Kabanata 10

1.6K 19 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





"Let's go Tiffany. Libre ko na." Nilingon ko si Lux habang nag-aayos ng gamit niya sa bag. Tinitigan ko ang kaniyang braso. Mababakas ang mga ugat dito. Mas nakakadagdag sa kagwapuhan niya.

"Ah sorry. May iba akong kasama. Sa susunod nalang." Refused ko. Hindi pa pwedeng magkasama kami ngayon lalo pa't baguhan siya. Although marami ding mga baguhan dito sa amin pero iba kasi kapag ikaw yung attention seeker. Kumbaga, iba kapag si Lux ang nakasama mo.

"Sasabay nalang ako sa inyo." Dalian niyang tugon. Ang hirap pabagsakin ng gagong 'to. Kung siya nalang kaya mag-isa? Kaya naman niya siguro 'yon.

"Hindi pwede Lux. Matalik ko yung kaibigan. Maiisturbo ang pagkain namin." Dahilan ko nalang. That's true naman.

Isinukbit niya ang kaniyang bag sa likod niya. "Kakain lang naman ako, paanong maiisturbo kita?" Aniya. Kung magsundalo kana lang kaya Lux? Dami mong satsat eh.

"Hindi nga pwede-"

"Uy hi boy! Sino nga ulit siya Tiffany?" Nilingon ko si Fleya.

"Lux. Lux Gefferson." Sagot ko. Nakipagshake hands si Fleya kay Lux. Todo ngiti naman itong gagong 'to. Akala niya mabibiktima niya si Fleya? Hell no.

"So ano? Sabay kana samin Lux? Marami kami. Mag i-enjoy ka. Ano?" Anyaya niya. Tinitigan ko si Lux. Tinitigan niya rin ako. Ewan, hindi ko feel yung sarili ko ngayon. Hindi naman sa pinagdadamot ko itong si Lux, pero alam mo yung feeling na gusto mo siyang kasama at thesame time hindi?

"Ah, sige." Sagot nito.

"Pwede ba Tiffany? Please?" Panunuyo ni Fleya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Of course! Go ahead." Ani ko. Bahala na nga.

"Let's go Lux!" Maligayang tugon ni Fleya. Nang naglakad ako palayo, may humawak sa kamay ko dahilan para mapahinto ako. Nilingon ko siya. Tinaasan ng kilay.

"What? Sige na. Punta kana do'n." Suhestyon ko. Kung sa amin siya panigurado hindi makakakain iyong si Chette.

"Ayoko." Diretso niyang sambit. Hindi ko alam. Parang may parte sa akin na naaawa ako sa kaniya. Ayoko siyang pilitin na sumama pero ayoko ring masira ang image ko sa iba lalo na kay Fleya kung ipagdadamot ko si Lux. At tsaka, wala namang kami diba? Kaya wala akong karapatan na angkinin siya.

"You have too. Makisama ka sa kanila. Have fun. Babawi ako sayo. Kakain tayo sa susunod. Okay?" Parang lumalambing ang boses ko ngayon. At dahil yun sa kaniya.

"Promise?" He asked. Gagong 'to, parang bata lang eh.

"Promises are inconsistent. Wag kang magpaniwala diyan. Sige alis nako tinatawag kana nila." Ni-ngitian ko na lang siya bago ako naglakad paalis.

Just His String ✓Where stories live. Discover now