Chapter 30 | Spirit

Start from the beginning
                                    

Bago pa man niya maikumpas ang kaniyang kamay at makontrol ako ay mabilis kong inangat ang aking kanang kamay saka sinubukan kontrolin ang dagat na nasa likod ko. Nakaramdam ako ng bigat dahil siguro sa enerhiyang nabawasan sa akin kasi kinontrol ko ang kalahati ng dagat.

Nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang mata habang nakatingin sa likod ko, napatigil rin siya sa kaniyang gagawin. Mabilis kong itinapat ang aking palad kay Tina kaya naman mabilis na nagtungo sa kaniya ang tubig na kinontrol ko, unti-unti siya nitong pinalibutan dahilan para hindi siya makatakas, hanggang sa tuluyan ng naging malaking bola ang tubig na 'yon at nakakulong siya sa loob nito. She tried to swim out but the water is sucking her to the middle causing her to struggle inside of it.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pinakawalan ang tubig kasi hindi ko na rin nararamdaman ang tibok ng kaniyang puso. Nagkalat ang tubig sa lugar ngunit mabilis naman 'yong natuyo. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinuri ang kaniyang kalagayan. Bahagyang nakabukas ang kaniyang mga mata at bibig, basang-basa rin ang kaniyang katawan, at may lumalabas pang tubig mula sa kaniyang bibig. Hindi naman siguro masamang pumatay ng Phantom, diba? I mean, I just drowned her using my magic.

Dumako ang aking tingin sa bracelet na suot niya at napansing hindi na umiilaw ang kulay pulang diamante sa gitna nito, unti-unti na ring nagiging abo ang katawan ni Tina dahilan para mapaatras ako sa takot. Naramdaman kong namamasa ang aking pisnge kaya mabilis ko iyong pinahid gamit ang aking kamay...

Why am I crying?

Tinuyo ko ang luhang nasa pisnge ko bago ako tumalikod at nagsimula nang maglakad papasok sa gubat. Nararamdaman ko ang mga mahika nila na nasa iisang direksyon lang, sigurado akong magkakasama na silang lahat at ako na lang ang kulang.

Halos tumakbo ako dahil sa pagmamadali, lumiko ako saka natagpuan ang aking sarili na nasa harapan ng isang malaking gate na gawa sa kahoy. Nakabukas 'yon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at luminga sa paligid, may nakikita akong mga bahay na gawa sa kahoy, may mga torches rin sa paligid na nagsisilbing ilaw, napakalinis rin ng kapaligiran at mukhang may tao talagang nakatira rito. Siguro ito ang tinutukoy ni Sky na village dito sa isla, ngunit nasaan ang mga tao?

The place is quite, madilim rin lahat ng kabahayan dito maliban sa isa. Nararamdaman ko ang mga mahika nila sa isang bahay kaya doon ako nagtungo. A loud creaking sound was heard when I stepped on the wooden floor, when I am close to the door I stared at it for a minute before opening it slowly without knocking.

Nang tuluyan ng mabuksan ang pinto ay nakita ko silang lahat na bahagyang nakatingin sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at napatigil kay Sky na kasalukuyang nakahiga sa isang banig na nasa sahig. Naliligo siya sa sariling pawis at napapaungol sa sakit, habol-habol niya rin ang kaniyang hininga habang nakapikit ang mga mata.
Hindi pa ba sila humihiling?

"Rain..." Mabilis na lumapit sa akin si Winter saka hinawakan ang magkabilang balikat ko bago sinuri ang kabuuhan ko.

"A-Ah!" Iniwas ko ang aking braso nang kumirot na naman iyon dahil sa paghawak niya.

Nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mukha habang nakatitig sa braso kong nabali. "Who did this?"

"Tina," tanging sagot ko saka maingat na umupo sa isang upuan na katabi ni Musa.

Tumingin muli ako kay Sky saka nanlambot ang aking mukha nang makita ang kaniyang kalagayan, hindi ko makikipagkaila na napalapit na rin sa akin si Sky at ang iba kaya labis akong nag-aalala ngayon.

"Where is she?" Winter's voice is as cold as ice while his face is dark.

"Dead," I answered and sigh. "Is it okay to kill a Phantom?"

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now