Kabanata 4

2.7K 33 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






Maagang natapos ang klase ngayon dahil may meeting padaw yung mga co-teachers dito. Mabuti narin 'yon dahil ginugutom na ako. Marahan kong kinuha ang aking bag at walang paliguyligoy na umalis.

Sinalubong ako nang sandamakmak na mga estudyante. Urgh, that's why I hate this school. Sobrang wild ng mga estudyante. Pero okay narin dahil dito lang ako nakakatanggap ng scholarship. Other school don't, lalo pa't alam nilang marami kaming medyo may katalinuhan, lugi sila.

Napabuntong-hininga ako tsaka lumusong sa nakakabinging ingay sa loob ng canteen. Wala akong gaanong budget para dito sa kakainin ko pero gutom na talaga ako.

Umorder ako ng spaghetti and mini cake kasya para sa 50 pesos ko. Agad ko itong inikbat nang walang kaawa-awa. Haha, isa narin yata ako sa mga estudyante dito. Lol.

Nang huling subo ko na, agad may rumahas dito dahilan para mahulog sa sahig ang cake. Sasakmalin ko na sana ang kung sino ang gumawa nito nang makilala ko kung sino ito.

"A-aaldren?" utal kong ani.

Shit. Sa sobrang lapit niya konting dakmal nalang at hahalikan na niya ako!

"hi." sambit ni Aldren. shit! what should I do na?

"h-hello." umayos ka self ha! Maghunos-dili ka!

"Pwedeng umupo?" he asked. Heto yung mali sa mga Pinoy eh, kahit nakaupo na nga sila eh pinipilit pang itanong. Hayop.

"s-sure why not." dalian ngunit nauutal ko paring ani.

Binalewala ko yung nahulog na cake kasi alam kong may dahilan kung bakit yun nangyari. Haha, lol.

"mag-isa kalang?" tanong niya ulit. Gwapo ka sana aldren eh, tanga lang. Kita mong mag-isa lang ako diba? Isa kapa eh.

"uhm...diba obvious?" pabalik kong tanong with sarcasm para dama niya.

He chuckled. Shit, ang sexy nang pagtawa niya!

"Himala kasi ikaw lang eh. Asan ba si Franchette? Bakit hindi kayo magkasabay?" sabay-sabay niyang tanong. Hinay-hinay lang kuya, mahina kalaban.

"ah..eh, may tinapos pa siyang report eh. Baka hindi na siya makabalik mamaya sa klase dahil mahihirapan siyang tapusin ito. Bukas pa kasi reporting." paliwanag ko.

Ngumiti siya. "Sa Science ba'yan?"

"oo, stars yung topic-"

Narinig kong may humampas sa mesa. "Tumpak! Pareho kami ng topic!" Sigaw niya.

Kinabahan agad ako sa ginawa niya dahil baka makadisturbo kami sa ibang kumakain. Buti nalang nasa canteen kami at maingay din naman sila eh.

"So kelan reporting mo?" I asked.

"yun nga lang, sa susunod pa. Pero baka pwede kong matulungan 'yang kaibigan mo?"

"w-wag na. Matalino 'yon eh, easy lang sa kaniya 'yon." pagdadahilan ko. Hindi pwedeng tulungan niya si Franchette, baka sila magkainlovan. Baka mamatay ako.

Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon