masyadong maraming tao kanina kaya nahirapan akong makabalik. Isabay pa ang nagtutulakang mga kababaihan para daluhan ang mga ini-idolo nilang basketball players. Including Aldren.



"Wala kabang lakad ngayon, Stef? Baka naman pwede ka munang mag-jam sa'min! Libre ko!" Doon ko pa napagtanto ang presensya ni Donald. Katabi nya ay si Aldren, nakatitig sakin. Parang pagod na pagod.



Umiling ako tsaka ngumiti. "Hindi na Don, uuwi na ako agad. Susunduin ko pa ang kapatid ko, bawi nalang ako next time." I tried to deliver those words with an ease. Ayokong mahalata niya-nilang hindi ko talaga tipo ang kanilang grupo. They are all boys. What do you expect me to decide?



Nilingon ko si Aldren habang nagsasalita si Donald na hindi ko naman makuha-kuha. Naka-awang ang labi nya na tila may sasabihin pa, ngunit hindi natuloy dahil hinablot agad siya ni Donald at iba pang kasamahan nila. I was wondering why Aldren still have an eyes for me. Is he liking me?






Nagpatuloy nalang ako sa pagligpit ng gamit. Kumuha pa ako ng isang pirasong papel upang mabura ang chalk na nagmarka sa palda ko. Nagpagpag ako tsaka isinukbit ang bag sa balikat. Pagkatapos ay umalis na doon. Hindi ko alam kung nasaan na si Fleya, she's so out-going. Palaging gumagala. Tsk.



Siguro bukas, sasabihin ko na kay Aldren ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya -na wala na ang dati kong pagkahanga sa kaniya. I want to tell him that I don't like him anymore. Sa isip ko, hindi naman kailangan kasi alam kong wala siyang pake doon, pero may parte sa'kin na nagtutulak para ipagpatuloy. I was really confused these past few weeks. I cannot control my thoughts now realizing that I am not liking him at all.





"Ateeee!" Without sensing Francis' yell, bigla niya akong niyakap. Halos matumba pa ako sa ginawa niya. Hetong bata talagang ito....


"Ate, may ribbon ulit ako galing kay ma'am!" nagtatalon siya sa tuwa. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko. He's so talented and firm. How I love my baby Frans.


"Talaga?! Wow! Ang galing! Mana ka talaga sa akin baby!" Agad akong humalakhak dahil sa sinabi ko. I am not sporty that's why hahaha...


"Opo ate! At alam niyo po ba, si kuya Aldren po nagturo sa'kin tumalon ng mataas! Grabe, ang galing niya ate! Nag-improve ako!" Tila nabingi ako sa sinabi niyang pangalan. Si aldren? Tinuturuan ang kapatid ko?


"Wait baby frans, sigurado kaba na si kuya aldren mo ang nagturo sa'yo? Busy iyon ah, bakit ka naman niya matuturuan?" Hindi ako makapaniwala.


Ngumiti ang kapatid ko tapos humalakhak. "Ate naman, nagseselos ka ano? Kasi si kuya aldren may oras sakin tapos sa inyo wala ano?" Hinihindot-hindot niya pa ang tagiliran ko trying to make me laugh.


"Hoy ikaw talagang bata ka, saan naman 'yan nanggaling ha? Aber?" pinanliitan ko siya ng mata. Sigurado ba siya sa sinasabi niya?


"Yun lang kasi ang napapansin ko ate eh!" Aniya sabay tawa. Ngunit ako ay nanatili sa aking seryosong expresyon. This is bad. Francis thought I have still a feelings for Aldren. Nonono!



"Hays nakung bata ka, tara na nga! Alam kong hinahanap na tayo ni mama! Halika at ipagluluto kita ng tinola hehe." Iyon ang alam kong magiging palusot para sa ganoon ay hindi na siya magtaka pa.


Pagbalik sa bahay ay naroon si mama at naghahanda ng makakain. Nagtaka agad ako. Wait, akala ko ba ako magluluto ngayon? Si mama talaga.



Hindi na kami nagsabay ni Lux sa paguwi dahil may pupuntahan daw siya'ng importante. Iniisip ko baka tungkol sa pamilya kaya hinayaan ko nalang. Gusto ko sanang imbitahan siya sa bahay para matikman niya ulit yung tinola kaso nagluto na si mama at may lakad siya.






I hugged mom afterwards. Naglaro naman si frans sa likod ng bahay. Iyong laruan na ibinigay ni Lux noong isang hapon. Bumalik ako sa kwarto ko tsaka inimuwestra ang bag. Kita ko doon ang nagkalat na gamit ko kaya niligpit ko tsaka itinapon ang basura sa bakuran na nasa labas. Aalis na sana ako nang makita ko si Franchette, may kausap sa phone niya. I guess she will be there. May tumawag lang ata.



"Tiff!" Aligagad niyang sigaw. Pinanliitan ko siya ng tingin. Ano naman kabaliwan ang gusto nito?


Lumabas ang buntong-hininga niya nang makaharap ako. Ngumiwi nalang ako. Anong nangyare dito? "Oh? Anong problema?" Ani ko.



"Nakalimutan kong sabihin sa'yo Tiff, bukas ay hindi ako makakapasok kasi nagkasakit yung kapatid ko, si Lance. Walang magbabantay kasi highblood si mama. Pakisabi kay Mrs. Diaz ha?" Aniya. Agad akong nalungkot dahil doon. Kawawa naman si tita Suling, Chette's mother. Nagkasakit na nga siya, pati din ang anak niya.




Tumango ako tsaka ngumiti sa kaniya. "No worry Chette. Maasahan mo'ko diyan. Ipagdadasal ko ang good health ni Lance." Suminghap muna ako. Nakakalungkot talaga. Ang bait pa naman nang batang iyon.




"Salamat!" ngumiti ako tsaka kumaway sakaniya.




Bukas na bukas. Gustong-gusto ko ng sabihin kay Aldren ang nararamdaman ko. My fading feelings.











Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon