KABANATA 4 • BAHAGI 4

336 23 1
                                    

~~~•••~~~

NABASAG ang mala - anghel na katahimikan sa buong paligid. Kakabit ang kumpol - kumpol na kalabog ng hakbang na maririnig sa buong paligid ay ang mga nakabibinging sigaw ng mga kababaihang mistulang langgam na nataranta.

"Huwag!" sigaw ng ilang kababaihang biglang hinablot ng mga bampirang kawal.

Mabibigat ang kamay ng mga kawal na nagmula pa sa palasyo ng hari. Walang bahid ng konsensya ang makikita sa kanilang mukha habang walang - awang ginuguyod ang mga kababaihan sa labas ng kanilang silid. Pinuwersa nila itong tinulak at ikinumpol sa pasilyo ng La Cruz. Halos nagulantang din si Agata, nanlaki ang kanyang mata habang ginuguyod din siya ng isa sa kawal ng hari. Kahit umalma man ang mga kababaihan, hindi pa rin nila magawa dahil sa malakas ang mga ito at higit sa lahat hindi ito tao kundi bampira.

Nang matapok na ang mga kababaihan sa pasilyo halos hindi makapagsalita sa galit si Iselda. Makikita sa kanyang ekspresyon ang bulkang tinitipok ang apoy, naghihintay na lang na sumabog sa galit. Hindi siya kumurap habang seryosong nakatingin sa isa sa mga opisyal ng imbestigador. Nakasuot ang imbestigador ng itim na amerikano. Itim din ang kanyang buhok na itinali niya dahil sa haba nito na hanggang bewang. Kasing putla ng neyebe ang kulay ng kanyang balat at ang kanyang mata'y kasing tulad ng mata ng pusa, bughaw na kasing kulay ng kalangitan. Matayog ang kinatatayuan nito at nabalutan ng pagkaistrikto ang presensya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran habang naglalakad sa harapan ng mga kababaihang natakot at di makaimik sa pangyayari. Abot pansin ang kanyang hugis pusong wangis nito na kung ngingiti ay siguradong hahabulin siya ng mga kababaihan dahil sa kagwapuhan.

"Isa sa inyo ang salarin sa paglason kay Valentina" direktang tugon ng imbestigador.

"Pinagbibintangan mo ba ang mga meyembro ko?" sabat ni Iselda na naging kamatis ang buong mukha dahil sa inis.

"Utos ito ng hari kaya tumabi ka" istriktong tugon ng imbestigador na mukhang nagtataray.

Walang magawa si Iselda, labag man sa kanyang kalooban kailangan niyang sundin dahil iyon ang utos ng hari. Ngunit sa kalooban niya hindi niya kayang makita ang mga kababaihang hinaharas at tinatratong ganito na para bang asong ikinulong sa hawla. Tutol talaga siya sa paraan ng imbestigador. Hindi lang ito marahas kundi matigas din ang ulo nito kahit na anong pakiusap hindi ito makikinig. Biglang napangiwi ang lalaking imbestigador nang tumabi si Iselda sa kanilang harapan. Kakabit nang pangyayari ay ang bulong ng babae sa kanya. Bulong na hindi maririnig ng mga normal na tao.

" Wala kang makikita dito, tandaan mo 'yan" babala ni Iselda sa mataray na imbestigador.

"Tingnan natin, hm!" maikling tugon nito na ngumisi pa ang labi.

Mataray niyang nilampasan si Iselda at tumungo sa mga kababaihang nagulantang at nataranta habang ang ilang kawal ay marahas na tinatapon ang mga kagamitan sa mga silid na para bang may hinahanap ng kung ano ang mga ito. Kasabay nang paglapit ng imbestigador, mala - malesyang tiningnan ang mga kababaihang kaharap niya na yumayakap sa isa't isa. Walang kurap niyang tiningnan ang mga kawal na para bang naghuhudyat ito ng utos.

"Kapkapan sila" pangiwing tugon ng imbestigador.

Sa isang salita lang,  hindi nag - alinlangan ang mga kawal. Marahas nilang hinablot ulit ang mga kababaihan at bagyong kinapkapan pa ng walang ingat. Wala itong pakialam kung masugatan man o masaktan ang mga babae.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now