"Liam!" sigaw ko pero sa halip na tumigil ay nakanguso niya akong binihisan. Siya pa nga ang nagsuot ng bra ko para lang masuot sa'kin ang ka-partner ng couple shirt niya!

He looked at me with amusement while biting his lips, trying to suppress his smile.

"Cute nga..." he said hoarsely after closing the door to take a shower.

Naiwan ako doon na nakatanga habang nakatanaw sa pintuan ng CR na pinasukan niya. Ang hayop talaga na 'yon! Talagang gagawin ang lahat ng gustong gawin! Hindi marunong magpapigil. Halata mong spoiled!

Well anyway, pagkatapos niyang maligo ay agad kaming pumunta sa isang mall at doon na rin nag-agahan sa kadahilanang wala ngang stock sa fridge ko.

Pumasok kami sa isang fast-food chain at siya na rin ang nag-order habang ako ay walang ibang ginawa kundi ang maghintay at panoorin ang ibang kumakain. Natutuwa ako sa katabing table namin na may nakaupo na isang pamilya kaya hindi ko namalayang tapos na palang mag-order si Liam at ngayo'y nilalapag niya na ang tray ng order niya.

"Oh, ba't ang dami? Dalawa lang tayo, ah? May kasama ka pang iba?" takang tanong ko habang tinitignan ang pang-tatlong taong in-order niya.

"Wala, sa'yo 'yang dalawa para hindi ka nangangayayat," sagot niya na naging dahilan ng pag-ismid ko. Tataba ata ako nang husto sa hudas na 'to at masisira nanaman panigurado ang diet kuno ko kahit na minsan 5 minutes lang ako mag-workout pero 5 weeks ang pahinga.

"Eat," he commanded while devouring the food on his plate.

Ginanahan tuloy akong kumain at maya-maya lang ay 'di namamalayang naubos ko na pala ang mga pagkaing nasa harap ko. Oops. 'Di naman siguro halatang matagal na 'kong 'di nakakain dito, no?

Hindi pa ako nakakapagpahinga ay agad niya na akong niyayang umalis.

"Teka lang. Busog na busog pa 'ko, pwedeng kalma ka muna?"

Pero di ako pinakinggan ng mokong at walang sabi-sabing hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng fast food chain.

"Kung uupo ka lang du'n ay maiipon lahat ng kinain mo sa tiyan mo. Sige ka, magkakaroon ka ng baby fats at magmimistulang escalator ang bilbil mo," he chuckled, making me pout.

Pagkadating sa supermarket ay agad siyang kumuha ng cart. Tulak tulak niya 'yon habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kaliwang kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kanya at hinayaan siyang maglagay ng mga stock ng pagkain sa cart. Ni hindi niya nga tinitignan ang presyo ng mga 'yon at basta nalang kinukuha.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa itsura namin. Mukha kaming bagong kasal na namimili ng grocery para may stock sa bahay namin.

Nang mapunta na sa toiletries ay agad kong napansin na halos puno na ang cart kaya napabaling ako sa kanya.

"Ano 'yan relief goods? Panic buying? O baka naman may plano kang magtayo ng sari-sari store sa apartment ko?" nang-uuyam kong tanong pero hindi niya ako pinansin dahil busy siya sa pagtingin sa mga napkin.

Naalala ko tuloy na paparating na ang period ko kaya naman ay kumuha ako ng isang balot na ikinalukot ng mukha niya.

"You don't need that!"

"Anong hindi? Anong gusto mo reglahan ko panty ko?"

Inirapan niya lang ako at binalik sa hilera ang napkin na kinuha ko, "Aksaya lang 'yan sa pera."

"Eh 'di ako magbabayad!" saad ko naman at muling binalik ang napkin sa cart.

"Ba't ka pa bibili niyan eh hindi naman natin sure kung rereglahin ka pa ba!" sigaw niya na nakaagaw ng atensyon ng mga mamimili na kasama namin sa aisle.

Nahihiya akong napatungo lalo na nang makita ang nanghuhusgang tingin sa amin ng isang senior citizen. Bahagya pa itong napaubo sa gulat dahil sa narinig mula kay Liam. Nakakita pa ako ng isang nanay na tinakpan ang tenga ng anak at nilayo sa'min.

Sa sobrang hiya ay agad akong nagmartsa patungong counter at naramdaman ko naman ang pagsunod ng hudas habang sumisipol-sipol pa. Nang makarating na kami sa pila ay naiirita ko siyang tinignan pero kinindatan lang ako ng hinayupak habang may nakakaasar na ngiti sa labi niya.

"Miss may condom ba kayo?" tanong niya nang turn na namin para magbayad.

Nanlaki ang mata ko at ganu'n din ang babae sa counter kaya bahagya kong kinurot ang braso niya.

"M-meron, sir..." namumulang sagot ng counter.

"Ako wala," aniya na sinundan pa ng isang halakhak.

Napapikit nalang ako nang mariin sa sobrang kahihiyan na natamasa. Sa susunod, hindi na talaga ako sasama dito na mag-grocery. Nakaka-trauma!

Nang matapos nang i-baggage ang mga binili namin ay nagsimula na akong mag-martsa palabas. Hirap na hirap tuloy akong habulin ng hudas kasi dalawang box ang hawak niya sa magkabilang kamay.

"Mahal, saglit lang..." natatawa niyang saad nang makarating kami sa kotse niya.

"Bahala ka sa buhay mo."

Pumasok na ako sa passenger seat at sumimangot habang hinihintay siyang ilagay ang mga binili sa likod ng sasakyan. Nang matapos ay agad na rin naman siyang sumakay pero habang inaayos ang seatbelt ay binibigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.

"Galit ka?"

"Hindi."

"Galit ka kasi 'di kita binilhan ng napkin?" natatawa niyang tanong na naging dahilan ng pag-irap ko.

"Hayaan mo, bibili ako..." saad niya kaya napatingin ako banda sa kanya.

"Talaga?"

"Oo, after 9 months," ani niyang natatawa at pinaandar na ang sasakyan.

Demonyo ka talaga.

In Between The SheetsWhere stories live. Discover now