Vision 1: "Sino Ka?

128 2 4
                                    

I dedicate this sa aking nats.. hehe love yah!! ;*

Vision 1: Sino ka?

Pauline’s POV

Nasa sala ako ngayon, nakaupo lang sa sofa. Wala kaming pasok dahil may bagyo. Malakas lakas din yung ulan sa labas.

Wala akong magawa sa bahay, natapos ko na kasi kahapon ang lahat ng kaylangan kong gawin. Tumayo at umakyat ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Tumagilid ako. Nakita ko ang family picture namin sa table sa gilid ng kama ko. Naupo ako at kinuha yung picture.

“I hope, I also die in that plane crash at nang hindi ako nagsa-suffer sa kalungkutan at pagkaulila ngayon. Words are not enough para masabi ko kung gano ko na kayo kamiss mama, papa.” A tear dropped from my eye at sinundan pa ito ng isa, hanggang sa hindi ko na natigilan. o(╥.╥)o

“Sorry mama, sorry papa. Hinayaan ko nanamang umiyak ang prinsesa niyo. Hindi ko lang po kasi talaga mapigilan.”

TOK! TOK!

Nagulat ako ng marinig ko nanaman ang katok mula sa sliding glass door ko. Napatigil ako sa pag iyak. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko tapos tumayo ako. Binuksan ko yung glass door at lumabas sa terrace, ang lakas ng ulan. Pag tingin ko sa lapag, may regalo ulit na nakabalot sa blue wrapper and as usual may sulat ulit at isang piraso ng balahibong itim ng isang malaking ibon. Kinuha ko yung regalo at tinignan yung sulat.

“Cheer up, smile. Always remember the happy memories and not the bad. Hindi sayo bagay ang nakasimangot. Kaya mo yan.”

                                                                -Your Guardian

Napangiti nalang ako bigla pagkabasa ko nung sulat. Gabi-gabi nalang, lagi akong nakakarinig ng katok mula duon sa glass door ko at sa tuwing lalabas ako at pupunta sa terrace ng kwarto ko. Laging may regalo at sulat at isang piraso ng balahibong itim gaya nito sa lapag.

“Hindi ko alam kung sino ka at kung paano mo nalalaman ang mga nangyayari sakin, and still thanks a lot. You always make me smile and feel comforted. ^_^”  Sabi ko habang nakatingin sa balahibo.

Dahil sa malamig na sa labas, pumasok na ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at binuksan yung kahon. Pag-bukas ko may isang iris (bulaklak yun) at isang dress with matching shoes. Ang nakakapagtaka sakin lalo ay kung pano nya nalaman ang size ko at ng paa ko. Hmmmmmm.. aiszt! nevermind. Sa loob ng kahon ay may isa pang mas maliit na kahon, mga kalahati ng laki ng naunang kahon. Nilabas ko ito at binuksan.

0_0……… ^.^

Mansanas! Puro mansanas! Yieee! Ang favorite kong mansanas! Ang dami, siguro kung titimbangin mga kalahating kilo. Lalo akong napangiti, nawala ang lungkot at pangungulila na kaylan lang ay aking nararamdaman.

“Sana, makita at makilala man lang kita in person. Para, makapagsalamat ako sayo ng sobra. Kung tutuusin, apaka dami ko na sayong utang. ^_^ Sino ka ba kasi talaga?” saka ako tumingin sa may terrace ko.

"THE VISIONS"(SAVING THE WORLD WITH YOU) ON HOLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora