Kabanata 5

2.5K 33 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








Hindi na ako nag-abala pang umuwi at magbihis sa bahay. Hinatid ko lang si francis sa parahanan. Sinigurado kong safe siya bago ko iwan.

Pumunta muna ako sa pinakamalapit na store para makabili ng Snowbear. Malayo-layo kasi medyo yung lugar nila Lux kaya may posibilidad talaga na mahilo ako at ang mas malala, sumuka pa.

"limang snowbear nga po ate." ani ko.

"heto." nang binigay niya, agad ko itong kinuha. Walang paliguy-ligoy akong nagbayad tsaka umalis.

Naghintay ako nang mapayapa para mas madaling makahanap. The more kasing malikot ka, the more kang hindi makakakuha ng sasakyan. Parang sa relasyon lang, the more na malandi ka, the more walang magtitiwala sayo.

Nang magdadalawang minuto ay agad may tricycle na huminto sa harapan ko.

"Villegas Village-"

"Sakay na po madam." aniya.

"Pa'no niyo po nalaman manong?" nagtataka kung tanong. Hindi naman ako magdududa, I know people on this society. They are scared of the consequences.

"Tara na. Baka malate kapa." sambit niya ulit.

"What manong?" tanong ko ulit.

"sabi ko, baka malate ka sa kung saan man 'yang pupuntahan mo." bawi niya. 'Yon ba yun?

Hindi nalang ulit ako nagtanong sa halip ay sumakay nalang ako. Todo ngiti itong si manong nang makasakay ako. Ewan, I don't find threatening there. His smile is genuine.

Ilang minuto ang lumipas ay malaya parin kaming nagmamaneho. Nakapagpa-alam ako kaninang umaga kay mama, sabi ko medyo matagal-tagal ako makakauwi dahil may trabaho akong papasukan. Hindi na siya nagtanong pa, I don't know if she's doubting or just letting me so I could provide our necessity.

Hindi muna ako makakapasok mamaya sa bar dahil nga unang pasok ko sa bahay nila Lux and I'm pretty sure, marami pa'kong kakabisaduhin. Itetake note ko nalang kaya? Noted.

Tinanaw ko ang labasan. Para itong isang napakalawak na subdivision dahil sa laki at lawak nito. Parang mahihiya ata kaming mga hindi mayayamang tumapak dito. This is so elegant for sure. But somehow, I didn't see this as its equilibrium outside. Don't judge a book by its cover, baby.

Nang makalapit-lapit na kami sa isang hindi gaano kalaking bahay, doon huminto ang sasakyan. Namangha ako sa mga palamuti nito at disenyo ng pagkakagawa, pero hindi ito gaano kalaki. Parang times two ang laki nito sa bahay namin.

"dito na po ba kuya?"

"oo hija." ngumiti siya.

"ah sige, heto po bayad kuya." ani ko tsaka iniabot ang pera. Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa. Ngumisi lang ako.

Just His String ✓Where stories live. Discover now