KABANATA 6 • BAHAGI 3

316 21 0
                                    

~~~•••~~~

NAKATAYO si Agata habang marahan niyang inabot ang kanyang kamay sa bintana. Malayo ang kanyang tingin kung saan abot tanaw niya ang mga nagtataasang gusali sa La Cruz maging ang mga kababaihang naglalakad. Tila ba ang kanyang paningin ay may hinahanap. Tila ba naghihintay siya. Inaabangan ang binatang mahal niya. Kakabit ng kanyang pag - abot tanaw, mariin niyang hinawakan ang kanyang dibdib habang tinatanaw ang alaala sa piling ni Cian, ang halik, ang gabi ng pagmamahalan.

"Iyon ang una kong halik. Iyon ang unang bugso ng aking katawan" tugon niya sa kanyang isipan.

"Ang halik na iyon, mainit at gus--- ah! Ano bang iniisip ko" tugon pa nito sa isipan kasabay ang pagtakip niya sa kanyang pisnging naging kamatis ang kulay.

"Dalawang Linggo na, hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Nagtago na siguro siya matapos ang lahat ng pangyayari" tugon nito na napakunot noo.

May kaunting kirot sa kanyang sinaad.  Ngangamba siya na baka iyon lang pala ang gustong makuha ng binata sa kanya. Ang kasayahan niya kanina ay biglang nawala. Hindi siya makangiti, nagdulot iyon upang tumingin siya sa sahig na para bang may iniisip ito.

"Baka hindi na siya magpapakita sa akin, huwag naman sana dahil--- dahil masasaktan ako" tugon niya sa isipan.

Napabalikwas siya sa pagkakatayo nang may narinig siyang katok mula sa kanyang pintuan. Sa pagkabukas ng kanyang pintuan napabungad sa kanya si Laura na nakangiti.

"Pinapatawag tayo ni Pinunong Iselda" tugon nito.

"Oh sige susunod ako sa'yo" sagot ni Agata matapos sinara niya ang kanyang pinto.

Sumunod siya rito papunta sa silid ni Iselda. Sa loob ng silid kung saan tuwid na nakatayo ang pinuno, pansin ni Agata ang tinging di kumukurap nito. Tingin na para bang may sinasabi ito sa kanya. Tingin na tinatanong kung siya ba ay ayos na. Tingin na may pag - aaruga at pag - aalala. Saglit lang ang tingin ni Iselda, istrikto siyang pabalik - balik nang lakad sa harapan ng mga kababaihan. Mistulan siyang naging kumander. Siya ay naging Miss Minchin. Naging malamig ang ekspresyon ngunit sa kaibuturan ng kanyang kalooban, mapagmahal siya sa kanyang mga kasamahan.

"Ngayong hapon, maaga kayong pupunta sa kastilyo ng hari. Pupunta kayo roon upang pagsilbihan ang hari at ang mga kasamahan nito dahil sa pagdiriwang" eksplinasyon ng kanilang pinuno.

"Pagdiriwang? Anong pagdiriwang ito? Baka matulad na naman ito sa pagdiriwang noon" tugon ni Agata sa isipan.

"Naroroon din ako para tingnan ang mga kilos niyo. Titingnan ko kung handa na kayo bago subokan ang huling pagsusulit mula sa akin" saad pa nito.

"Sige na! Lumabas na kayo dito" paghudyat pa niya.

Di na nag - atubili ang mga kababaihan maging si Agata. Ang kanyang presensya ay kailangan doon sa palasyo. Di dapat sila mahuli kung hindi parusa ng hari ang aabang sa kanila. Sa kabilang dako kung nasaan ang hari, naroroon din ang kanyang mga kasapi. Naroroon din ang prinsipe na nakaupo habang balimbing na pinapakinggan ang mga sinasabi nito. Maingay ang palasyo ni haring Alvah dahil sa magandang pangyayari. Magandang pangyayari dahilan upang ito ay sumaya. Gustong kumunot ni Cian pero di niya gustong makita ito ng kanyang masamang kapatid. Isa pa kailangan din niyang maging mabango sa paningin nito. Kailangan niyang paniwalain si Alvah na siya ay mapagkakatiwalaan.

"Kunting - kunti na lang kapatid. Sisiguradohin kong ito na ang huli mong kasayahan" tugon ni Cian sa sarili habang nararamdaman ang haplos ng babae sa kanyang kandungan.

Malumanay at puno ng kalandian ang paghaplos ng babae sa kanya mula sa braso maging sa pisngi. Hindi ito kumukurap sa pagtitig sa prinsipe. Ang paningin nito ay nasa binata lamang. Hindi naman makikita sa mukha ni Cian ang pagkairita sa babaeng kapiling niya. Ramdam pa niya ang mainit at malambot na kurbsa ng puwet nito, mariing nakaupo sa kanyang kandungan. Makikita sa binata kung gaano siya kapilyo kapag pinag - uusapan ang mga babae. Mga babaeng di niya mapigilang lumapit sa kanya. Mga babaeng tumatakbo sa kanya at pinapasaya siya sa kama. Hinaplos niya nang marahas ang hita ng babaeng hitik kung makatingin sa kanya. Nang iniabot ng kanyang labi ang labi ng babae, bigla na lamang kumarera ang tibok ng kanyang puso. Nagwawala ang kanyang kalooban dahil sa nerbyos. Ramdam niya ang biglaang paglamig ng kanyang kamay at ang pangangatog na kanyang tuhod. Iyon ang kauna - unahang pangyayari. Alam niya kung sino ang pumasok sa loob ng silid. Alam niya kung sino ang presensyang dumating. Alam niyang nakatingin ito sa kanya. Kung pwede pa lang na magtago siya sa likuran ng upuan, ginawa na sana niya ngunit na estatwa ang kanyang paa. Di siya makatingin sa dalaga. Di siya makangiti. Pinili niyang magpakamanhid, di siya pwedeng tumayo na lang at magpaliwanag kay Agata habang naririyan si Alvah. Kailangan niyang ituon ang kanyang sarili sa plano, sa misyon.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now