Kabanata 33

566 17 1
                                    

"Is she okay, doc?"



"Iyong bata po? Okay lang po ba?"



"She might have some difficulties in terms of breathing and control to her temp, but still, she's okay. The baby is also safe."





Rinig ko ang mga ingay sa tenga ko. Ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung bakit parang gusto kong magsisigaw at magalit. Dumilat ako. Agad kong namataan si Mrs Domicilla na may hawak na bag, si Mr Felicito na nakaupo sa couch, at si Lux na iritado ang pagmumukha at tila may malalim na iniisip.

"S-she's awake. Goodness!" Aligaga ni Mrs Domicilla nang matanaw ako.

"Shit! Huwag mo piliting umupo!" Tugon ni Lux nang akma akong uupo. Ginabayan niya ang balikat ko tsaka ibinalik sa pagkakahiga.

"A-anong nangyare?" Una kong nabanggit. "S-s-si kleya? Where is s-she?"

Hinawakan ni Lux ang kamay ko at banayad itong hinahaplos.

Nakaupo rin sa tabi ko si Mrs Domicilla at nakatuon ang atensyon sakin. Ang kaniyang mga mata ay puno ng saya at kagalakan.


"Wala kanang dapat ipangamba pa, hija. She's gone. Nasa states na siya, kahapon lang. You are two days here, akala namin napano kana at ang bata." Ekplenasyon niya.



Sa gulat ko ay napatingin ako kay Lux. He's always have that good-looking face. Gulo ang buhok niya. Naka-awang ang labi at tila maraming gustong sabihin.


"Bakit hindi mo sinabi sakin na lage kapa lang dinadalaw ni kleya, tiffany? Y-you scared me a lot. Damn!" Pagmamaktol niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hinawakan ang kamay niya.



"Last monday nagtungo siya sa labas ng school, galit na galit. Pinagbintangan niya akong mang-aagaw. I-i didn't meant to hurt her feelings, Lux!" Hindi ko mapigilang bumuhos ang luha ko. Damn!




Tumikhim si Mrs Domicilla. "But still, you must call us, hija. Tulad ngayon, you were pregnant. Buti nalang at nasa mabuting kalagayan ang batang nasa sinapupunan mo." Banayad na tugon niya. I bit my lower lip again. Hindi ko aakalaing mabubuntis ako.



Naglalaro ang kamay ni Lux saking buhok. Pinapagaan ang aking pakiramdam.

"Mom is right. Dapat humingi ka ng saklolo sakin, kay Chette, or sa mga tao sa paligid ninyo. You don't know how much I want to kill kleya, tiffany. Lalo na noong nalaman kong buntis ka. At ako ang ama ng nasa sinapupunan mo." Hinalikan niya ako sa labi at bumalik sa pagkaka-upo.


"Sabi ng doctor, you were one month pregnant. Noon paman, hindi kaba nakakaramdam ng mga senyales, hija?" Napabaling ako kay Mr Felicito.



Inaalala ko ang mga araw na nagdaan. Damn! "I remembered how much I got irritated these past days. Madali akong makatulog. Laging masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam na 'yon pala ang senyales ng pagbubuntis. Hindi kasi ako nasusuka." Iyon ang sabi ko. Lahat ng iyon ay totoo.



Tumikhim si Mrs Domicilla at tumayo. "Next next week pa kami uuwi, madedelay ang flight dahil aasikasuhin namin ni Felicito ang kalagayan ng bata. If he's a girl or not. Wala pa akong anak na babae kaya sana babae na'yan, Lux!" Maligayang tugon niya. Natawa ako panandalian sa inasal ni Mrs Domicilla. Napakamot lang ang kasintahan ko.



Hindi ko alam ang i-rereact ko. Natatakot akong manganak. Natatakot ako sa commitments. At lalong natatakot ako maging ina. Hindi pa yata ako handa. Nag-aalaga ako kay baby francis pero matanda na'yon. This time is different.



Just His String ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon