Kabanata 24

618 14 1
                                    



Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kay Lux. Nandito ako ngayon sa cafeteria at kumakain. Hinihintay ko pa si Fleya kasi. Wala si Chette kasi nando'n sa ospital.






Lux:

Hey, Goodmorning! Where are you? I miss you :(




Napangiti ako sa nabasa ko. Aminin ko man o hindi, I missed him too. Sayang at wala sya kahapon.




Ako:

I'm at cafeteria Lux. Ikaw? Asa'n ka?




Iyon lang ang nireply ko tsaka binalik ang atensyon sa kinakain. Nang maubos ay tumayo na ako. Bakit kaya wala pa si Fleya?





Nagkibit-balikat nalang ako tsaka nagtungo sa library. Ang natitirang oras ko ay ibabaling ko sa pagbabasa ng libro. May research pa kaming gagawin ng mga groupmates ko at ayokong magmukhang walang ambag sa'min.




Rinig ko ang mga tawanan sa kabilang table. Nang dumungaw ako ay nakita ko ang grupo nila Lester, yung top 1 sa section namin. Napawi ang ngiti niya nang matanaw ako. Umirap lang din ako. Anong akala niya, kina-guwapo niya ang pagngiwi niya sakin?




Bumaling ulit ako sa libro na binabasa ko tsaka nagconcentrate nalang. Ilang minuto pa ay narinig ko ang marahang lakad sa harapan ko. And when I looked at it, namataan ko ang pagmumukha niya. Eh?





"Aren't you joining with us?" Bungad niya. Nilingon ko siya tsaka binalik ang atensyon sa libro.




"Hindi na, tsaka library ito Lester, hindi cafeteria. Dapat walang nag-iingay-"




Humalakhak siya. Napalingon ulit ako sa kanya. "Wala naman ang librarian ah, you are too serious with your studies tiffany. Baka malampasan mo'ko niyan." Gano'n nalang ang gulat ko sa sinabi niya. Lampasan? You cannot find that on my vocabulary. Dah!




"Wala akong interest na lampasan ka, Lest. Ang akin lang, this is library. Silence must observe. Sa tingin niyo hindi naiirita ang ibang mga estudyante diyan sa ibang tables? Aren't you hear yourselves, huh?" This time ay tumayo na ako. Kita ko ang pag-aalab sa mga mata ni Lester. Well, bahala siya.







Tiningnan niya ang nasa paligid at pinagtitinginan kami. Kinuyom niya ang kanyang kamao tsaka humarap ulit sakin. Nagpakawala siya ng buntong-hininga pagkatapos ay tinalikuran ako at bumalik na sa grupo niya. I heard him scream of disbelief. Tinawanan siya ng mga kalalakihan sa kanila.




Agad kong binalik ang libro sa dating kinalalagyan at nagpasyang umalis na doon. I can't believe he has that attitude again. Dati ganyan din siya sa ibang kaklase namin, tila natatakot malamangan.





Pagkalabas nang pagkalabas ko ay may biglang nagtakip ng mata ko. Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong matalisod. Hinahanap-hanap ko kung sino mang hinayupak na'to ang nagtakip. Nang mahawakan ko ang braso niya ay bigla akong natigilan. That familiar blazing arms. That hot arms. Shit.





Nang makawala ay tumambad sakin si Lux. Wearing his neat uniform while forcing himself not to laugh. Tsk!





"Bakit mo ginawa 'yon! Argh! Muntik nakong mahimatay hinayupak ka!" Pinagbabato ko siya ng hampas. Todo tawa lang siya na parang nasisiyahan sa nakikita niya.





"You're so cute with that face. Pwedeng maulit?" Aligaga niya tsaka tumawa ulit. Tinalikuran kona siya tsaka nagsimulang maglakad. May last subject pa'kong pupuntahan.





Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon