KABANATA 2 • BAHAGI 2

691 24 0
                                    

~~~•••~~~

MADILIM ang kapaligiran. Walang kahit anong liwanag ang maaninag ni Agata. Sa kadiliman kung saan siya ay nakatayo, nakarinig siya nang mahinang yabag papunta sa kanya. Kahit pilitin niyang tingnan nang mabuti ang taong papalapit sa kanya, hindi pa rin niya mahagilap ang kahit anong bulto nito. Nerbyos ang nararamdaman nang huminto ang yabag sa kanyang harapan. Sa paghinto nito, narinig niya ang mahinang boses na nagpatakot sa kanya.

"Ang iyong ikatlong proseso ay nagsimula na" mahinang tugon ng tao sa harapan ni Agata.

Rinig ni Agata ang isinaad ng taong ito. Rinig niya ang babaeng boses. Maamo ang boses nito ngunit kung pakikinggan tila ba'y nababalot ng hiwaga.

"Ako ay isang Greco (Oracle), ikaw si Agata" pabulong ng babae sa tenga ng dalaga na siyang nagpatakot dito.

"Nandirito ka dahil sa kuryosidad. Nandirito ka sa iyong misyon" dagdag pa ng orakulo.

Halos hindi makagalaw sa kinaroroonan si Agata habang nararamdaman ang mainit na hangin sa kanyang tenga. Dulot ng takot, pinawisan din siya habang ang kanyang mata ay nakadilat sa madilim na lugar. Lugar kung saan nagtatago sa kadiliman ang orakulo Gano'n pa man, ramdam ng dalaga ang nilalang na ngayon ay nasa kanyang gilid.

"Dahil sa iyong paglalakbay dito, makakaranas ka ng kasayahan at kalupitan. Sa bawat asul na buwan na iyong makikita, darating ang kapahamakan," saad nito.

"Bakit? Bakit binigay sa akin ang markang ito?" tanong ni Agata na tinibayan ang loob upang malaman lamang ang katotohanan.

"Malalaman mo ang sagot sa pagdating ng susunod na kabilogang buwan"sagot ng orakulo.

"Saan? Saan ko ito matatagpuan?" pahabol na tugon ni Agata.

Sa huling katanungang nais malaman ng dalaga,vbiglang nawala ang nilalang sa kanyang gilid. Nawala ito sa kadiliman habang iniikot - ikot ang kanyang sarili sa silid kung saan siya naroroon. Sa bawat pagtingin niya sa paligid, rinig niya ang yabag. Malakas iyon at kakaiba na para bang nagmamadali itong pumunta sa kanyang harapan. Sa isang iglap, bigla na lamang siyang inangat nito sa ere at mahigpit na sinakal. Hindi siya makahinga o makagalaw man lang sa kanyang kinaroroonan habang pinipilit na lumalaban.

"Bi --- bitiwan mo ako!" pasigaw ni Agata.

Sinubukan niyang alisin ang kamay nito mula sa kanyang leeg ngunit hindi niya magawa dahil sa nararamdamang pamamanhid ng kanyang kamay. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita. Walang lumalabas na kahit anong tinig sa kanyang bibig. Sa bawat mabigat na paghinga niya, unti -unting lumabo ang kanyang mata hanggang sa wala na siyang makita. Mabilis na idinilat ni Agata ang kanyang mata. Hingal siya habang mariing nakahawak sa kanyang dibdib. Pawisan siyang nakaupo sa kama, para bang naligo ito sa pawis. Napatingin siya sa sahig habang iniisip ang pangyayari.

"Panaginip lang pala. Akala ko totoo na" saad ni Agata sa isipan na parang nahimasmasan siya.

Tumayo siya sa kanyang kinaroroonan at nakaramdaman ng pagkauhaw. Sa pagbukas ng kanyang pinto, tumayo siya at umalis sa silid upang uminom ng tubig. Naglakad siya sa madilim na daan tangay ang katahimikan sa kapaligiran. Sa dulo ng daan kung saan abot tanaw niya, lumapit siya nang marahan habang iniisip ang kusina na magbibigay sa kanya ng kaginhawaan. Ngunit sa pagbukas ng dalaga, iba ang kanyang nakita. Ngayon ay nasa labas na siya ng koridor ng pangkalahatang silid. Marahan siyang lumakad pabalik sa daan kung saan ay nagdesisyon siyang magpahinga ngunit bigla siyang huminto nang makarinig siya ng sigaw na nagmumula sa labas ng mansyon.

"Tulon ... hmmm ---" tinig ng babaeng tila tinakpan ang bibig.

Mabilis na naglakad si Agata nang walang ingay papunta sa ingay na kanyang naririnig. Sa daan na kanyang nilalalakaran; daang papunta sa labas ng napakalaking mansyon, napagtanto niyang nasa likuran na pala siya ng gusali habang nagtatago at nakayukong sumisilip mula sa halamanan.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now