KABANATA 3 • BAHAGI 2

502 22 0
                                    

~~~•••~~~

NAPUNO nang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kasabay nang katahimikan, ang di makatinging mukha ng dalaga dahil sa kahihiyan. Malayo rin ang kanyang distansya sa kinauupuan niya at sa binata. Tandang - tanda pa ni Agata ang reklamo ng lalaki dahil sa umabot ng halos dalawang oras ang pananatili niya sa banyo. Kahit mawala man ang ilaw sa kanyang noo mula sa tubig, kabaliktaran naman kapag tumuntong ang kanyang paa sa lupa. Ngayon lang niya napagtanto na Hindi madaling mawala ang asul na buwan, hindi ito katulad sa hanging nilalanghap na mabilis lamang lumalabas sa ilong. Dahil sa koryusedad, pilit siyang tumingin sa binata na nakatuon ang pansin sa harapang bintana ng sasakyan dahil sa nagmamaneho Ito.

"Kailan ba nangyayari ang asul na buwan?" Tanong ng dalaga.

"Napansin mo pala 'yon, kaya pala matagal ka sa banyo. Nahalina ka ba sa ganda nito?" sabat ng binata sa dalaga.

"Parang gano'n na nga" sagot naman ni Agata na walang naisip na dahilan.

"Nangyayari iyon sa unang araw ng buwan. Dalawang beses itong magpapakita. Mamaya sasalubong ito ulit" sagot naman ng binata.

Kasabay nang sagot ni Cian, huminto ang itim na sasakyan sa tapat ng pamilyar na gusali, ang lugar ng mga babaeng may krus. Sa paglabas nila sa gusali, malalim ang iniisip ni Agata, katanungan kung ano ang maaring mangyari sa kanya. Sa bawat hakbang niya palapit sa malaking mansyon, iniisip din niya kung saang parte niya makikita tubig na tatakip sa kanyang sekreto. Pagkapasok niya sa loob, napawindang siya dahil sa nakita niyang maraming tao at mga bampira sa loob ng La Cruz. Nag - uusap ang mga ito sa kanya - kanyang lamesa na siyang bumasag sa malalim niyang pag - iisip.

"Sandali" biglang tugon ng dalaga kasabay ang marahang pagdapo ng kanyang kamay sa dulo ng itim na manggas ng binata.

"Anong meron?" dagdag ng dalaga.

"Isang pagdiriwang ang magaganap. Mamaya eksaktong alas dose ng hapon, magaganap ang ikalawang pag - asul na buwan. Blood Feast ang tawag dito dahil mag - iiba ang kulay ng buwan. Ito ay magiging kulay dugo. Lahat ng mga opisyal ay nandirito upang salubongin ang okasyon" eksplinasyon ng binata.

Napaatras nang kaunti si Agata, para bang nagdadalawang isip siyang makipagsalamuha sa mga nakapalibot sa kanya. Takot at pangamba ang nanatili sa kanyang kalooban dahilan upang mapaisip siya sa kung ano ang dapat niyang gawin. Nang akma siyang magsalita, bigla na lamang siyang napatabi sa gilid ng binata dahil sa hinablot pala nito ang kanyang braso. Napatingin na lamang si Agata rito, nagulat siya sa pangyayari. Napansin din niya ang pagtanaw ng prinsipe sa ibang direksyon, sa direksyon kung nasaan nakatingin ang binata. Abot tanaw ng dalaga ang mga kababihan na nag - uusap, nakikipagtsismisan ang mga ito kasabay ng patay malesyang pagtitig nila kay Agata.

"Di ba siya 'yon?" tugon ng unang babaeng nakatali ang mahabang buhok sa pulang laso.

"Oo nga, ang kapal naman ng mukha niya. Hindi siya nahiyang tumabi sa prinsipe" tugon ng ikalawang babaeng nakakrus pa ang braso.

Kahit na malayo ang mga ito, malinaw na narinig ni Cian ang pinag - usapan ng mga ito. Bampira siya kaya sa ano mang layo ng distansya naririnig niya ang pinag - uusapan ng mga mortal pati na sa kapwa niya bampira. Marami siyang naririnig na punong - puno ng panunukso at pang - iinsulto kay Agata, dalagang walang kaalam - alam sa mga pinag - uusapan ng mga ito. Ramdam niya ang pagkainggit at pagkasuklam ng mga ito sa dalaga. Sa kanyang narinig mula sa maruruming bibig ng mga ito, nagbalot ng kirot at tinik ang kaibuturan ng kanyang puso. Naglakbay iyon sa kanyang diwa na siyang nagpaalala sa kanyang musmos na isipan.

--••--

"Anak siya mula sa ikalawang babae ng hari" tugon ng aleng nakasuot ng itim na bestida.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now