KABANATA 4 • BAHAGI 3

358 23 1
                                    

~~~•••~~~

KADILIMAN ang bumabalot sa buong lugar. Mula sa kadiliman ay ang pagkapepe ng kapaligiran. Namumutawi at kumikinang ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan habang nakaantubabay lamang ang ulilang buwan. Kakabit sa kadilimang iyon, nagsimula na rin ang misyon ni Agata. Alas sais na ng gabi, sa gabing iyon direktang inutos ng mayordoma si Agata sa palasyo ng hari. Nakatuon ang kanyang mata sa bintanang kinuskos niya gamit ang kapirasong tela. Halos kasing puno ng timbang tubig ang kanyang gagawin sa gabi buti na lang mas maliwanag pa sa buwan ang mga plorerang aranyang nakasabit sa kisame kaya kahit gabi na detalyado niya pa ring nakikita ang alikabok sa bintana. Nakaramdam siya nang kagaanang loob nang makitang nagliliwanag at kumikinang ang salaming bintana. Halos masalamin na niya ang kanyang mukha rito.

"Sa wakas kumintab na rin" tugon ni Agata sa isipan.

Malapagong niyang itinuon ang kanyang kamay palapit sa timba. Marahan niyang hinila ang hawakan nito hanggang sa maramdaman niya ang bigat ng kanyang dinadala habang nakikitang nakalutang ang timba na halos di na maabot ang sahig. Hindi siya nagdalawang - isip na lumayo sa silid kung saan siya naglilinis at humakbang palayo sa kinaroroonan. Dala - dala ang timbang may kulay putik na tubig na hinahawakan ng kanyang kamay, mahinhin siyang pumasok sa kusina at humakbang sa banyo na hindi aabot sa isang kilometro ang sukat. Papalabas na sana siya sa banyo nang may narinig siyang dalawang babaeng nag - uusap. Marahan siyang umatras na halos hindi makabasag pinggan. Hindi naman siya tsismosa pero tila ba may kung anong tumulak sa kanya upang gawin iyon.

"Huwag kang magdadalawang isip. Ihalo mo na 'yan sa baso at inomin mo" tugon ng unang babae.

"Paano kung biglang mamatay ako rito" tugon ng ikalawang babae

"Tanga ka ba? Mamatay ka rin naman mamaya kaya mabuting inomin mo na ito para mamatay din 'yang Valentina na 'yan" panggagalaiting tugon ng unang babae.

"Tandaan mo, dalawang oras ang hihintayin bago ang lason na ' yan tatalab kaya sulitin mo na ang oras mo" tugon ulit nito.

"Oh! Ano pang hinihintay mo! Kumilos ka na" pag - uusig nito.

Halos napatakip ng bibig si Agata habang sinisilip niya sa kaunting butas ang dalawang babae. Kitang - kita niya na mabilis na nilunok ng ikalawang babae ang inomin. Napapikit pa ito na  para bang napipilitan siyang gawin ang inutos ng kanyang kasamahan. Nakakrus pa ang braso ng unang babae habang di kumukurap na nakatitig sa ikalawang babaeng uminom ng lason. Umalis na rin ang ikalawang babae habang nanginginig ang katawan na para bang nanlalamig. Sa pag - silip ni Agata  tyempo namang lumingon sa bawat sulok ang unang babae, para bang may kung anong hinahanap ito.

"Mabuti naman walang tao, hm! Mamamatay ka din Valentina" tugon nito na napangiwi pa ang labi.

Kitang - kita ni Agata ang nakataling buhok nito maging ang wangis ng babaeng nakakunot noo ngayon. May malaburol itong kilay at malakapeng mata. Dahil sa may katamtamang payat ito, hindi makikita ang bulto ng kanyang panga at pisngi. Mapapansin din ang malaking nunal sa kanyang kaliwang panga. Nararamdaman ni Agata ang mabigat at itim na presensya nito na para bang  gagawin ng babae ang lahat kahit ito pa ay masama. Hindi rin nagtagal ang babae, malapato itong humakbang palayo sa kusina.

"Hay salamat, akala ko mapapansin ako ng babaeng 'yon" tugon niya sa isipan.

Mistulang nanlamig at naestatwa na si Agata sa kanyang kinaroroonan mabuti na lang umalis ito kaya biglang gumaan ang kanyang nararamdaman. Ngunit may bumabagabag sa kanyang isipan, namomroblema siya sa bagay na di dapat niya problemahin. Ika nga nila, huwag problemahin ang problema at hayaang mamroblema ang problema sa'yo, ngunit mukhang nahirapan ang dalaga na gawin iyon.

MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSSWhere stories live. Discover now