KABANATA 7 • BAHAGI 2

274 18 0
                                    

~~~•••~~~

"KASABAY ng hanging pumapagaspas sa aking katawan napahinto ang sasakyan ng aking iniirog sa lugar na hindi pamilyar sa aking mata. Sa paglabas ko sa sasakyan, tumingin ako sa mata niya" salaysay ni Agata.

Direktang lumapit si Agata sa harapan ng binata. Pansin niya ang pamumula ng mata nito, nanatili sa kulay. May kakaiba sa mata ng binata, ang tingin nito ay malamig, walang emosyon. Tingin na malalim, wala sa reyalidad.  Kumunot ang kilay ng dalaga habang hinahawakan ang kaliwang braso ng prinsipe. Pagdampi sa braso upang bumalik sa katinuan ang binata.

"Ayos ka lang? Pumupula pa rin ang mata mo" tugon ng dalaga.

Nanlaki ang mata ni Cian dahil sa narinig mula sa dalaga. Naituon niya ang paningin kay Agata. Hindi niya alam, hindi niya napansin ang pag - iba ng kulay ng kanyang mata. Nabigla siya, hindi siya makangiti.

"Ayos lang ako" di makangiting sagot ng binata kasabay nang pag - alis niya sa kamay ng dalaga. Halos di makapagsalita si Agata sa pagbitaw ng prinsipe sa kanya. Nagulat siya sa marahas na pag - alis ng binata sa kanyang kamay. Hindi siya makagalaw habang nilampasan na siya sa paglalakad ng binata.

"Bakit gano'n? Bakit lumalayo siya sa akin?" tanong ng dalaga sa sarili.

"Hindi ka maayos alam mo ba?" biglang saad ni Agata sa tonong parang naiinis siya.

Biglang napatigil sa paglalakad ang binata at dumako nang tingin sa dalaga na nakatalikod sa kanya. Sa isang kurap ng mata, nasa harapan na siya ni Agatang bakas ang pagkairita at lungkot sa mata.

"Ilang araw na kitang napapansing ganyan para bang may gumugulo sa isipan mo" sabat ni Agata habang nakatingin ang kumikislap na mata sa mata ng binata.

"Pwede mo namang sabihin sa akin kung may gumugulo sa isipan mo" dagdag pa ulit ng dalaga.

"Wala akong oras para diyan. Huwag mo akong dramahan ngayon! Kailangan kong makuha ang umana naiintindihan mo ba!" galit na tugon ng binata kasabay ang paghawak niya nang mahigpit sa braso ng dalaga. Marahas pa niya itong hinatak  papunta sa kotse.

Ramdam ni Agata ang mariing pagsubsob ng kanyang likod sa kotse. Malakas na binagsak ni Cian ang libro na hawak ni Agata sa kanyang harapan. Hinampas niya ito hanggang sa lumagapak na lang ang libro sa lupa. Rinig pa ng dalaga ang pagtambol nito. Nanlaki ang kanyang mata dahil sa pagkabigla, dahil na rin sa ginawa ng binata.

"Kung ayaw mong sumama, maiwan ka sa kotse. Hindi ko kailangan ng pabigat ngayon" direktang tugon ng prinsipe sa kanya. Umalis din ito harapan ng dalaga.

Walang mailabas na salita si Agata. Hindi niya maikubli sa bibig ang tamang salita para sa binata. Habang tinitingnan ang binatang lumalayo sa kanya, unti - unti niyang nasisinagan ang pabalat sa kanyang mata na dahan - dahang nagpalabo sa kanyang paningin hanggang sa naramdaman na lamang niya ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi.

"Hindi niya iyon sinasadya Agata" tugon ng dalaga sa kanyang isipan habang iniabot ang libro sa kanyang kamay.

"Pero---" tugon niya hanggang sa napayakap na lamang siya sa libro at napahikbi sa pag - iyak.

"Siguro mas mabuting nawala na lamang ako sa kanyang paningin" tugon ulit niya sa isipan.

Sa destinasyong itinahak ng prinsipe, ibang destinasyon ang tinahak din ni Agata. Daang nakapaglayo sa kanilang dalawa. Sa daang nilalakaran ni Agata, rinig niya ang musika ng katahimikan. Ang hanging malungkot na sumisipol sa kanyang kapaligiran. Dinamdam niya ang kalungkotan sa kanyang puso. Kasabay ng kanyang nararamdaman, biglang huminto ang kanyang paghakbang. Sa kanyang bagay na nakita, nagbigay iyon ng ideya sa kanyang utak. Walang pag - alinlangan siyang lumapit sa truck at mabilis na kumatok dito na para bang humihingi siya ng tulong.

"Pwede po bang makisakay?" maluhang tugon ng dalaga sa matandang lalaking nakasuot ng asul na manggas at kapeng sombrero na halos nagpatakip sa puting buhok nito.

"Oh sige iha, saan ka ba pupunta?" mabait na tanong ng matanda.

"Kung saan po kayo dadako" sagot naman ng dalaga.

"Ayos ka lang ba? Sa reaksyon mo parang nag - away kayo ng syota mo" pangungulit ng matanda kasabay nang pag - andar ng makina sa kanyang sasakyan.

"Hay, naalala ko tuloy 'yong kabataan ko. Nag - away din kami ng asawa ko noon" balik tanaw ng matanda habang nagmamaneho ng truck.

"Kung gusto mo iha doon ka muna tumuloy sa amin pero sana kung ano man ang problemang kinakaharap mo magkaroon sana ng solusyon" dagdag ulit nito.

Di makasagot si Agata. Totoong may mga solusyon sa mga problema ngunit minsan mahirap gawin ang solusyon. Mahirap gawin sa taong minarkahan ng kalungkotan.
Sa ilang oras na byahe, sa wakas nakarating din sila sa eksaktong destinasyon. Sa paghinto ng truck, abot pansin ni Agata ang mga pulang bulaklak at mga taniman sa harapan ng lumang sementong bahay. Napapaligiran ang likuran nito ng mga punong kahoy na nagmistulang larawan sa kapaligiran. Sa ilang bayang nalampasan niya sa sasakyan, nabawasan ang kanyang tinik na nararamdaman.

 Sa ilang bayang nalampasan niya sa sasakyan, nabawasan ang kanyang tinik na nararamdaman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento)

"Sapat na ang destinasyon ko upang makalayo sa kanya. Alam kong di niya ako hahanapin dito" tugon ni Agata na ngumiti nang kaunti.

"Ayan nakangiti ka na. Halika, ipapakilala kita sa asawa ko" masiglang tugon ng matanda habang itinuturo ang daan sa dalaga.

Sa pagpasok niya sa loob, direkta niyang nakita ang nakaabang na ngiti ng aleng nakasuot ng puting blosa. Maaliwalas itong tingnan dahil sa buhok na perpektong nakatirintas sa likuran ng ulo nito.

"Aba sino naman itong dinala mo?" kalmadong tanong ng ale.

"Nakiusap kasi siya asawa ko" sagot naman ng matandang lalaki.

"Ito talagang asawa ko napakamatulongin" mabait na tugon ng ale.

"Iha umupo ka muna. Tamang - tama may niloto akong pagkain" paanyaya ng ale.

"Marami pong salamat" magalang na sagot ng dalaga.

Hindi inasahan ni Agata ang kabutihang loob ng mag - asawa sa pagtulong sa kanya. Kung ano man ang bigat na nararamdaman niya para bang nawala ito kaagad dahil sa masayahing tao sa kanyang paligid. Sa kaunting oras, lumiwanag ulit ang kanyang mukha na sa ilang buwan ay nabalutan ng hinanakit at kalungkutan. Sa kaunting oras  ngumiti rin siya. Matapos ang araw ng kalungkutan, isang pikit ang iginawad niya sa kanyang sarili. Pahinga at katahimikan ang namumuo sa kanyang katawan sa ilang beses na paghihinagpis.

"Tama ang desisyon kong layuan siya. Kakalimutan ko na siya at di na kailanman babalik sa La Cruz" tugon ni Agata sa kanyang isipan hanggang sa nilamon na siya ng antok.

~~~•••~~~

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now