Ako rin.

MATAPOS KUMAIN ay dumiretso kami sa accessories' store. Bibilhan daw niya ng relo ang kuya niya.

Napili niya itong water resistant na relo. Nang makapunta sa counter ay binayaran na niya ito, gamit ang isang credit card.

"Kaninong card yan?" tanong ko.

"Kay kuya. Binigay niya sa akin kanina e. Gamitin ko raw. Isa pa, may utang yun sa akin kaya naman, eto na lang yung binili ko."

Napailing na lang ako.

Matapos non ay papalabas na sana kami nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko, at nakangiti. Siya.

"I missed you so much, wife." kaagad niya akong niyakap nang makita ko siya. Gulat na gulat pa rin ako hanggang ngayon. Akala ko, matagal pa bago siya makauwi. Pero hindi. Nandito siya sa harapan ko, at niyayakap niya ako ngayon.

"Bakit ba hindi ka nagrereply? Palagi kong hinihintay ang text o tawag mo e. Pero, kahit isa, wala."

He kissed me in my forehead. "Sorry na. Nawala ko kasi yung phone ko nung nandoon ako sa Japan."

Kaya pala.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa ganoong posisyon. Hindi namin pinansin ang mga taong dumaadaan. Medyo nahawa ako ni Ford sa pagka snob sa ibang tao lalo na at hindi ko kilala.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay tiningnan niya ako, saka siya bumulong. "Mas naging sexy ka ngayon. You're getting more beautiful everyday."

Loko to! Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Inirapan ko na lang siya,dahilan ng pagtawa niya.

"Teka, pano mo nalaman na nandito kami?"

"Kami? Oh, I remember. May kasama ka. At sino naman yon?"

"Pinsan ko."

"Nagkita kayo ng pinsan mo? Well that's a great news." again, he kissed me on my forehead. Pero, nagulatna lang ako sa sunod niyang ginawa. He kneeled.

He just kneeled!

"Tumayo ka nga dyan... Baka may mga reporter--"

He hold my hand and smiled. "I dont care. I only care about you." may kinuha siya sa bulsa niya. And I just saw a diamond ring. "I already planned this when I'm in Japan."

Nagsimula siyang magsalita. At napansin kong nagsisimula na ring dumami ang mga taong nakatingin sa amin. Nandito pa rin kami sa may entrance ng accessories store. At yung mga dadaan sana para bumili, pinanood na lang kami.

"OH! MY! GOSH!" Napalingon ako at nakita ang gulat na gulat na mukha ni Milan. "Totoo nga!" pansin ko ang biglang pagtulo ng luha niya. Ewan ko kung bakit.

"Lorice," ibinalik ko ang atensiyon ko kay Ford. "I love you."

"I love you too."

"Uyy! Si fafa Ford yon! Tara tingnan natin!"

"Nagpo propose siya!"

"Yan pala yung girlfriend niya! In fairness, maganda naman talaga."

"Wow naman!"

Rinig ko ang mga sinasabi nila. At nang muli akong tumingin kay Ford, nakangiti ito kaya napangiti rin ako.

"You know very I'm doomed that time. But when I saw you there, parang may biglaang purpose yung pagpunta ko roon. Yes, we had talk a little, and you know what we did next, pero nang iniwan mo ako roon, I cant imagine myself. I was just thinking if whats your name and all of what we had."

"Yyiiieeeehhhhh....." Natawa ako sa reaksyong naririnig ko.

"Serously... That made me super super grumpy, and mean. I cant remember you. Pilit kitang inalala pero nothing changed. You know, I waited. I ask myself if when will you come back? I didnt notice na yung nag apply na P.A. ko, ikaw na pala yon."

I smiled at him.

"Pero, napakasungit ko sayo. But, everytime na may sinasabi ka o gagalawa ka, all of that was familiar. Hindi ko lang yon pansin. But even I'm so bad, kinaya mo akong pakisamahan. That's why there's a time na hinahanap ko kung nasaan na yung puso ko, I didnt notice na nahulog na pala ako sayo."

Halos hindi magkamayaw sa kasisigaw ang mga taong narito. Ako naman, ramdam ko na ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"I ask you to act as my girl. At dahil doon, na fall ako nang di ko nalalaman. I just pretend na wala akong feelings pero mahirap e. Kaya nung nakitang kausap siya, sobrang selos ang naramdaman ko. Nung nagkasagutan tayo that time, naisip ko, totohanin na lang natin. You know why? Dahil fall na fall na talaga ako sayo. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin. You managed to enter my heart without letting me know."

"Nakakakilig naman!"

"Sana all!"

"After that, I found out na yung hinahanap ko, nasa tabi ko lang pala." mas lumakas pa ang hiyawan sa paligid namin. Ako naman, hindi na mapigilan ang luha sa mga mata ko.

"Ford...."

"Kaya nung malaman kong ikaw yon, sabi ko 'hinding hindi ko na siya pakakawalan'." hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak.

"Ikaw lang yung babaeng dahilan kung bakit masaya pa rin ako hanggang ngayon. Even without money, you make me happy.  Nasa tabi kita, in times of need, sadness, and everything. Ikaw yung nagturo sa akin kung paano ko sasabihin sa Diyos ang mga hinanakit na nasa puso at isip ko. In age, were still young. Pero, I want you to be mine now that I'm young until we get old and older." pinisil pisil niya ang kamay ko. He kissed it. At dito na ako mas naiyak.

"Lorice Alli Delfin Torres, will you be my Mrs. Tan?" tanong niya.

Walang pagdadalawang isip ko siyang sinagot ng OO. And with that, hindi na matahimik ang buong paligid.

I saw him putting the ring on my finger, katabi nung isa pang singsing na binigay niya sa akin nung inalok niya ako ng kasal, nung kaming dalawa lang.

And he stand. He hugged me, and kissed me on the forehead.

"Bakit ba lagi mo akong pinapaiyak?" tanong ko sa kanya, as he wiped my tears.

"Sorry na... I just want to make sure na wala nang makakaagaw sayo. Ako lang ang lalaki sa buhay mo, ako lang."

"Oo, ikaw lang."

With that, he claimed my lips, and I gladly accepted his kisses with all my heart.

One Night LoveWhere stories live. Discover now