Kabanata 27

553 10 1
                                    






Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay sa labas. Nag-ayos muna ako nang sarili bago ako tumungo doon. Nang makabalas ay nakita ko si Francis na naglalaro kasama ang paborito niyang aso. Hinanap ko saking mga mata si mama, and there she is. Busy preparing for our foods. Lately, nagiging productive na si mama. Noon kasi ako pa gumagawa ng mga niyan, not until now.


Naglakad ako patungo kay mama at tinulungan siya sa pag-aayos ng kubyertos at paglagay sa rice cooker. Ako narin ang nagsalin ng ulam sa bowl at sinerve ito sa lamesa. Agad naman tumakbo si francis doon at kumuha agad ng kubyertos. Napatawa nalang ako sa kakulitan niya.



"Bilisan niyo na ang kain anak at may pasok pa kayo. Hindi ba tutungo dito si Lux anak?" Napadako ako kay mama nang sabihin niya 'yon.


Umiling nalang ako. "Hindi na po ma, busy din po kasi 'yon dahil uuwi po mamayang hapon ang magulang niya." Tumikhim ako tsaka tipid na ngumiti kay mama. Talking about Lux to her is really opposite of fascinating. Nahihiya ako. Alam kong alam ni mama na may namamagitan sa'min ni Lux, ngunit kahit gano'n ay hindi ko maiwasang matakot isawalat sa kaniya.


Nagsimula na kaming kumain. Maagang naubos kay Francis kaya nauna siyang naligo. Nakakalahati palang ako sakin nang magsalita si mama.


"Hindi kaba pupunta sa kanila?" may halong concern sa tono ni mama.

Huminto ako sa pagnguya. "Dadalo po ako ma, mamayang gabi po." Huminga ako ng malalim. "Kasama ko po si Chette at si Lux papunta sa kanila." Ani ko tsaka ngumiti. Kita ko ang kagalakan sa mga mata ni mama. What the?


"Mabuti naman kung gano'n, anak. Atleast alam kong nasa mabuti kang mga kamay." She stopped tsaka hinawakan ang kamay ko. "Hindi ako pupunta mamaya dahil para 'yon sa inyo. Ngunit alam kona ang plano ni Lux bago mo pa nalaman anak." Banayad na tumawa si mama. I got confused now.


Napawi ang ngiti ko. "Wait, alam niyo na po ma, na uuwi ang mga magulang ni Lux sa Pinas? Pa'no nyo po nalaman 'yon?" Hindi matakas saking tono ang kalituhan.

"Lumipas na ang dalawang linggo anak, sinabi ni Lux sakin 'yon. Sabi niya isekreto ko raw sayo at baka hindi ka tumuloy. Kaya ginawa ko. At pati ang relasyon nyo, alam kona rin, matagal na. Sa pagkakatanda ko, noong unang pasok palang ni Lux dito alam kona may kakaiba sa inyo." Tinawanan ako ni mama. Nanatili paring blangko ang utak ko. "Hindi gawain ng normal na babae ang pagpapasok ng lalaki sa kanilang bahay kung walang namamagitan sa kanila, anak. At sa sitwasyon nyo, tanggap ko kayo. Hindi dahil gwapo si Lux tapos mayaman, kung hindi dahil 'yon ang tinitibok nito anak." Agarang tinuro ni mama ang dibdib ko, pointing about my heart.



Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa puntong ito. Maging masaya kasi tanggap kami nang buo ni mama, maging iritado dahil hindi ito pinaalam sakin ni Lux, o mang-hinayang sa panahong sinekreto namin ni Lux ang relasyon namin kay mama. Magkahalo talaga ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit pumaibabaw ang saya at kaginhawaan saking kalooban.



Ngumiti ako nang malawak kay mama. "Sorry, ma. Huwag ho kayong mag-alala, hindi ko po kayo bibiguin. Magsisipag ako sa pag-aaral, gagawin kong motibasyon si Lux sa buhay ko, at lalo na po kayo, ma. Kayo ni Francis. I love you, ma." Agad akong tumayo at siniil ng yakap si mama.


"Mahal din kita, anak." Simpleng salita lang 'yon pero parang nabahag ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang sa pamilya ko lang mararamdaman ito. And I am so glad.



Kumalas ako sa pagkakayakap. "Oh siya sige na anak, malelate kapa. Didiretso kapa sa kasintahan mo mamaya." Biro ni mama. Tumawa lang ako tsaka niligpit na ang pinagkainan.
























Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon