KABANATA 10 • BAHAGI 1

326 24 0
                                    

~~~•••~~~

ILANG bakal na kotse ang pasan - pasan ni Cian mula sa kanyang kalooban. Naglalakad siya na malalim ang pag - iisip. Sa kanyang paglalakad, napahinto ang kanyang paa sa mismong harapan sa pasilyo ng La Cruz. Pag - apak pa lang niya sa sahig  abot tanaw na niya ang bumabahang dugo ng mga babaeng nakahandusay sa sahig, maputla at wala ng malay. Mula sa kanyang kinatatayuan, rinig niya ang bakas papunta sa kanya. Di siya umimik, hindi siya nagulat na makita si Valentina na halos naligo na ang kamay sa dugo.

"Cian!" masiglang tugon ni Valentina na mabilis na pumunta sa harapan ng binata.

Sa pagtawag nito sa pangalan niya, halos napakamao si Cian sa kanyang kamay, nagsiabutan sa isat - isa ang kanyang kilay nang maalala ulit ang wangis ni Agata. Nanlumo siya nang maisip ang dalaga. Ang mga bakal na kanyang pasan - pasan sa kanyang puso ay mas lalong bumigat kasabay ng nararamdaman niyang paulit - ulit na saksak sa kaibuturan ng kanyang kalooban. Naalala pa niya ang huling hiling ni Agata ngunit sa kanyang kinatatayuan mukhang di niya maisatupad ang hiling ng yumaong dalaga.

"Galit ka ba?" tanong ni Valentina na di umalis sa harapan ng binata.

"Parang di mo naman ako kilala. Nauuhaw ako kaya 'yan--- pinatay ko sila" dagdag pa ni Valentina na nakangiti sa harapan ng binata.

"Hay! Masaya ako dahil nagawa ko ulit ito" tugon pa ng dalaga.

Mula sa narinig ni Cian halos di makakurap ang kanyang mata habang mariing nakatitig sa dalaga. Marahas na hinablot ng binata ang braso ni Valentina at itinulak ito sa pader kasabay ang nakapanlilisik na tingin. Halos nakulong si Valentina sa binata lalo na't sobrang lapit na nito sa kanya. Halos maramdaman niya ang paghinga ni Cian.

"Di mo dapat ginawa ito" seryosong tugon ni Cian.

Ngumiti lamang nang nakaloloko si Valentina habang nakikitang umuusok na sa galit ang binata. Marahan niyang inilapit ang kanyang labi sa tenga ng binata at bumulong dito. Bulong na nakaka - udyok. Bulong na puno ng temtasyon.

"Lumalambot ka" bulong nito sabay himas sa mukha at balikat ni Cian.

"Oo nga pala, hinanda ko na ang ating kasal"  dagdag pa ng dalaga.

Sa huling katagang narinig ni Cian, napatikom ang kanyang bibig. Di siya makangiti sa narinig ng dalaga.  Kasal, kasal ang siyang ipinangako niya kay Valentina. Mula noon pa man minahal na niya ito. Mula noon pa man lagi niyang sinasambit sa dalaga na papakasalan niya ito kahit na nakakatanggap siya ng mga bali - balitang sumasama sa ibat - ibang lalaki si Valentina. Nagbubulag - bulagan siya sa kanyang nakita. Nagbibingi - bingihan siya sa kanyang narinig. Maging si Agata na nagbigay kislap sa kanyang damdamin ay sinakripisyo niya para lang kay Valentina. Ngayo'y napasakamay na niya ang dalaga at pinangakuan pa niya ng kasal tila bumigat ang kanyang nararamdaman. Ang hangin na dati - rati ay umiihip sa kanluran ngayo'y umihip na papunta sa silangan.

"Bukas, bukas ang ating kasal. Sa ngayon ay may importante pa akong gagawin" direktang sagot ng binata.

"Kung gano'n magiging abala rin ako ngayon. Oh sige, paghahandaan ko na ang lahat" sambit naman ni Valentina na umalis na nakangiti palayo sa binata.

Kung gaano man kasaya si Valentina kabaliktaran naman sa nararamdaman ni Cian. Di niya mapahiwatig ang sakit na bumabalot sa kanyang damdamin. Sa bawat ngiti ng dalaga ay naaalala niya si Agata. Si Agata na patay na. Ang dalagang tunay siyang minahal.

Tanging nagawa lang niya ay ang lumayo rin kay Valentina. Marahan siyang lumakad papunta sa pamilyar na direksyon. Direksyon kung saan naalala ni Cian ang matamis na nakaraan. Direksyon kung saan tunay siyang sumaya, ang silid ni Agata.  Sa pagpasok niya sa silid ni Agata, bigla siyang umupo sa kama, napayuko at napasandal ang kanyang ulo. Sa paligid na kanyang nakita, naalala niya ang matamis na pagsasamahan ni Agata. Ang mga yakap, mga halik, mga salitang bumibitaw ng pagmamahal at kasayahan.

"Agata, Agata!" sambit niya.

Sa ikatlong pagkakataon, tumulo ang kristal niyang luha sa kanyang pisngi, naglalakad ito hanggang sa pumatak ito sa sahig. Hinanakit at kalungkotan na ngayon niya lamang naramdaman. Damdaming di niya tunay naramdaman mula kay Valentina.

"Napakatanga ko! Napakamanhid ko! Nabulag ako Agata" pagsisisi sa sarili.

Sa kanyang tinatamasang kalungkotan, humaplos sa kanya ang kamay ng kanyang ina. Napadapo ito sa balikat ni Cian. Haplos na pilit siyang pinapasaya kahit na ang hirap gawin.

"Anak alam kong pupunta ka rito" malungkot na tugon ng ina ni Cian na pilit siyang pinapatahan.

"Wala na siya! Wala na si Agata" sagot naman ni Cian.

"Wag kang mawawalan ng pag - asa anak. Nakikiusap ako sa'yo, huwag mong ituloy ang kasal" tugon ng kanyang ina.

"Nahihirapan na akong magdesisyon, gusto ko lang makasama si Agata" malungkot na sambit ni Cian.

Sa sagot na isinaad ni Cian tila nagkaroon ng tinik sa puso ng kanyang ina. Ang mirinig ang kalungkotan at hinanakit nito at ang nakitang lumuluha ang kanyang anak, naramdaman din niya ang pakiramdam nito, malungkot din siya. Sa kauna - unahang pagkakataon, ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang binata. Dati - rati, matigas ang ulo nito, malamig at kailan man di niya ito nakitang umiyak. Sa nakita niya ngayon, napadapo ang kanyang kamay sa balikat ng binata. Marahan niya itong hinimas na para bang pinapahele niya ang kanyang anak.

Ngunit biglang naputol ang panahon at oras ng kanilang pagdadamayan nang makarinig sila ng malakas na pagsabog sa labas ng bintana. Dahil sa biglang pagsabog na iyon na siyang narinig nila, napadapo nang tingin si Cian sa bintana. Sa tapat ng La Cruz, kitang - kita niya ang umuusok na ekspresyon ni Swara. Itinapat ng matanda ang kamay nito sa kaulapan. Sa isang kurap lang mabilis na pumatak ang ulang dugo sa buong kapaligiran. Dahil sa pangyayari, nataranta ang mga kababaihan mula sa La Cruz. Natakot sila dahilan upang direkta silang di lumabas sa istruktura. Rinig ni Cian ang isinambit ni Swara. Salitang nagbabadya ng gulo. Salitang di niya nagustohan. Salitang nakakainsulto sa kanyang pandinig.

"Binuhay mo siya! Ikaw! Ikaw ang dahilan ng gulong darating!" tugon ni Swara.

"Sa araw ng iyong kasal, digmaan ang magaganap. Kamatayan ang hahantong sa iyong buong nasasakupan. Sisiguradohin naming walang matitira sa'yo prinsipe Cian" tugon pa ng matanda na binalaan ang binata.

~~~•••~~~

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now