KABANATA 3 • BAHAGI 3

485 19 0
                                    

~~~•••~~~

BUMABALOT sa buong katawan niya ang malamig na tubig. Sa pagsisid sa ilalim, pumikit si Agata, humihiling siya sa bituin na sana'y dinggin ang kanyang katuparan. Hiling na maligtas siya ng tubig mula sa kapahamakan. Hiling na sana'y proteksyonan siya nito ngunit katulad ng bulalakaw sa kalangitan na mabilis lumitaw at mawala sa kadiliman, huminto ang kanyang tinatamasang kaginhawaan sa tubig, pangakong maaring gawin at maari ding basagin. Ramdam ng dalaga ang malakas at mariing paghablot ng kanyang braso, kamay na humila sa kanya sa ilalim ng lawa, ang kamay ng binata na sumagip sa kanya. Malalim at malakas ang pagsinghap ni Agata ng hangin mula sa kanyang ilong, hindi siya nakahinga ng ilang minuto. Nang bumukas ang kanyang mata, sumerpresa sa kanya ang mukha ni Cian.

"Magpapakamatay ka ba? Baliw!" tugon ng binatang nang - insulto.

Kumunot ang kilay ni Cian, bakas sa kanyang ekspresyon ang pagkairita gayun din ang katanungan sa isipan kung bakit ginawa iyon ni Agata. Abala ang kanyang tingin sa dalagang balisa at di mapakali, di na niya napansin ang kanyang kamay na nakahawak pa rin sa braso ng dilag. Kamay na mas mabigat pa sa bakal. Kamay na nanakal. Kamay na umangkin sa braso ni Agata.

"Bitawan mo ako!" pagpalag ni Agata.

Pinilit ni Agata na kumalas sa kamay ng binata. Pilit niyang iginuyod ang kanyang sarili palayo rito upang makalapit ulit sa lawa ngunit nabaon lamang ang kanyang paa sa lupa. Lupang sinubsob at kinain ang kanyang paa.  Kasabay nang malakas na puwersa ng binata sa kanya, biglang kumislap ang noo ng dilag. Sa ilaw na naaninag ni Cian, napatigil siya. Nabitawan niya ang braso ng dalaga. Pansin niya sa malapitan ang pagbuo ng marka sa noo ng ni Agata. Marka na bago lamang sa kanyang paningin. Marka na walang sino man ang dapat makakita dahil ito ay isang lihim. Lihim na dapat ang dilag lang ang dapat na makakaalam.

"Ah! Ang marka" tugon ni Agata na napaatras palayo sa binata.

Sa pag - atras ng dalaga, biglang umiba ang kulay ng mata ng prinsipe. Ang dating karagatang mata ng binata ngayon ay naging kulay dugo. Matang bumabalot ng kapahamakan. Matang bumubulong ng kamatayan. Matang nagpanginig sa buto ni Agata. Di makontrol ng dalaga ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso. Di siya makagalaw sa kanyang kinaroroonan daig pa niya ang na - holdap sa kanto.

Mabilis na napaabante si Cian patungo kay Agata. Nabaliw siya sa amoy niyang dugo. Mabango ito, kasing bango ng Sampaguitang bulaklak. Kakaiba ang nasinghot niyang amoy, nakakahigit ito sa amoy ng mga babae sa labas at loob ng Ambrogio. Nababalutan ito ng tamis, kaginhawaan at misteryo na ngayon lamang niya nasinghot sa buong buhay niya, para bang pabango na nanggagaling sa kusina, para bang amoy ng masarap na pagkain. Buong pagkatao niya, ngayon lamang siya nakaramdam ng seryosong pagkauhaw, tila pinagmumukha sa kanya ang adiksyong masipsip at malunok ang dugong gusto niyang inumin. Likidong mas masarap pa sa tubig.

"Huwag!" sigaw ni Agata.

Niyakap ni Agata ang takot. Takot na siyang nagpaatras sa kanyang binti.  Sa bawat paghakbang niya paatras, mabilis namang umabante ang prinsipe sa kanya. Halatang nawala na sa katinoan ang binata. Pagnanais na kagatin ang dalaga makuha lamang ang gusto niya, ang dugong mas matamis pa sa mga babaeng na biktima niya.

"Lu ---mayo ka prinsipe" pagmamakaawa ng dalaga.

Dahil sa narinig ng prinsipe, bigla siyang napahinto sa kanyang nilalakaran. Di niya maisip na ginayuma siya ng mabangong dugo ni Agata. Pag - iisip na sa tingin ng binata   humakbang siya sa paraiso. Paraisong kailan man di niya makita. Hindi niya napansin na sumusunod na siya sa dalaga. Hindi rin niya napansin na naging pula na ang kanyang mata. Sa pagbalik ng kanyang diwa, nadatnan na lamang niya ang takot na ekspresyon ng dalaga.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now