KABANATA 6 • BAHAGI 2

332 20 2
                                    

Paalala: May mga eksena sa kwento na R18.

~~~•••~~~

HUMAHAPLOS ang hanging marahang umiihip sa pisngi ni Agata, tila ba pinapagising siya nito. Mainit ito na para bang niyayakap siya. Kakabit nito ang sinag ng araw na sumasabay din sa paggising sa kanya. Sa pagmulat ng kanyang mata, bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang dibdib.

"Ang lunas, ang lunas" tugon niya na parang nataranta.

Marahas niyang kinapkap ang kanyang leeg ngunit wala na ito sa kanya. Napabalikwas siya at napatingin sa kanyang paligid. Doon lamang niya napagtanto na wala na siya sa kagubatan. Pansin niya ang kanyang kamay na napalibutan ng puting maliliit na tela upang matakpan ang kanyang sugat. Lalo siyang napariwara dahil sa alam niya ang silid kung saan siya naroroon. Nagdulot iyon ng panginginig sa kanyang katawan habang ang kanyang puso ay tumatakbo nang mabilis. Mabigat ang kanyang nararamdaman. Kasabay ng takot sa kaibuturan ng kanyang kalooban,  rinig niya ang mga kagamitang nahulog sa sahig para bang may nabasag na baso. Rinig din niya ang malakas na kalabog na para bang  may tinatapon na kung ano. Dahil sa kanyang narinig, marahan siyang tumayo sa kanyang kinahihigaan at di makabasag pinggang tumungo sa silid kung saan niya iyon narinig. 

Nanlaki ang kanyang mata nang makita si Cian na sinusuntok ang malaking salamin sa kanyang bintana mula sa sala. Kitang - kita niya kung paano ito nawasak at nalugmok sa sahig. Lahat ng nakikita niya ay nawasak. Ang upuan, mesa maging ang aquarium ng isda ay wasak din. Kasabay ng kanyang nakita, rinig niya ang hinaing ng binata na siyang nagpatakip sa kanyang bibig. Napahinto iyon sa kanyang binti. Lalong nagpabigat sa kanyang puso. Lalong nagpasugat sa kanyang damdamin.

"Kasalanan ko ang lahat! Napakasama ko! Pinakinggan ko dapat siya!" tugon ng binata.

Ang mga salitang binitawan nito ay nabalutan ng pagsisisi. Hinagpis ang naramdaman ni Agata sa bawat salitang binitiwan ng binata. Bakas nito ang pagkamuhi sa sarili. Bakas nito kung gaano siya kasama. Halos mapunit ang puso ni Agata, sino ba naman ang malulungkot sa taong sinisi ang sarili, sa taong sinasabihan niya ang kanyang pagkatao na siya ay masama.

"Tigil! Tumigil ka!" biglang saad ni Agata sa binata habang pinagmamasdan ang malungkot na reaksyon nito.

"Kasalanan ko ang lahat Agata! Pinakinggan sana kita" tugon nito na biglang sinuntok ang isa pang salamin ng bintana.

Halos napatakip ang dilag sa biglaang pagkabasag ng salamin ng bintana. Lahat ng bintana ay wasak na. Sa pagdilat ng kanyang mata, napasulyap siya sa kamao ng prinsipe. Napuno ito ng mga bubog habang nabalutan ng pumapatak na dugo sa sahig. Di niya nais makita iyon. Di niya nais na magsisi ang binata kaya di siya nagdalawang isip na lumapit. Ngunit sa paglapit niya, napakunot ang kilay ni Cian, biglang nanlisik ang kanyang mata parang lalapain niya si Agata.

"Papatayin kita kapag lumapit ka! Binabalaan kita Agata! Isa akong masamang halimaw" banta ng binata.

"Hindi, hindi totoo 'yan. Alam kong mabuti ka! Napatawad na kita sa pangyayari kaya--- kaya huwag ka ng magsisi. Huwag mo na akong ihatak palayo!" sagot ng dalagang umiiyak.

Sa kanyang isinagot, naramdaman na lang niya ang luha sa kanyang pisngi. Kasabay ng kanyang pagluha, ang mahigpit na paghawak ng binata sa kanyang braso. Marahas siyang tinulak ng binata papunta sa pader. Ramdam niya ang pagkakahawak ng binata na para bang sinasakal ang kanyang braso. Kitang - kita niya ang pamumula ng mata nito maging ang lumalabas na mga matutulis na pangil.

"Matakot ka! Halimaw ako Agata! Kaya dapat lumayo ka!" diin ng binata na tinatakot ang dalaga.

"Hindi totoo 'yan! Hindi ako natatakot sa'yo! Hindi ka halimaw!" mangiyak na sagot ni Agata.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now