KABANATA 1 • BAHAGI 3

953 33 2
                                    

~~~•••~~~

TAHIMIK ang kapaligirang nakikita ni Agata. Abot tanaw niya ang iba't ibang kulay ng awrora na nakaharang sa harapan ng bangka. Napapikit si Agata habang nilalagpasan ng bangka ang awrora. Ramdam niya ang init na nagmula sa ilaw. Sa pagbukas ng mata niya, napadaong ang bangka sa malapad na daanang semento. Sa dulo ng daanan iyon makikita ang mahabang itim na bus na siyang nais nilang puntahan.

Pagkarating ng mga kasamahan ni Agata sa dulo ng daanan, malinaw nilang nakikita ang mga lalaking nakasuot ng itim na amerikana. Nakatingin ang mga ito sa kanila na para bang naghihintay ang mga ito. Mabilis na sumakay ang mga kababaihan sa itim na bus. Umupo sila habang ang mga lalaking nagbabantay ay nakatayo, pinamumukha tuloy nila na matatakasan sila ng mga kababaihan. Napatingin si Agata sa mga lalaking nakatayo, nagmamasid siya sa kanila. Wala siyang tiwala sa mga ito.

"Iba ang kulay ng kanilang balat. Maputla sila na para bang hindi sila nasisinagan ng araw" saad ni Agata sa isipan.

"Ito na nga ba ang sinabi ng aking ina mula sa kanyang kwaderno? Sila ba ay mga bampira?" dagdag ulit ni Agata sa isipan.

"Nababasa kaya nila ang nasa isipan ko? Parang wala naman" saad ulit ng dalaga sa isipan.

Sa kakaisip ni Agata, hindi niya napansin na huminto na pala ang bus sa distenasyong nais nilang puntahan. Napatayo siya sa kinauupuan nang tumayo rin ang mga kasamahan niya. Sa paglabas niya sa sasakyan, minasdan niya  ang kapaligiran. Kitang - kita ng dalaga ang malapad na kalupaan sa kanyang harapan. Tanaw niya ang mahaba at puting istruktura na mistulang palasyo sa kanyang paningin. Sa harapan ng istruktura ay nakaposisyon ang mga punong hugis trayanggulo. Sa kalayuan ng gusali, mapapansin din  ang malaki at malapad na bukal na pinaliligiran ng damo sa gilid nito. Kasabay nang kagandahang nakikita ni Agata sa lugar na tahimik, tanaw rin niya ang malabughaw na kalangitang para bang sumasalubong ng kasayahan sa kanya.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar kwento)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar kwento)

Gaano man kasaya ang lugar, siya namang pagkawala ng ngiti ni Agata nang makita ang  ilang mga kasamahan niyang naging bugnotin. Tila ba nabuhusan sila nang malamig na tubig habang nakikita ang lugar sa kanilang harapan. Dahil sa ekspresyon nila, nagbigay ito nang koryosidad mula kay Agata.

"Bakit? Bakit mabigat ang pakiramdam nila sa lugar na ito? Parang nawalan sila ng kulay sa buhay" saad ni Agata sa isipan.

Sa pagmamasid niya sa kanyang kasamahan, nakarinig siya nang pag - uusap mula sa kanyang likuran. Tila ba ito ay nakikipag tsismisan. Napabalikwas nang pag - iisip si Agata at naituon ang kanyang tenga mula sa kanyang naririnig sa likuran.

"Hay! Bumalik na naman tayo sa La Cruz. Nakakapagod na, sakal na sakal na ako dito" reklamo ng isang babae.

"Shhh! Tumahimik ka nga kung hindi baka marinig nila tayo" pagpigil ng ikalawang babae habang nakatingin sa mga kalalakihang nagbabantay sa kanilang lahat.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon