Kabanata 31

521 13 5
                                    










"Oh, anak? Bakit namamaga 'yang mata mo?"




Iyon ang unang tanong ni mama pagkauwi ko. Agad akong nagtungo sa kwarto at hindi pinansin ang boses ni mama. Gusto kong maubos ang luha ko. Gusto kong mapawi ang sakit at dismaya sa puso ko. Ayokong iwan si Lux, kasi sa totoo lang, mahal na mahal ko siya.





Pakiramdam ko ay mas doble ang sakit kapag makita ko siyang nasa piling ni Kleya. I want him. Very exact him. Hindi ko kayang magkagusto sa iba dahil gusto ko ay siya! Is it wrong to love and give it to someone who deserves it? But damn, I don't deserve Lux anymore! Kasi, sa umpisa palang, it was Kleya who loves him first. Hindi ako.






Naramdaman kong gumalaw ang kumot na hinihigaan ko. Alam ko kung sino iyon.





"Sige lang anak, makakatulong ang pag-iyak para maibsan ang sakit. Normal lang iyan." Ang mga kataga ni mama ang nagpapanumbalik sa luha ko. Damn!





Ramdam kong tumabi si mama sakin. Hindi ako nag-alinlangan na bumangon at harapin siya. Tiningnan ako ni mama na tila isang batang sanggol na humihingi ng saklolo sa ina. Through her eyes, I know how much my mon loves me and Francis. Noong bata palang ako, mom was there to understand me. Ina-alalayan ako sa tuwing nadadapa. And now, I'm here in front her to get my tears and give me a warm hug.




"Sabihin mo sakin, si Lux ba'yan?" Ang mata ni mama ay nanatili sakin. Binabasa ang ekspresyon ko.




Imbes na sumagot ay umiyak ako lalo. Agad akong siniil nang yakap ni mama at pinapahid ang takas kong luha. Just, damn! Damn feelings!





"Sshh, it's okay, anak. Walang masama sa pag-iyak. Ang masama ay iyong nagpapanggap na masaya kahit hindi." Iniharap niya ako sa kaniya. "Proud na proud ako sa'yo, okay? Bukod sa matalino at masipag ka, mapagmahal kang anak at kapatid! Sapat na iyon para masabi kong, napakaswerte ni Lux sa iyo." Hindi ko mapigilan ang ngiti saking labi. Pinunasan ko ang takas na luha at maayos na humarap kay mama.





"Hindi ko po alam ma. Natatakot po akong sumugal ulit. Natatakot po ako na baka isang araw, iwan ako ni Lux. Baka ipagpalit niya ako sa iba, baka hindi niya ako ipaglaban katulad ng paglaban ko sa kaniya." Nanghihina man dahil sa walang humpay na pag-iyak, I did my very best to say those words na kanina pa nakatago sa kalooban ko.




Hinawakan ni mama ang pala-pulsuhan ko at hinaplos ito. "Anak, ang pag-ibig ay hindi basta-basta. Maraming pagsubok, maraming susuongin. Ngunit kapag alam mo sa sarili mo na gusto mo ang ginagawa mo, nababalewala ang sakit. Kasi, ang pumapaibabaw ay ang pagmamahal at kagalakan." Ngumiti nang kay lawak sakin si mama. Her smile really gives me a good conviction.






"Pero ma, paano kung sa pagsabak ko, may masaktan? Paano kapag sa pagpilit kong lumaban ay makasakit ako ng iba? Is it still worth it to fight for?" Sa wakas ay walang pagdadalawang-isip itong lumabas sa bibig ko.





Umiling si mama. "Hindi pananakit ang tawag sa pagsulong ng pagmamahal anak. Lagi mong tatandaan na lahat ng tao ay nakakalikha ng kasamaan at ang kasamaan na iyon ang magbubuklod sa reyalisasyon ng bawat isa. Kung mahal mo talaga si Lux, hindi ka magdadalawang-isip na mahalin siya at ipaglaban ang namamagitan sa inyo. Kung may masaktan, ehdi bangon! Ganyan ang siklo ng buhay anak, kapag nadapa, bumangon ka at laban ulit. Hindi pwedeng sa isang agos ay matatangay kana bigla."






Napangiti ako sa haba ng sinabi ni mama. Lahat ng iyon nakatatak sa isipan ko. Lahat ng iyon ay gusto kong mangyari sakin.





Just His String ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum