KABANATA 3 • BAHAGI 4

487 25 5
                                    

~~~•••~~~

SINGHAP, pawis at sakit sa balakang ang nararamdaman ni Agata. Napasinghap siya sa hangin habang kinukuskos ang upuan gamit ang iskoba upang matanggal ang mantsang dugo na dumikit sa upuan ng sasakyan. Pawisan siyang kinukuskos nang mabuti ang mantsa, kaunti na lang matatanggal din. Isang oras na siyang naroroon sa loob ng sasakyan na nakapatiwarik pa dahil sa paglilinis sa loob. Sanhi nang ginawa niya, ramdam ng dalaga ang kanyang masakit na balakang na iniinda niya. Presko pa sa kanyang kaisipan ang nangyari kahapon ng gabi.

--••--

"Halika ka na" tugon ng prinsipe.

"Teka, nakalimutan mo na ba na nandirito sa La Cruz ang kwarto ko" sagot ng dalaga.

"Masgugustohin mo bang matulog sa lugar na nangangamoy dugo? Kung gano'n kailangan mong lakarin ang mabahang sahig habang unti - unti kang naliligo ng dugo" tugon ng binatang minamapula ang kaisipan ng dalaga.

"May punto naman siya" saad ni Agata sa isipan.

"Papayag na ako" sagot ng dalaga.

Sa pagpayag niya, biglang hinablot ng binata ang kanyang kamay upang makalabas sa La Cruz. Ramdam ni Agata ang mainit na kamay ng binatang yumayakap din sa kanyang kamay. Mainit iyon at hindi malamig sanhi upang magtaka ang dalaga. Ang alam niya kasi kasing lamig ng yelo ang temperaturang bumabalot sa katawan ng bampira ngunit nagkamali siya. Napatalon ang kanyang puso sa mainit na haplos ng binata, kumakarera ito sa bilis. Haplos ng pangangailangan. Haplos ng kalinga. Haplos na marahang pumukaw sa kanyang nararamdaman.

--••--

Sa kakaisip ni Agata sa nangyari, hindi niya napansin nawala na pala ang mantsa. Halos nabaon ang kanyang kaisipan sa pangyayari, para bang isang pantansya sa loob ng paraiso. Nang makabalik siya sa kanyang diwa, napatigil siya sa kanyang ginagawa.

"Ah! Bakit ko ba iniisip 'yon? Tumatalon tuloy ito?" tugon ni Agata sa sarili na napahawak sa kanyang dibdib kung saan tumitibok ang kanyang puso.

"Hangin, kailangan ko lang siguro ng hangin" tugon niya sa isipan.

Mabilis niyang kinuha ang panlinis at lumabas sa sasakyan. Sa paglabas niya, tiyempo namang nagkasalubong ang kanyang tingin sa mata ng binata. Nanlaki ang mata ni Agata, hindi siya makakibo o makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Iba ang kanyang nararamdaman, may kahalong kasayahan at kasabikan. Ramdam niyang lumilipad ang mga paru - paro sa kaibuturan ng kanyang kalooban dahilan upang matulala siya. Emosyong ngayon lang niya naramdaman. Kumunot ang noo ni Cian. Nabigla siya sa reaksyon ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit napatulala ito. Hindi niya mabasa ang iniisip nito ngunit batid ng prinsipe ang kasabikan sa mata ni Agata, alam niya pagkat may kasabikan din siya sa kanyang puso.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now