MENSAHE NG MAY - AKDA

242 9 0
                                    

KUNWARI
Orihinal na tula ni Emoon11

Kunwari lahat ng bagay ay masaya
Abot tanaw na ikaw ay maligaya
Ang totoo ikaw pala ay malungkot
Bakas sa'yong mata ang luhang sandakot

Kunwari bawat oras ay matapang ka
Paninindigan ang gustong ipakita
Ang totoo ikaw pala ay mahina
Di mo kaya, takot kang malaman nila

Kunwari kaya mo ang iyong problema,
At akala ng iba ay matatag ka.
Ang totoo ay gusto mo ng sumuko
Ang iyong isipan ay nagkakagulo

Kunwari ay marami kang kaibigan,
Kaibigan mo sila kahit saan man.
Nadarama mo na ika'y nag - iisa
Hinanap mo sila, hindi mo makita

Ikaw ay kunwari sa lahat ng bagay
Ikaw ay huwad, 'yan ang iyong palagay
Pakatandaan, huwad ka man o hindi,
Tunay kang tao, 'yan ay mananatili

Sa loobin mo ay di maipahayag
Sa isipan mo ay nakakabagabag
Tandaan may salitang tama at mali
Iyong sukatin, alin ang magwawagi?

Mabigat man sa loob ang iyong pasya
Diyos ay gagabay huwag mag - alala
Diyos ay pag - ibig dapat maalala
Mali ka man, patatawarin ka niya.

Ang tulang ito ay nilikha ko noong ako ay nasa high school pa lamang. Lumilikha na ako ng tula lalo na kung sobrang na iinspire ako. Isa ito sa tulang nabuo ko noong ako ay malungkot.

Tulad ni Agata at ni Cian, sa reyalidad ng mundo minsan tayo ay nagkukunwari. Nagkukunwari tayo minsan sa harapan ng ating kaibigan, sa pamilya, mahal natin sa buhay at maging sa ating sarili. Lahat tayo nagkukunwari depende sa sitwasyon. May mga sitwasyon na kailangan nating magkunwari, dapat na magkunwari, magpakatotoo, di magseryoso o di kaya naman ay magpakaprangka. Pero kahit sa tingin natin naging sinungaling tayo sa mga bagay na dapat malungkot tayo, na dapat galit tayo, o kahit ano pa mang emosyong dapat ipakita, kasalanan ba kung mahirap itong ipamukha sa kanila? Mali ba? Hindi tayo perpekto kaya kung ano man ang sa tingin niyo ay tama, then we should be grateful, we should be thankful because people don't walk in one pathway. People walk in many pathways. Sabi nga sa ABIVA live stream, peace does not start in the silence of the surrounding. Peace does not start from stopping the war and  conflict because we could not stop its existence. Peace starts within us.

Mag - ingat po tayo lalo na po sa panahon ng pandemic. Let us pray together that this pandemic will end. Let us pray that we will overcome this situation. Let us pray that no one will die again from this pandemic. Let us pray for those people who are affected by this virus that they will heal fast. Let us pray for our country and for the people around the world. Through prayer, God will grant our genuine desire. God bless to everyone.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon